NS:MHB 9

263 6 2
                                    

(Continuation)

"Caroline," gising ni Marshall kay Caroline pero hindi talaga ito magising. "Caroline, wake up or you'll be staying here."

Hindi pa rin nagising ang dalaga, gigisingin na naman niya ito nang hindi niya sinasadyang mapatitig dito. Ilang beses na ba niyang sinabing maganda ito? Kahit na ayaw man niyang aminin nang harapan, maganda para sa kanya ang dalaga. Kahit na nga ba kung ano ano nang tingin ng mga tao sa kanya dahil sa mga pinaggagawa niya, parang may parte pa rin sa kanya na nagsasabing wala naman iyong mga katotohanan. Lalo na kapag pangalan na niya ang binabanggit nito.

"Hmmm..." sa wakas ay nagising din si Caroline. Bago pa man din niyang mahuling nakatitig sa kanya ang binata ay nakaiwas na ito ng tingin. "S-Sorry ah, kanina pa ba tayo nandito?" Pati ang boses ng dalaga ay napakahinhin kaoag kagigising.

"H-Hindi naman. Tara na," sinadya na niyang unahan si Caroline dahil hindi matanggap ng pride niya na tinititigan na naman niya ang dalaga. Wala siyang ibang ginawa kundi umiling at tila naiinis na naman siya sa buong mundo.

Si Caroline naman ay agad na ring sumunod. "Ano na naman bang problema ng lalaking yun?" Tanong niya sa sarili.

Nang pareho na silang makarating sa unit nila ay nakahanda na nga talaga ang mga dadalin nila kaya naman mga sariki na lang nila ang aayusin nila.

Agad nang kumilos si Caroline. Problema na naman niya yata kung anong isusuot niya. Pero surprisingly, nandoon na rin at nakahanda na ang outfit niya. It's a summer dress with flats. Nandoon na rin ang sunglasses na gagamitin niya. Si Miss H na talaga!

Dahil wala na talaga siyang po-problemahin, ligo nalang talaga ang kailangan niya. Nag-ayos na rin siyang mabuti matapos niyang maligo. Hindi naman niya kailangang magmake-up dahil simple lang naman at maganda na siya. Hindi na kailangan ng masyadong effort.

Si Marshall din ay ganon na lang din ang ginawa dahil pati rin siya ay ayos na ayos na ang mga gamit. Sa tala ng buhay niya, ngayon lang naman siya nagkaroon ng kasama sa unit niya kaya naman nag-iingat na siya. Kung dati pwede siyang maglakad sa loob ng unit niya kahit nakatapis lang siya, syempre ngayon kailangan niyang magbigay respeto sa babae.

"... opo, aalis nga kami. Hindi naman kami magtatagal doon, mga isang linggo lang yata then pwede uuwi na kami." May kausap si Caroline sa phone nito nang lumabas siya. Ni hindi pa nga ito nakakapagsuot ng sapatos.

Napailing na naman siya, kapag si Miss H talaga ang nagplano, wala na. Katulad ngayon na couple attire ang suot nila. Pero kung sa bagay ay wala namang masama dahil magkasintahan naman sila.

"Ahem," nakuha naman niya agad ang atensyon ng dalaga. "Tara na?"

Caroline nodded then she gestured her shoes. "Teka lang."

Hindi alam ng binata kung bakit niya nilapitan si Carrie at kinuha ang flats nito. He kneeled infront of her then looked at her like he's asking for permission, agad namang tumango ang dalaga.

Isuot ni Marshall ang sapatos sa mga paa ni Caroline ng hindi man lang nagrereklamo o ano pa man. Ito rin ang unang beses niya itong gawin sa isang babae. Kung naguguluhan kayo sa mga ginagawa niya, mas naguguluhan naman siya ngayon.

"Lets go?" Tanong niya ng maayos na niya ang sapatos nito.

Nakangiti naman na (hindi na rin maitagong namumula) si Caroline. "Thank you," bulong niya at sumama na sa binata.

----------

Ano kayang nakain ng boss kong 'to at ang sweet sweet niya? I must admit ba para akong teenager dito na kinikilig pero ano pa nga ba? Wala naman masama kung kikiligin ka nga sa mga pinapakita niya ngayon.

Now Serving: My Hot Boss (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon