NS:MHB 15

232 7 0
                                    

(Continuation)

"OH. MY. GOD!!!"

Isang malakas na sigaw ang tuluyang gumising sa aming pareho ni Marshall. S-Sino nga ba 'yun?

Naramdaman yata ni Marshall na gumalaw ako kaya naman mas humigpit pa ang yakap niya sa'kin. "Hmmm..."

"Magiging ninang na ako!!!!!"

~~~

"Kasi naman kayong dalawa," pagsisimula ni Miss H. Tama. Si Miss H nga. Wala ng iba pa. "Hindi naman sa ipinagbabawal ko, actually natutuwa nga ako, pero magsasara kayo ng pinto 'ha?"

Tinatawanan na naman tuloy kami ni Miss H. Matapos kasi ang lip-locking event kanina... Ahem, yes event talaga. Tsk! Namumula tuloy ako at naaalala ko na naman 'yun. Pabebe much, susme. At mabalik na nga tayo, nakatulog kasi ulit kami, then ayun! Si Miss H nga daw ang malapit ng magiging ninang este 'yung sumigaw na magiging ninang na siya.

"Miss H, we only slept together. That doesn't mean that were having a baby that fast," pilyong sabi ni Marshall na ngayon ay nandito sa tabi ko.

I rolled my eyes. Oo nga naman kasi. Natulog lang kami. That's it.

"Okay nga lang sa'kin. Nang kahit paano ay matuto ka na mag-settle in, Marshall. I like Carrie for you and I know for sure na you like her too!" Tumatawang deklara ni Miss H.

Natatawa na lang din ako. Tuwing naririnig ko ang kasal, naaalala kong nagtatalo pa sina Ate Megumi at Ate Mishima kung sino ang magpaplano ng motif ng kasal ko kung sakali. Pati ang mga magiging ninang at ninong kung sakali ay talaga namang pinipili na nila.

"Don't worry, Miss H. Magkakaroon din kami ng baby. Di ba, babe?" Pilya ko namang ganti kay Marshall at yinakap na ang braso niya.

Don't worry, guys, he's in decent clothes. Naka-white shirt and casual shorts na lang siya. At ako naman ay nagshower na rin muna kanina.

"Sana nga! Gusto ko na talagang maging ninang e!" Excited talaga si Miss H.

Inakbayan naman ako nitong katabi ko. "Miss H, we'll make love first." Nasa tono naman niya ng pagbibiro pero heto ako at init na init na naman sa paligid.

Take note, Caroline: Wag kang magjo-joke kung maiinitan ka lang sa ibabalik na joke ng boss mo.

Tuwang tuwa naman si Miss H sa topic naming tatlo. Buti na nga lang at nag-change subject na. Habang ganun kasi ang topic namin ay walang ibang maisip ang isip ko kundi ang i-replay nang i-replay ang halikang naganap. Ano ba 'yan? Teenager at kinikilig-kilig pa ang peg?

"So shooting na lang ngayong araw?" Tanong ni Miss H at inilabas na ang box na dala dala daw niya. "Kung ganoon lang din naman, magpapahinga muna ako. Enjoy your day na lang at heto ay para sa inyong dalawa. Kung ano ano na naman kasing lumalabas na issue kay Marshall. Kesyo nakabuntis na naman daw siya..." What?! Nakabuntis na naman? Wala na bang ibang tsismis? "...kaya nga pinili ko na lang 'yang sagot sa problema ko."

Tumayo at kinuha ang box. "Thank you po."

"At bago pala ako umalis, Carrie, naipadala mo na ba 'yung report na hinihingi sayo ng Dad mo?" Tumango na lang ako sa tanong ni Miss H. "Okay then. I'll have my beauty rest now."

Iniwan na kami ni Miss H.

Ano kayang laman nito?

____________________

"Very good!"

Natutuwa naman ako dito sa photographer namin. Akala ko kanina amatuer lang talaga siya gaya ng sabi niya, e sa totoo naman pala daig niya pa ang mga proffessionals na nakatrabaho ko. Siya din ang kahapong photographer nila Marshall.

Now Serving: My Hot Boss (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon