Chapter 25
PresenceRyely is now sitting in my bed. Matapos kong magbihis sa loob ng banyo ay dito ko na siya inabotan sa kuwarto ko pagkatapos. Hindi naman maliit ang kama ko, pero ngayong si Ryely ang naupo doon ay nagmukha itong mini bed. Malaking tao lang talaga ang isang 'to!
Natuyo na ang buhok ko galing sa pagligo hanggang sa natapos ko na ang evening routine ko't lahat ay wala paring umiimik sa pagitan namin. Nakaharap ako sa salamin nakatalikod sa puwesto niya pero, para parin kaming magkaharap dahil nakatitig naman siya sa'kin sa salamin. Ibinaba ko ang suklay at hinarap siya.
"I-It's getting late!" Medyo kabado kong bungad.
I know he's a little bit angry about my credit calls last night. But the way he look at me right now, seems a total opposite of it! I can see sadness and hesitation in his eyes. Umabante siya papunta sa puwesto ko. Even though he looks tired, the handsome face and bad boy aura didn't vanish.
Halos pigilin ko ang paghinga nang tuluyan siyang nakalapit at huminto sa harap ko. Napaangat ako ng tingin sa mukha niya.
"Are you sleepy?" He asked casually, but it sounds like a music to my ears.
Para akong hinihile sa nakakalasing niyang tinig.
Ang panggabi niyang boses ay nagpapagaan sa kalooban ko.
Para bang sa pamamagitan no'n ay maiibsan ang sakit na dala-dala ko ngayon. It feels like... may karamay ako sa lahat ng ito. Kahit hindi ko sabihin alam kong nakikita at nararamdaman niya ang bigat nang kaloobang dala-dala ko ngayon. The gentleness of his stares is enough reason for me to felt safe and warm."Hindi kita iiwan, magiging okay rin ang lahat. I'm with you!"
He cupped my face, and look straight into my eyes. "Are you tired now?" Puno ng emosyon niyang pahayag.Halos mapapikit ako init na hatid ng presens'ya at sinseridad sa bawat salitang binibigkas niya. Hindi ko mahanap sa puso ang duda at alinlangan. I always believe that my instincts is right when it comes first. But right now, I think I lost my instincts! it's somewhere out there! Leaving me at the moment. Matagal bago ako nakasagot. Pag sinabi ko bang Oo, aalis na s'ya? Why do I feel so sad all of the sudden. Napayuko ako, ngunit agad niyang inagapan. Bigla siyang yumuko at sinapo ulit ang mukha ko.
"I know you're tired. Let's talk tomorrow." Namamaos niyang turan. Habang palipat-lipat ang tingin sa mga mata ko. He sighed heavily before giving me a smile that's so genuine. And I felt even lighter. Pero 'di ko mapigilang malungkot isiping 'di rin s'ya magtatagal.
"I just want to see you so bad kaya dumiretso na ako dito. I'll see you tomorrow again. You should rest."
Hindi ako nakaimik ng hinalikan niya ang noo ko at deritsong tumalikod palabas ng kuwarto. biglang naglaho ang panandaliang ginhawang nararamdaman ko ng mawala siya sa paningin ko. Bumalik ang bigat at sakit.
I need him! 'yun ang pilit sumusiksik sa utak ko. Kaya parang may isip na mismong kumilos ang katawan ko, para bang nagkakaintindihan sila ng puso't isip ko na utusan ang katawan kong sundin ang mga hinaing nila. Wala sa sarili akong lumabas ng kuwarto upang sundan siya.
Nasa pinto na s'ya nang abotan ko. Akma na sana niyang bubuksan ang pinto ng magsalita ako.
"Can you, stay for tonight!"
Diretso at mabilis kong agap.
Gulat siyang napabaling sa'kin! Di makapaniwala. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Ngunit, kalauna'y sumilay ang ngiti sa labi niya, na siyang nagpagising sa diwa ko.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa nagawa. Nakagat ko ang labi.
What have I done?
BINABASA MO ANG
BROKEN SERRA (Oriental Girls Series-#1)
RomanceSERRA ALLEN RAMIREZ. was once a sweet and lovely daughter of the late Cecilia Pascual Ramirez. when tragedy hit her family, and a lack of father's affection turns her into a cold hearted woman. A loner! The walking trouble, RYELY RAZ IGNACIO. her o...