January 18
I held Kate's waist and pulled her closer to me. Siya ngayon ang partner ko at masasabi kong naiinip na ako. Tsk. Ano na naman ba kasing ginawa sa'kin ng brat na iyon para siya ang gustuhin kong ka-partner ngayon? And what the heck! Why am I even thinking about this?!
Sabi nila Ate Megumi at Ate Mishima, kung may babae rin daw na makakatapat sa akin ay walang iba daw iyon kundi siya lang. Tinatawanan nila ako lalo na noong huli naming bisita sa kanila at hindi pa nga ako nakakamiss ng tawag mula sa kanila kaya naman updated sila sa'kin. Especially to the things about her. Mukhang gustong gusto talaga siya ng mga ate.
To be honest, siya pa lang. Siya pa lang ang nagustuhan ng mga ate ko.
I find this funny especially that Caroline is the first girl that I brought in the house. Doesn't it make a little default? Siya lang ang dinala, siya lang din ang makikilala ng personal.
After a few more shots, nauna na kaming natapos.
I got back to our cottage after that. Wala talaga akong balak panoorin si brat na nagtatrabaho kaya naman nandito na ako ngayon. Watching her in Shawn's arm is something I can't watch for long. Kahit na si brat pa iyon, ayoko pa ring iba ang kasama niya lalo na at girlfriend ko siya. At bakit ba kailangan i-partner siya sa iba? Tss. This is getting way far.
Before I could drink up again, my phone rang. Tumatawag si Ate Mishima. As expected.
"Hey, beautiful."
"Hey." Bati rin ni ate na mukhang nasa public na lugar, maingay kasi ang background na naririnig ko. "Busy or free?"
"Free. Anything?"
Kumuha muna ako ng bagong baso at sinalinan iyon ng tubig lang. Hindi na yata ako makakainom kung walang tubig. Kumagat na rin ako sa kabibili ko lang na pastry sa labas kanina.
"Well... I was wondering. How is Caroline?"
"She's fine. She's doing great actually. Kasali na rin siya sa photoshoot at kinuha siya ni Mr. Cheng." I took another small bite. "Do you want to call us later for you to talk?"
"No, brother. Di naman na kailangan. Wait... 'Hon! Isa ba o dalawa?' Okay! Sorry about that, nagsha-shopping kasi kami nitong si Kuya Rui mo." I could hear that she was again talking to kuya. "W-Where were we? Ah yes... wag na kayong tumawag. Ikaw naman talaga ang kakausapin ko."
Naupo muna ako sa counter. "About what?"
"It's about her, actually."
"Okay."
"Well, kukunin ko siyang abay."
Napangiti ako. Nagpaplano na nga pala sila para sa nalalapit na kasal. Si Kuya Rui Minamoto at si ate ay malapit na nga yatang ikasal. I don't know the complete details pero sabi naman nila nasa pagpaplano na sila for a church wedding. Knowing Ate Mishima, hindi siya magpapahuli.
Nagsimula sila ate sa pagkukwento ng ilan pang balak nilang gawin. Isa na nga doon ang pagkuha kay brat bilang abay.
"And before I forgot, nandyan kami sa runway show niyo. That's all. Caiò!" Then she ended thay call.
I let out a sigh. Hindi ko alam kung paano ko maitatagong... Tss. I'm going possessive over her.
Ugh. I'll need a cold shower.
_____________________
Katatapos lang maligo ng binata ng makatanggap ulit siya ng tawag mula kay Miss H. Darating na pala ito bukas para sa mga shoot nila. Buti na lang din para naman malinawan na siya sa mga bagay bagay sa pagitan nila ni Brat.
BINABASA MO ANG
Now Serving: My Hot Boss (On Hold)
قصص عامة"I am a slave for his love..." [Caroline Marson and Marshall Vergara's Story] © MissHandsomeGray