January 05
"Hey, baby," he greeted me seductively.
Oh... God...
Tumayo siya at lumapit sa'kin. He smirked then hinila niya ako para maupo sa katapat na sofa nila Papa at nang magandang babaeng katabi niya rin. I looked at Jennie but she only shrugged. I'm so in a trouble right now.
Bigla yata akong hindi makatingin kay Papa, not that I'm scared (which never happened before), but his ever bright smile is creeping me out. Mas gusto ko pa yata na makita yung galit niya kagabi kaysa sa ngiti niya ngayon. I just have this very, very strong feeling that there is something fishy is going on.
The lady caught my attention when she started looking at me. Na-concious naman yata ako sa itsura ko ngayon. She smiled at me. "You're so perfect, darling!"
Lalo akong nagulat ng hindi lang iyon ang sinabi ni lady pero marami pang sumunod na compliments. Ultimo size na yata ng buo kong katawan napansin na niya. At dahil puzzled na puzzled na ako ngayon, itong nilalang na lang sa tabi ko ang tinignan ko.
He is... poker faced.
"Bagay na bagay kayong dalawa!"
Iyon na ang nagpalaki ng mata ko. Ano?! Bagay kami?! "What?!"
I ask but they just all smiled except for Jennie that is also shocked and this guy beside me. Sabi na nga ba at may something fishy dito e!
"Bago ang lahat, sweet Caroline, ako nga pala si Miss H. Ako ang manager niyang si Marshall at ako na ang nagsasabing sa bagay na bagay kayong dalawa and..." she said casually like it's the most normal thing to say.
I know he's gorgeous, handsome, hot... but that's not the point! May masama na talaga akong nafi-feel dito. "And?" napalunok pa yata ako ng di oras.
"You're timing is so convenient! Kung alam mo lang, Caroline, kung ano ang hirap namin sa mga issue'ng nilalabas ng lahat sa kanya tungkol sa mga relationships chuchu na yan," kinuha ni Miss H ang iPad niya at ipinakita sa'kin ang mga previous news tungkol na din sa mga babaeng nakakasama niya. "So, that selfie you took with Marshall is the answer to all of this crap."
Napatingin ako kay Papa. That creepy smile is still plastered on his face. "Just listen to Miss H, sweetheart. Siya na ang bahala sayo."
Gusto kong magreact pero sinenyasan ako ni Jennie na wag daw. Wag ko daw ituloy ang binabalak ko. Napalunok na naman ako. "O-Okay..."
Mas lalo namang lumaki ang ngiti ni Miss H. "We're here to have a contract with you," she said making me say goodbye to my freedom. Mukhang alam ko na kung saan pupunta ito. "We would like to hire you as the personal assistant of Marshall."
"PA?" hindi ko makapaniwalang tanong. Ako? Caroline Marson? Magiging PA?!
Pati si Jennie ay hindi rin makapaniwala. PA. Personal Assistant. Gosh...
"Yes! As in lahat lahat ng personal things niya ikaw ang bahala dahil Marshall Vergara is now your boyfriend," Miss H announced proudly.
"Mr. Vergara will now also hold your accounts. Siya na ang bahala sayo and your unit will be locked for a while because you'll be living with him now," Papa added.
Marshall smiled. "Thank you for your trust, Mr. Marson. Ako na po ang bahala sa anak niyo, aalagaan ko siya." He said then held my hands. Daig pa niya ang nanligaw ng totoo. Who could've thought that this is happening? Goodbye freedom na talaga!
Last night, with just a selfie, with just a kiss... Ganun ganun lang may boyfriend na ako. Wow, just, wow.
Goodbye, freedom! T_T
~~~
"Oh my G!" pang-ilang beses na yatang sabi ni Jennie na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala. "You, Caroline Marson, is now officially in a relationship with Marshall Vergara! Grabe, grabe, grabe!!!"
Napailing na lang ako. Ako din naman, hindi pa rin makapaniwala sa lahat lahat pero alam ko na ang plano ni Papa. At dahil alam ko na para pumayag siya dito dahil maikukulong niya ako, well he's mistaken. Hinding hindi ako papayag sa gusto niya. It's also my fault, kung kilala ko lang sana kung sino siya last night, I would never ever touch his lips. That virgin lips of his! Di pa yata nahahalikan yun e!
Tinungga ko na lang 'tong tubig ko. "What's the big deal? Lalaki lang din naman siya, testosterone-filled creature," I said wiping my lips. "I know na artista siya and this is not the first time we get to have an encounter with each other but he's just the same."
"I can't believe you!" reklamo niya. "Caroline, wake up! Halllllooooo! Marshall Vergara is your boyfriend! Wait..." napahinto siya bigla na parang may naalala at tumakbo sa kwarto niya. Kinuha niya pala yung iPad niya at inabot sa'kin iyon.
"Anong gagawin ko dito?" I asked dumbly. Alam ko namang gamitin yung pero para saan nga, di ba?
"Sige, isubo mo," she said sarcastically but then she smiled widely. "Sige na! Palitan na ang status mo! I-in a relationship mo na yan! Sisipain kita kung aarte ka pa!"
I shook my head. What the hell! Mas bossy pa itong bestfriend ko kay Papa! Siya lang ang nakakapag-utos sa'kin ng ganito. I rolled my eyes, baka magseryoso 'tong bruhang 'to.
I opened my Facebook account, nandoon pa rin ang sandamakmak na notifs, emails, friend requests... namali ako ng pindot kaya naman yung mga FRs ko ang nabuksan ko. Nanlaki ang mata ng makita ang isang request. Not just any request but a relationship request! Ten minutes ago!
"Napano ka na naman?" she asked me. Napansin niya yata na parang nakakita ako ng multo sa iPad niya. At dahil hindi ako nakasagot, kinuha niya yung iPad sa'kin. "Give me this! Wala nam--- OH MY GOODNESS AND EVERYTHING ELSE!" OA niyang sabi at yung mata niya akala mo luluwa na. "Siya na ang nagsend ng RR (relationship request) sayo! Kailangan 'tong..." parang may ginawa na naman siya. "Naka screen shot!"
Lahat ba talaga ng mga bestfriends mas OA at excited pa sa love life mo?
Inagaw ko na yung iPad sa kanya, ako naman na ang pipindot ng 'accept' at kumukota na siya 'ha! My precious freedom ang ibinayad ko dito! "Ako na ang mag-a-accept! Sobra ka na, bebs!" inirapan ko na siya at in-accept na, baka agawin na naman niya e.
"Hahahahaha! Ayiiiie! Kinikilig naman ako sayo, bebs! Sabi na nga ba at gusto mo rin na maging jowawers si Mr. Hotness!"
"Tse! Nakakarami ka na kasi, bebs! Kahit na PA pa ako ng lalaking yun, love life ko pa rin 'to kaya hayaan mo na."
Hindi pa rin niya mapigilan ang kilig niya kaya naman nag-fan girling na naman siya. Buti na lang ay may tumawag sa kanya kaya napilitang iwan muna ako. Pag balik ko n atensyon ko sa iPad, ngayon ko lang napansin na may nag-message pala...
Marshall Veragara: Call, Miss H. Now.
Three minutes ago pa lang naman kaya sinagot ko na.
Me: And why would I do that?
Marshall Vergara:Typing...
Sabi kasi ni Miss H, I should make up my mind until the day after tomorrow. Aayusin na daw kasi niya yung mga press conference para naman daw malaman na nila na kami daw at maging okay na ang mga issue.
Marshall Vergara: You already stole a kiss from me. I know you, Miss Marson.
Napakunot ang noo ko. Ano naman ngayon kung kilala niya ako? Kilala ko rin naman siya pero hindi ko masyadong pinapansin kasi lahat na siya na ang bukang bibig. Nakakasawa kung pati ako makikidagdag pa. He's one hell of a guy kaya naman lahat nababaliw sa kanya.
Kung usapang showbiz naman, hindi na rin ako bago sa mga ganyan. Except sa nafi-feature ang restaurant ko, yung mga kagagahan ko bumibenta sa media. Dinaig ko na nga daw ang mga totong artista.
Me: Sorry for the inconvenience, Mr. Vergara. Sige para po sa inyo, tatawagan ko na po si Miss H. You're welcome.
Sayang din naman 'to, I'm so bored so why not enjoy this thing? I guess, may point naman si bebs. Sa lahat ng kagagahan ko, ngayon pa lang ako nakahanap ako ng artista. I fished my phone in my pocket. Tatawagan ko na nga si Miss H.
"Hello, Miss H... Opo... Payag na po ako."
BINABASA MO ANG
Now Serving: My Hot Boss (On Hold)
Художественная проза"I am a slave for his love..." [Caroline Marson and Marshall Vergara's Story] © MissHandsomeGray