NS:MHB 5

419 10 0
                                    

January 13

Okay. Heto na talaga.

I'm now wearing this very ellegant dress designed personally by Miss H. Kanina lang ito naibigay sa'kin and surprisingly, it fits perfectly.  May pinadala rin sila na nag-ayos ng make-up ko kahit na okay lang naman sa'kin kung ako na mismo ang mag-aayos sa sarili ko.

"Carie?" tawag na nga sa'kin ni Miss H. She walked inside my room. "Wow! You look stunning!"

Hindi ko naman mapigilang mapangiti at ramdam ko ang init ng pisngi ko. "Miss H naman! Lagi niyo na lang ako pinapakilig!"

Natawa naman siya sa'kin. Naalala ko tuloy noong binibiro niya ako na baka daw ma-inlove ako sa kanya kaysa sa alaga niya. Hindi pa naman ako nakakalipat noon dito pero dinalaw kasi ako ni Miss H at nagkwentuhan kami.

She pinched my shoulders. "You should smile and show the bitches out there that Marshall in now taken. He's yours! Yung selfie mo ang patunay!"

Ang lakas ng tawa ko sa sinabi niya! Yung selfie na naman na yun!

Ngayon nga rin pala ay lumalabas na ang mga kung ano anong selfies na kagaya ng selfie na naipost ko na. Nakakatawa na nga sila dahil lahat ng iyon ay may hashtags na secretaffair. Sabi tuloy ng mga nagrerequests para sa susunod kong column, tungkol na lang daw kay Marshall. Natututwa na lang ako pero pinag-iisipan ko pa naman.

Aside from managing my restaurants and it's mini branches, pinagko-clomn na rin kasi ako ni Papa para sa magazine ng company namin. Monthly naman iyon kaya ayos lang. Ganun din naman ang mga articles ko sa mga blogs ko.

And speaking of Marshall na nga, ngayon na nga ang unang presscon tungkol sa aming dalawa. Ito ang idea and solution ni Miss H para naman matapos na ang lahat lahat ng pambabatikos ng mga ibang artista. Matagal na rin daw si Miss H na naghahanap nga ng girlfriend ng alaga niya pero lahat daw hindi pumapasa sa kanila. Ang hinahanap nga daw kasi ni Miss H ay ang babaeng hindi papa-under gaano man nakakamatay si Marshall. At dahil na nga dyan, I'm so proud to announce that I'm a spoiled brat rebel that will never be under. Sinong mag-aakalang may nangangailang pala sa katulad ko?

"So, tara na!" excited akong hinila ni Miss H palabas. Super energetic! Walang kupas!

Paglabas namin ng kwarto ko, sumalubong sa amin ang nag-iisang Marshall Vergara with his gray suit, his tie is not completely done, and his hair is a little messy adding a major factor to his hotness.

He smiled at me and I smiled back. Deep inside me hangang-hanga pa rin ako sa kanya pero pinigilan ko namang ipahalata iyon. As much I want to drool, I still have my pride to keep.

"Hey, baby," I greeted him. I walk towards him and gave him a quick peck on the cheeks. "Thank you for yesterday," I whispered to him and slowly fix his tie. Rinig ko pa ang pinipigilang tili ni Miss H.

He smirked. "You're welcome," he whispered too.

Kahapon kasi matapos naming bumili ng mga chocolates ko at makita ko agad agad ang napakabilis na article sa tungkol sa amin, dumiretso na kami sa first appointment niya. Tinapos lang nila ang modeling session niya kasama ang pinsan niya yata yun at si JL Grey. In fairness, I enjoyed watching them work.

May mga guestings din siya which as his PA, kailangan kong sumama. Ayos nga e, kung hindi pala ako sumama, hindi ko makikita ang pinadala ni Papa para i-monitor ako. Siya yung driver ni Papa at kanang kamay niya na yata. I saw him plenty of times in the set where Marshall and I went. And as an advantage to me na kilala ko na siya, I did my very best to impress my Papa.

Noong hapon namam na, he was supposed to attend a party pero hindi na siya tumuloy dahil hindi ako makakasama. Going back to his unit to prepare himself for the party, dinalaw na naman ako ng clumsiness ko. Nadulas ako sa sarili kong bathroom and unfortunately, nauna ang balakang ko. Hindi ko na rin sana siya aabalahin dahil kakayanin ko naman at para hindi na naman mapirwisyo si Miss H. But he insisted that he will take care of me since we can't let any other visitors here in his unit before this presscon.

Now Serving: My Hot Boss (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon