NS:MHB 7

326 6 0
                                    

(Continuation)

Kapag nagdala ka nang babae sa bahay, pwede bang siguraduhin mong siya na? Yung alam mong hindi ka niya iiwan dahil mahal ka niya. Siya na yung talagang talaga... yung babaeng mamahalin mo at mamahalin habang buhay...

Napailing ako. It's been years since Ate Mishima said that. Ilang taon ko na rin pinag-iisipang mabuti na ngayon ay basta basta na lang mababalewala. Sa isang iglap, isang brat lang pala ang dadalin ko. Napailing na naman ako. Tss. I hate myself for believing.

It may sound weird pero oo, pinaniniwalan ko ang sinabi ni Ate Mishima at talagang may balak akong sundin yun. Pero... napalingon ako kay Caroline na ngayon ay naka-idlip na. Siya rin pala talaga ang dadalin ko sa bahay para ipakilala sa pamilya ko.

"C-Chocolates... C-Cho-co-lates..."

Napangiti ako. Sino ba namang brat na chocolate lang pala ang iniisip sa pagtulog niya? Hindi na siya nagbago.

Katulad nga noong sinabi ko sa inyo dati, nagkilala na kami nitong si Brat noong five pa lang siya. I was seven that time. Dad used to visit Tito Carl for business stuff that minsan nga ay isinama niya ako. Dahil wala namang anak na lalaki si tito, napilitan akong kilalanin siya. Naaalala ko pa noon ang mala-anghel niyang itsura habang nilalaro ang manika niya. I thought she's the quite-type of girl but I was wrong. Lalong lalo na noong pinutol niya ang leeg nang manika niya. She was smiling, and hell! First time in my life na natakot ako sa babae.

Kaya naman kung iniisip niyong masyado naman yatang mapagkatiwala si Tito Carl para matirahin ang kanyang Brat Princess sa bahay ng isang lalaking hindi naman niya close o kilala man lang, nagkakamali kayo. Tito Carl knows me since I was just a baby. Sila ni Dad ang close na close. And I'm not sure if Caroline remembers a thing about that scene.

"M-Marshall..."

Doon na ulit ako napatingin. She said my name.

Ibinalik ko din kaagad ang atensyon ko sa pagmamaneho. This brat is bugging me. Even in her dreams she can see me. Tsk. Ano na naman ang iniisip nito?

What should I feel when somebody calls me out in their dream? 

Napatingin na naman ako sa kanya, kanina lang chocolates ang bukang bibig niya tapos ngayon ako naman. Tss. What am I doing in her dreams? Napailing-iling na lang ako at ibinalik na naman ang tingin sa daan.

This brat is something more than a normal brat.

-----------

“Caroline…”

Dahil sa tawag ng dakila kong boss, sabi ko nga e, gigising na ako. I slowly opened my eyes… Gosh. Agad akong napaiwas ng tingin ng sumalubong sa’kin ang mukha niya. He wasn’t smiling but hell! It was hotter even if he was.

“Sorry,” umayos na lang ako. “Kanina pa ba ako tulog? Sorry ah, napagod yata ako sa mga tanong ng baklang-- este nung host kanina.” Totoo naman kasi, nakakapagod yung baklang yung sa mga paulit-ulit niyang tanong.

He smiled, looking amused. Ano na naman ba ang nasabi ko? “It’s okay. Let’s go?”

Pagkasabi niya noon ay lumabas na siya. I was about to go out to when I saw their house, I mean, mansion. Wow. Naitayo na pala ang possible dream house ko. Just wow, from the beautiful front garden to the mansion itself. That’s all I can say wow.

Bumalik ako sa earth ng buksan na ni Marshall ang pinto ng kotse niya. “Mom like the idea of having a mansion for the family,” he smiled again. “Come on, my family is excited to meet you,” kinuha niya pa yung kamay ko at inalalayang bumaba.

Now Serving: My Hot Boss (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon