(Continuation)
"Hey, baby," mabuti na lang at nakapagsalita pa ako. Tsk. Nakakainis lang at heto na naman ako, tinititigan siya na parang tanga. Nawala nga yung pagod ko, heto naman akong inanamnam-- este tinitignan siya. "Gutom ka na ba? Nagluto ako." I gestured the pan. "Malapit ng maluto."
Nakangiti pa rin siya pero matamlay na naupo doon sa upuan. "How long since I was asleep?" Tanong niya at dahan dahang hinimas ang noo. "My head still hurts."
Pinatay ko na 'tong kalan at hinayaan na muna 'tong pagkain namin, lumapit muna ako sa kanya at hinawakan ako magkabilang pisngi niya. "Hala! Mas uminit ka naman!" Seryoso! Mas uminit pa siyang lalo!
Nagpapanic na ako ng bigla niya akong tinawanan, nagsalubong tuloy ng di oras ang kilay ko. What so funny? "Tsk! Ano na naman? Ikaw na nga 'tong inaalala, tinatawanan mo naman ako!"
He's weird! Oo nga, di ba, wala nga akong experience sa pag-aalaga (dahil kung hindi ako ang aalagaan ay hindi rin naman ako yung mag-aalaga sa may sakit), si Bebs naman kasi minsan lang talaga magkasakit. At tignan niyo 'tong lalaking 'to! Tinatawanan talaga ako!
"Ewan ko sayo!" Inirapan ko na lang siya at ihinanda na 'tong pagkain namin.
Si Bebs lang talaga ang karaniwang nilulutuan ko ng mga ganitong pagkain, but since my boss is sick, wala namang masama kung papakainin ko ulit siya ng masarap. Speaking of my Bebs, nandoon pala sila ngayon sa Ilocos Norte. I don't know the exact location pero doon yata siya maggagagala at nandoon din daw yung venue ng bago niyang project. Nasabi ko na ba na photographer ang bebs Jennie ko?
After I plated our food, I got back to him. "Heto na..."
"I never thought that you would take care of me, brat," he playfully said. Ewan ko ba kung may sakit talaga 'to o wala. Ang galing pa ring mang-asar e.
"Ewan ko sayo," inirapan ko ulit siya at tinabihan na siya. "I may be a brat but you're sick and this is my job. Kailangan kong alagaan ka sa ayaw at sa gusto ko," sabi ko habang hinahainan na siya. Poor him, alam ko namang hindi siya makakakain kung hindi siya tutulungan.
Habang inaayos ko ang pagkain para naman mas makain niyang mabuti ay napansin kong tinititigan niya ako. Napalunok na yata ako ng di oras. Nakakaasar! May sakit na nga siya tapos... Oh God, please help me avoid the temptation this guy is giving me.
"Tito Carl called," mahinang sabi niya. "He was asking if you could still finish your column by the end of the month, and about you're restaurant, he also reminded that you should pass the report by 18."
Parang gusto kong mag-face palm! Ano ba naman yan?! Akala ko pa naman makakapag-relax na ako ngayong pinasok ko na 'to! But obviously, I'm wrong. Pati yung mga trabaho ko kailangan na talaga ako. Tss.
Umiling-iling na lang ako at itinapat ang kutsarang may pagkain kay boss. "Eat."
Hindi naman na siya nakipag-away pa at sumubo naman. Ako naman 'tong pinapanood lang siya. He's really cute. Oo na, sinabi ko na talaga yan.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang maubos niya yung pagkain. I felt relieve to see him getting his 'eating mood' back. Buti pa siya kahit may sakit na, nagagawa pa rin niyang kumain. Kung ako siguro siya ngayon, hindi ko man lang gagalawin 'tong pagkain na 'to.
Ibinigay ko na rin yung gamot niya. "Napaliwanag ko na pala sa kanila na hindi ka muna makakapagtrabaho. Except for the fact that you are sick, you need to rest. Miss H told me that maybe you're too stressed." Nilingon ko lang siya saglit at nahuli ko na naman siyang tinititigan ako ng malalim. Hindi ko na lang iyon pinansin. "And I agree, dito muna tayo."
BINABASA MO ANG
Now Serving: My Hot Boss (On Hold)
General Fiction"I am a slave for his love..." [Caroline Marson and Marshall Vergara's Story] © MissHandsomeGray