January 11
Nakahanda na lahat ng gamit ko at namimiss ko talaga 'tong unit ko. I look around once more then call Miss H. Naayos na rin ni Miss H at ni Papa ang lahat ng arrangements namin. Mula sa pagtuloy ko na sa unit ng bago kong boss, hanggang sa mga presscon na dapat naming puntahang dalawa.
Dumating na ang mga sundo ko at kinuha na nila ang mga gamit at maleta ko. Naghihintay na rin sila sa parking lot.
I know this is happening too fast but I'm trying to repay and prove something. Kahit naman gaano pa ako ka-spoiled, alam ko namang marami na akong naidagdag na problema kay Miss H. Sobrang bait pa naman niya kaya nahihiya na talaga ako ngayong ako pa naman ang inaasahan niya.
Paglabas ko ay nakita ko na lang ang isang note sa pinto ng unit ni Jennie bebs.
"Good luck, bebs! I'm on our trip and I'm sorry I didn't make it today. Love you! :*"
Napangiti na lang ako at tinago yung note ng bff ko. Mamimiss ko rin yung bruhang yun! At isa pa, hindi ko na siya masasamahan sa mga gimik niya lalo na at involve na sa buhay ko ang nag-iisang Marshall Vergara. Sabi kasi ni Miss H, mas maganda daw kung iiwasan ko muna ang paglabas lalo na ngayon at nakamata sa amin ang mga media at paparazzi.
"Miss Marson, pinabibigay din po pala ni Miss Pascual," sabi ng receptionist ng makarating kami dito sa ground floor. Ibinigay niya sa'kin ang isang box.
Napangiti naman ako, kahit kailan talaga si bebs! I signed the papers then pumunta na ako sa parking lot. Agad naman naming nakita ang kotse nila Miss H kaya hindi na kami masyado pang nahirapan. Inilagay na nila ang mga gamit ko at tumabi naman ako kay Miss H na excited na excited akong makita. Nakakatuwa si Miss H at lagi siyang ganyan. Ang sweet!
Niyakap ako saglit ni Miss H. "Thank you for doing this, Carie. Sa wakas at matatahimik na ang alaga ko sa mga sinasabi nila."
"Miss H, ako nga 'tong nakadagdag na naman sa problema mo kaya naman tutulungan po kita hangga't maayos na ang lahat," sabi ko naman, ayoko man pero kapag si Miss H na talaga ang kaharap ko, nagi-guilty na lang ako.
Pinisil naman ni Miss H ang kamay ko. "Pero seryoso nga, Carie, bagay na bagay kayo ng alaga ko. Kung kakayanin mo sana, kilalanin mo at kailangan na rin nun ng totoong love life. Kaysa naman sa kung sino sinong artista lang diyan, mabuti ng ikaw na lang na alam kong babagay sa kanya."
Hindi ko napigilan matawa. Kasi naman, akala mo naman ang tagal tagal na namin magkakilala ni Marshall kaya naman pwedeng pwede maging kami.
Sabihin na nga nating nakilala ko na in person noon si Marshall with his father, Mr. Joe Vergara, pero minsan lang iyon. At ni hindi nga kami close. Hindi kami nag-uusap. Hindi kami vibes. Strangers kami sa isa't isa but look at the happenings now, it's like a click of a camera then Click! Here we are. Playing roles in each other's life.
I know Papa agreed to this without any hesitations, alam naman niya na dito ako makukulong sa mga reponsibilidad ng ginawa ko kaya naman pati financial accounts ko na kay Marshall na.
"Miss H, hindi naman yata posibleng magiging totoo 'tong relasyon namin," sabi ko na totoo naman talaga, magiging imposible ang bagay na 'to.
Umiling siya. "Hindi ko namang sinasabing ngayon na agad agad karakaraka, malay lang naman natin. We can't really tell, besides you'll stay with him in a quite period of time. Love can still bloom."
"We'll see, Miss H." I want to laugh but I guess I really can't gamble, kung ako rin naman hindi ko alam ang mga mangyayari sa mga susunod pang araw.
Ipinaliwanag na sa'kin ni Miss H habang nasa biyahe kami ang mga gagawin ko o kaya naman ang mga required kong gawin. Madali lang naman, mainly pagluluto at paglilinis lang naman na normal na sa'kin. More on heavy meals pala yung boss ko at strict din pagdating sa mga gamit niya. May mga necessary events, shootings, guestings, shows at kung ano ano pa daw na kailangan daw kasama ako. Napangiti na lang ako, kung inaakala talaga ni Papa na tatanggihan ko 'tong gusto niya, well masusubukan niya ang anak niyang si Caroline.
BINABASA MO ANG
Now Serving: My Hot Boss (On Hold)
Genel Kurgu"I am a slave for his love..." [Caroline Marson and Marshall Vergara's Story] © MissHandsomeGray