January 18
"This is Shawn Kinichi," pagpapakilala ng isang staff. Agad namang tinanggap ni Caroline ang kamay ni Shawn at nagpakilala na din. "Iiwan ko na po kayo. Nandito na po lahat then kung may kailangan na lang po kayo, nandoon lang po ako," paalam na rin ito.
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ng dalaga. Halata na hindi siya mababagot sa kanyang gagawin. "Nice to meet you too." Binawi na niya ang kanyang kamay. "Thank you for choosing me as your partner. Sabi ni Mr. Cheng, you chose me personally."
"Yeah," medyo nahihiyang sagot naman ng binata. "I knew it would be fun. Being with Marshall Vergara's girl."
Kung siya ang tatanungin, kapansin-pansin na sa binata ang binabalak nito. But she knows better. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng dalaga, malamang nga ay baka hindi na bago sayo ang mga binabalak ng binata.
Agad na rin namang inayusan si Caroline. Light make-up lang inilagay sa kanya and unlike her usual hair style, big curls ngayon ang ginawa sa buhok niya. Hindi naman maitanggi ng mga nag-aayos sa kanya na hindi na niya kailangan pang lagyan ng kung ano ano, maganda na siya. Effortlessly beautiful.
"Miss, blue shorts then white sando po," sabi ng isa sa mga assistants nila at ibinigay sa kanya ang unang outfit.
"Okay." Pumasok na rin siya tent para makapagbihis.
Naalala na namam niya ang mga nangyari kagabi...
"You're beautiful, Caroline."
Tila huminto ang lahat. OA na ngang matatawag pero bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. Bakit nga ba sa lahat ng bagay na gagawin o sasabihin ng binata ay naninibago siya? Bakit ba naiinosente siya? Hindi naman kaya...
Tinitigan niya din ang binata. Napakalalim ng titig nito na para bang siya lang ang babaeng nakikita nito ngayon. "You. Are. Beautiful."
Hindi niya inaasahang mapapahagikgik siya kaya naman pareho pa silang napatawa ng binata. "Marshall!" She punched his chest. "Ang gulo gulo mo! Sumasayaw tayo..."
"I like it when you giggle like that," bulong ni Marshall at pinagdikit ang noo nila ng dalaga. "Very sweet."
Caroline rolled her eyes. "Sweet? Ako, sweet?" She snaked her way to Marshall's nape. "Have you been drinking, babe?" Biro pa ni Caroline at ginantihan na naman ang nakakatunaw na titig ng binata.
"Nope," maikling sagot nito at mas niyakap ang beywang niya. Parang hindi na nila pinakikinggan ang tutog kundi sila na mismo ang sumasabay sa galaw ng bawat isa. "Bakit ba kapag sinabihan kita ng maganda o kaya naman sweet, kailangang lasing pa ako?"
"Hindi kasi ako sweet. Maganda pero hindi sweet."
Kumunot ang noo ng binata. "You are."
Umiling na lang siya at ihiniga na ang ulo sa dibdib nito. Kahit na bago pa sa kanya ang mga nararamdaman, hindi rin naman niya maitatanggi gusto niya ito...
"A little more," utos ng photographer sa kanila. "Shawn, lean a little more to her."
Sinunod naman iyon ni Shawn at mas kumapit naman sa kanya si Caroline. Kanina pa nagsimula ang shoot nila at so far so good. Nasa pangatlong outfit na rin sila kung saan topless at summer shorts ang suot ni Shawn; simpleng fitted shirt naman ang kay Caroline at shorts na kagaya rin ng sa unang outfit niya. Talking about sexy models!
BINABASA MO ANG
Now Serving: My Hot Boss (On Hold)
General Fiction"I am a slave for his love..." [Caroline Marson and Marshall Vergara's Story] © MissHandsomeGray