Chapter 26
Choice"What are you doing here Venice?"
Medyo malakas kong bungad sa kanya. Double purpose. Dahil sa gulat at intensyong iparating kay Ryely ang presens'ya niya. Alam kong 'di pa tuluyang nakalabas si Ryely sa kusina dahil medyo distansya pa ang boses niya kanina, and it's a blessing in disguise that I never open the door wider enough for Venice to see Ryely inside my apartment. Sakto lang ang bukas ng pinto para sa plano kong pagsilip sana sa panauhin, mabuti nalang talaga. Pero 'di ako sigurado kong talaga bang hindi umabot sa pandinig ni Venice ang pagtawag ni Ryely kanina.
"Why so tensed Serra? Are you hiding something?" Nagdududa niyang tugon sabay baling sa likod ko.
Although, sigurado akong 'di niya matatanaw ang looban ay humataw parin ng malakas ang dibdib ko. Nawala rin ang mga mumunting ingay sa loob ng kusina, maybe Ryely sensed this trouble I'm facing at the moment. Pilit kong pinanatili ang blankong ekspresyon.
"What brings you here?" I asked casually to hide the nervousness I'm feeling.
Tumaas ang kilay niya at may mumunting alab na mababanaag sa mga mata. ignigrora ko 'yon, I'll be doing my father a favor right? In that case, Kailangan kong magpakumbaba kong kinakailangan. I need to reach out to them first, even if they'r my mortal enemies. Just for the sake of my father.
"Stop the drama Serra! I'm not buying it!" She fired with pure disgust.
Mataman ko siyang tinitigan. I thought this surprise visit is something urgent, O' may inutos sa kanya si lola kaya napilitan siyang pumarito, dahil imposible namang maligaw siya sa apartment ko ng walang dahilan. Subalit sa klase ng pananalita at tinging ipinupukol niya ngayon, ay mukhang pakikipag-away lang yata ang sadya niya.
"Aren't you tired from all of these fights? Bakit hindi nalang natin ituon ang atensyon kay dad imbes na mag-away palagi." Kalmado kong pahayag.
Matagal bago siya sumagot, napakunot ang noo ko ng hinagod niya ako ng tingin. "Is that really you?" Namamangha niyang tanong. "Sa tingin mo ba magiging okay pa si dad? Wake up! They won't take the operations coz it's too risky. It's all your fault! Why don't you just die first bitch!" Galit at pasigaw niyang pahayag.
I clenched my fist tightly. Hindi ko alam kong saan nanggagaling ang matinding galit niya. pero isa lang ang natanto ko sa ngayon, sobra ang lalim no'n! Kahit anong gawin kong pakikipag-ayos ay mukhang hindi rin magiging epektibo kong ganito palagi ang eksena t'wing nag tatagpo kami.
Sino ba ang naagrabyado dito? Hindi ba ako 'yun? Saan nag mumula ang lakas ng loob nilang umakto at ipagdiinan ang pagiging kontrabida ko sa pamilyang ito, when in the first place, ako ang nawalan at inagawan. Uso naba talaga ang pakapalan ng mukha ngayon?
"I don't have time for this! Deritsuhin mo ako. Dahil kong hindi mo kayang makisama sa presens'ya ko, then, it's not my problem anymore! Magtiis ka sa presens'ya ko dahil anak ako ni dad, legally." Kalmano ngunit may diin kong pahayag. mas lalong nagliyab ang galit sa mga mata niya.
I swallowed hard ng umabante si Venice, isang maling galaw mula saming dalawa ay sigurado akong bubukas ng tuluyan Ang pinto. sa klase ng tingin niya, alam kong Ubos na siya. ngunit mas hindi ko inasahan ng itulak niya ako ng bahagya. 'yon ay hindi ko napaghandaan.
Lumaki ang awang ng pinto dahil sa bahagyang pagkawala ng balanse ko, sigurado akong natatanaw na niya ngayon ang sala.
Muli kong binalik ang tingin sa kanya, iritado.
"Yan! D'yan ka magaling! Mang-agaw!" Halos sigaw niyang balik.
Umigting ang panga ko dahil sa nagbabadyang pagkaubos ng pasens'ya. "What's your problem now?" Nang-uuyam at iritado kong pakli.
BINABASA MO ANG
BROKEN SERRA (Oriental Girls Series-#1)
RomanceSERRA ALLEN RAMIREZ. was once a sweet and lovely daughter of the late Cecilia Pascual Ramirez. when tragedy hit her family, and a lack of father's affection turns her into a cold hearted woman. A loner! The walking trouble, RYELY RAZ IGNACIO. her o...