“Kung ano ang pangalan ng kasalukuyang bagyo, ‘yun ang magiging pangalan ko.”
Posible bang mahulog ka sa isang taong walang pangalan? Yes, she’s complete, she’s alive, she has past experiences, she has emotions, she’s very colorful at sobrang ganda rin niya pero wala lang talaga siyang pangalan. I mean, sobrang imposible nu’n ‘di ba? ‘Yung tipong alam mo na ang lahat sa kanya pero pangalan niya lang ang hindi? Tipong alam mo na ‘yung strengths and weaknesses niya, tipong alam mo na kung ano ang makakapagpasaya at ano ‘yung makakapagpapaiyak sa kanya, tipong alam mo na ‘yung mga nangyari sa kanya before dahil kinuwento niya sa’yo at kung ano ang mga pangarap niya sa future niya, tipong alam mo na kung kalian siya unang ni-regla pero ‘yung putchang pangalan niya lang talaga niya ang hindi mo alam.And then here’s you. Hindi mo naman sinadya pero it’s just that nahulog ka sa kanya. Sobrang naging invested ka sa kanya to the point na handa ka ng magbago para sa kanya pero isang araw, na-realize mo na oo, mahal mo na siya pero sobrang weird lang kasi hindi mo alam kung ano ang pangalan niya.
You want to love her fully and to take good care of her for the rest of your life, but you are just hesistant because you are f*ckingly clueless on what her real name is.
Well, gaano ba kasi ka-importante ang pangalan? Mahalaga ba ‘to?
Sabagay, eto lang naman ang palatandaan na may pagkakakilanlan ka sa mundong ito. That you truly exist. Na may identity ka. Kahit saan ka magpunta, ayos lang basta may pangalan ka. It makes you very real na kapag mayroon ka nu’n ay hindi ka na magiging shapeless. That when you have it, youh are concrete at hindi ka lang basta-bastang isang abstract being. Na isa kang buong libro at hindi basta-bastang isang chapter lang. Na isa kang kompletong mundo at hindi basta-bastang asteroid lang.
What if someone wants to call you pero magiging hesitant siya kasi wala kang pangalan?
What if someone will tell you that he loves you pero hindi niya ma-kompleto ang buong pangungusap dahil hindi niya alam ang pangalan mo?
What if someone will propose to you pero hindi niya magawang buksan ang box na may lamang ring dahil hindi niya kilalang buo kung sino ang pagaalayan niya nito?
Napaka-importante ng pangalan pero iyun pa mismo ang hindi ko alam patungkol sa kanya.
Pangalan. P-A-N-G-A-L-A-N. PA-NGA-LAN.
Hindi lang ito basta-bastang pang-label sa’yo, kailangan lang naman ito para makakuha ka ng ID’s, para makapag-enroll ka sa school, para makapag-trabaho, para maging kompleto ang existence mo. Kaya hindi ko lang talaga siya maintindihan e. Hinayupak na hindi ko maintindihan na wala siyang pangalan.
“Imagine if walang pangalan ang bawat tao sa mundo,” you said that time. Nakangiti ka lang. Tila gustong-gusto mo ‘yung idea na walang pangalan ang mga tao sa mundo. Tinawanan lang kita. I just can’t belive you. Sinabi mo na sa akin ang lahat ng baho mo pero ‘yung pangalan mo lang talaga ang katangi-tanging ipinagkait mo.
We did it, ginawa nating ang bagay na ginagawa lang ng mga taong nagmamahalan. Oo, sobrang saya ko sa oras na iyun but I felt that something is just missing that time dahil noong pareho nating narasanan ang pinakatuktok at pinakamasayang bahagi ng ginagawa natin ay tanging pag-awang lang ng bibig ang nagawa ko sapagkat hindi magawang bigkasin ng bibig ko ang pangalan mo dahil hindi ko ito alam. Hindi ko ito alam.
At sobrang nasaktan lang ako dahil alam mo naman ‘yun ‘di ba? Sobrang malalim akong tao. Lahat-lahat ng mga nararanasanan ko ay may vina-value kong lubos pero ‘yun, ‘yung nangyari sa atin ay tila ba naging superficial lang. Walang meaning.
Pakiramdam ko, para bang naging parausan lang ako ng libog mo.
Na ginamit mo lang ako para mawala ang kati riyan sa gitna ng mga hita mo.
Pero hindi rin naman ako nagsisi na ginawa natin ‘yun. The whole moment na nangyayari iyun, nakakatitig lang ako sa’yo. You were like an angel that time. You’re so calm and you’re so at peace. And I even fall harder on you because when we both reach it, you call me by my name.
It was so holy that I even cried when you did it. At sana nga lang, nabigkas ko rin ang pangalan mo. Sana.
Ang pagmamahal ay parang pag-i-istrip dancing, kailangan mong ilahad ang buong sarili mo kahit pa gaano ka itim ang singit mo.
Teka, bakit ko ba in-insert ‘yun?
Hmm. Balik na tayo. Idi-delete ko na lang ‘yan mamaya. Hmm. Pa’no ba mag-delete? Aish! Hayaan na nga lang ‘yan.So ayun nga. Ayos na sana e. Sobrang ayos na. Maayos na sana kaming nagkakilala, maayos na sana ‘yung naging takbo ng journey namin, nag-holding hands na kami, nag-kiss na, nagkakitaan na rin kami ng singit pero ‘yung pangalan niya lang talaga! ‘Yung pangalan niya lang talaga ang hindi ko alam tungkol sa kanya. She told me na kung ano raw ang pangalan ng kasalukuyang bagyo ay ‘yun na raw ang magiging pangalan niya. Pero puwede ba ‘yun? Paano kung Lando ‘yung pangalan ng bagyo o hindi kaya Jose? E babae siya e. At pa’no naman kung walang bagyo? So ano ‘yun, wala siyang pangalan?
Hoy! Ikaw na nakasama ko sa roundtrip natin mula Davao City paikot sa buong Mindanao na nagsimula noong December 15 hanggang January 1, kung sakaling mabasa mo man ‘to, sana ipaalam mo sa akin na buhay ka pa…
Kahit hindi mo na ipaalam sa akin ang pangalan mo.
-Paul K.
BINABASA MO ANG
That Nameless Girl (That Girl Trilogy Book 3)
ParanormalGusto lang naman ni Paul Klein na umalis saglit para malimutan ang lahat ng sakit na pinaparamdam sa kanya ng buhay. Kaya ang ginawa niya, nag-book siya ng ticket para i-avail ang isang travel package na iikot sa buong Mindanao ng ilang araw. Iyun n...