NS:MHB 12

251 8 2
                                    

(Continuation)

You know what I hate the most? Is that when you make landi landi to my boyfriend! Ano ba naman, di ba? Taken na nga yung tao, lalandiin mo pa. Tsk. Cheap.

Naupo na lang ako dito sa mini sofa at kinulit si mahal. He keeps bugging me on his messages kaya naman kukulitin ko na lang din siya. I've changed my mind.Tutal at ayoko rin namang harapin ang hipon na kasama ng boyfriend ko. Bahala sila sa mga buhay nila.

"Hey." Tawag ni Marshall, mukhang nakaalis na yung kasama niya.

Nilingon ko naman siya at nginitian. "Hey."

Naglakad siya papunta sa'kin at naupo sa tabi ko. Alam niyo yung feeling na gusto niyong manuntok? I was planning my way to punch when I noticed something was off. Okay? Ano na naman ang nangyari?

"What happened?" Tanong ko.

Napabuntong hininga lang siya at sumandal sa balikat ko. "I was right. Kukunin ka nga nilang model," walang kaabog-abog na sabi niya.

Wait... Ako?

"Oh? Bakit parang namatayan ka?" Wala namang masama kung magmomodel ako. As if naman na bago pa yan. Kung siguro papa mo ang papa ko, baka magsawa ka pa sa mga photoshoot. "There's nothing wrong with modeling naman ah."

Buti na lang at sa Marie lang na yun ako highblood. Kung hindi siguro, baka nga sinuntok ko na talaga 'tong si Marshall. Pero syempre, hindi niya naman kasalanan kung lapitin siya ng mga hipon.

"Yeah, wala naman masama doon," he took another deep breath. "Kaya lang..."

"Kaya lang?" Pabitin naman 'to!

Umayos muna siya ng upo at hinarap ako. Then he flashed his ever famous smirk. "Kaya lang hindi naman ako ang partner mo."

"What?" Hindi siya ang partner... Natawa na lang ako ng malakas. Kaya naman pala ! Nakita kong napangiti siya kaya naman mas lalo akong natawa. Ibig sabihin yun lang ang dahilan ng pagmumukmok niya?

Tumango tango siya. "Hindi nga ako ang partner mo. Wasn't it enough reason to make face?" Natatawa na rin niyang tanong pero parang seryoso siya.

Kita mo 'tong taong 'to! Napaka-bipolar talaga! Parang kanina lang bago siya umalis ang sungit niya pa tapos ngayon nagme-make face siya dahil hindi ako ang partner niya? "Sino ba? Sino bang magiging partner ko?"

He looked at me with his You-Really-Want-To-Talk-About-This look niya. I nodded. Wala naman siyang magagawa kaya mukhang sasabihin na niya sa'kin. "He is Shawn Kinichi."

"Shawn Kinichi?!"

I can't help but to grin devilishly. Shawn Kinichi, ang pumapangalawa kay Marshall sa modeling industry. So far, halos silang dalawa talaga ang pinagkakamatayan ng mga modeling companies at fans nila. Kailangan ko pa ba siyang i-describe? I think di na kailangan, you get the thought of being the second hottest.

Inilingan naman niya ako na para bang ayaw niya ang pagiging masaya ko ng marinig ang pangalan ni Shawn. Anong magagawa ko? Isa siya sa mga gusto kong maging boyfriend.

Sinimangutan niya na lang ako at naging suplado na naman. Haay, may bago pa ba? "Anyways, we have a party to attend to. Casual." Pagkasabi niya noon ay iniwan na niya ako. Ugh! Talking 'bout grumpiness!

Hinabol ko naman siya. "Saan ka na naman pupunta? Mamaya pa naman ang shoot ah?" Don't get me wrong, wala lang talaga akong gagawin kaya hinahabol ko siya.

Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya naman nauntog ako sa likod niya. "Aray," reklamo ko at napahawak sa noo ko. Bago pa ulit ako makapagreklamo, he turned to me then hold both of my shoulders. Nakakunot na ang noo niya at seryoso pa ang mga mata ng makipag-eye to eye siya.

Now Serving: My Hot Boss (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon