C H A P T E R 6

309 16 0
                                    


Walk, Don’t Run

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bagot na bagot ako nang maiwan ako roon sa waiting shed. I have nowhere to go except na lang sa clinic ni Mat. Pero ngayon, ayaw ko munang pumunta roon. Masyado pang maaga para matulog. Sa palagay ko ay mag-a-alas otso pa lang ng gabi. Hindi rin naman ako puwedeng umuwi sa bahay. Ayaw kong makitang umiiyak ang foster mother ko. At higit sa lahat, hindi rin ako puwedeng bumalik sa rehabilitation center. I have gone this far at paninindigan ko ‘to. Fifteen days lang naman e. Fifteen days lang akong mawawala, o baka mas maikli pa nga roon.

Mahigit isang oras akong nanatili roon sa waiting shed. Iilang bus na rin ang dumating at umalis, iilang pasahero na rin ang bumaba at sumakay. Yet, that nameless girl didn’t come back. Pero bakit naman siya babalik ‘di ba? She already lost her job here because of me. She looked friendly pero paniguradong wala siyang kaibigan rito. Kung mayroon man ay sana hindi ko siya nakitang magisa sa park kanina. At kung nasibak talaga siya sa araw na ito ay paniguradong hindi siya magmamadaling umuwi. A friend of hers should have invited her na pumunta muna sa bahay nito at ipagpabukas na lang ang paguwi. Kaso wala.

Nagsimula na akong maglakd palayo sa waiting shed. Kabisadong-kabisado ko ang buong lugar na ito that’s why there’s no way na maligaw ako rito. This city is the same city where I grew up. Malaki man ito at nakakalito ang mga daan ay kabisado ko na ang mga pasikot-sikot dito.

Iyung mga highways, kahit ilang beses pa itong palawakan ng DPWH, iyung mga establishments sa paligid, kahit ilang beses pa iyung mapalitan ng pangalan, this place is still the place na nakagisnan ko habang lumalaki.

People living love this place love this very much at naiintindihan ko naman sila kung bakit dahil kahit ako ay napamahal din sa mismong lugar na ito. Most of the people here are always willing to make a one step forward leap to maintain the peace and order of this city kasi nga mahal na mahal nila ito, yet, me, hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ang mga ginagawa nila. Because right now, I am already starting to hate this place. Not because of the place itself pero dahil iyun sa mga alaalang naiimbak ko rito. Mga alaalang hindi ko puwedeng burahin sa isipan ko simply because, this place holds it at alam kong hindi nito bibitiwan ang mga alaalang iyun no matter what progress and changes it will experience. Sa puntong iiwan ko ang lugar na ito ay itatala nito ang mga detalye sa pagalis ko at sa mismong pagbalik ko ay iyun pa rin ang gagawin niya. Parang librarian na may hawak ng reference card ng visitors, reference cards na may lamang time and time out at ng mga librong hiniram. That’s why kampante ako na kahit maglakad ako ngayon, na kahit gabi na ay hindi pa rin nito ako ililigaw.

This city is very famous for its night life. Maraming tao ang nakatira rito ang ginagawang araw ang gabi. A lot people work here during the night at bukod pa roon ay bukas din magdamag ang ilang establishments dito. Pumasok ako sa isang night club and there, I met Paloma. For the past seven years, siya palagi ang pinupuntuhan ko rito. Isa siyang sex worker at mas matanda siya ng tatlong taon sa akin. She’s already 30 year’s old while I’m 27. She’s still single pero iyun nga lang, iba-iba ang lalaking kinakama niya bawat gabi. Not that she really like this one pero dahil ito na ang nakagisnan niyang trabaho ay pinagpatuloy niya na ito. Para sa kanya, walang masama ang trabahong ito as long as ay may napapasaya siyang tao.

She has no plans of building a family, ang gusto niya, tumandang dalaga. Kasi kagaya ko, Paloma also believes that broken people should not dare to build families. Because broken people only break things, they will break their partners, their children and their lives. Kaya nga raw maraming gagong tao sa mundo e. Kasi marami pa ring taong sumusubok umibig, nagasawa, nagka-anak, kahit alam nilang hindi nila kayang panindigan iyun. Pinapasa lang nila ‘yung ‘sugat’ na nasa kanila na simula pa noong umpisa. And it will never end. Parang sumpang hindi matapos-tapos.

“Kumusta?” Umupo siya sa tapat ko. Sa pagitan namin namin ay ang rounded table na may nakapatong na dalawang bote ng beer. Ang isa ay paubos na at ang isa naman ay hindi pa nabubuksan. Though, both of it are sweeting out of coldness. Tinitigan ko ang boteng paubos na ang laman at nginitian ito.

Nang binugahan niya ako ng usok mula sa sigaryong kasalukuyang hinithit niya, doon ko lang siya binalingan ng tingin. Agad kong napansin ang blonde niyang buhok, malapad na mukha niyang puno ng kolerete, balat niyang pinagaagawan ng dilim at iba’t-ibang lights ng bar, at suot niyang leather na damit na kaonting tabas na lang ay ibubulgar na ang buong kaluluwa niya.

Lumagok ako ng beer, ipinakita sa kanya ang naka-plaster kong braso tsaka nginitian.

“May bago pa ba?” reklamo niya. “Kung hindi ka nababalian ng buto, may pasa ka riyan sa mukha mo.” Bumusangot siya at muling humithit ng sigarilyo.

She already knows me very well. Seven years na akong tumatakbo-takbo sa kanya rito kapag may problema ako. Lahat ng detalye ng buhay ko ay alam na niya. Ganoon din naman ako sa kanya. Yet, kahit isang beses ay hindi pa namin naikama ang isa’t-isa. We already kissed and cuddled yet we never tasted each other’s flesh. Ewan! Siguro may mga tao lang talagang mas masarap kakuwentuhan kaysa kakantutan.

“Sa taas. Ang ingay dito!” Kinamot niya ang buhok niya at iratableng tumayo. Nang maglakad siya ay sinundan ko lang siya habang bitbit ang dalawang beer. Sa bawat lalaking dinadaanan niya ay hinahawakan lagi ng mga ito ang iba’t-ibang parte ng katawan niya. Hindi siya pumapalag, nakikitawa lang siya at paminsan-minsan ay nanghihingi ng pera kapalit ng panghihipo sa kanya.

“Bwesit ‘yung kalbong ‘yun. Makapisil sa suso ko, bente lang ang ibinigay,” pagrereklmo niya habang paakyat kami. Tatlong palapag ang nadaanan namin bago kami nakarating sa roof top. Sa bawat palapag, kita ng parehong mga mata ko ang mga bukas na kuwartong ukupado ng mga taong gumagawa ng milagro. Hindi ko na masyadong maalala ang mga itsura nila pero hanggang sa pinakaibabaw na bahagi ng building ay rinig pa rin ang mga maya’t-mayang ungol ng mga taong naroon.

“Gago ka talaga Paul Hydn Klaro-De Lumen,” ani Paloma matapos niya akong pangaralan ng halos kalahating oras tungkol sa pagka-rehab ko at pati na sa pagkabunggo ko sa babaeg ngayon ay nagaagaw buhay pa rin. Nakinig lang ako sa kanya. Masasakit ang mga salitang binitawan niya but I didn’t feel offended. I know that she means it. I know that she is just concern. At isa pa, kailangan kong makinig sa mga sinasabi niya dahil bukod sa kanya ay wala ng ibang taong magpapangaral sa akin ng ganito.
“Pa’no kung mamatay ‘yung babae? Pa’no kung mamatay ‘yung nasagasaan mo?” Sa tanong niyang iyun ay napatitig lang ako ng blangko sa malakawak na syudad na pinamumugaran ng iba’t-ibang ilaw. Mula rito ay nagmukha iyung utak ng tao. The scattered, blinking and moving lights represented the nerve impulses of the brain. Sa hindi kalayuan ay kita ko pa ang waiting shed na pinaggalingan ko. The same waiting shed where that nameless girl left me.

Huminga ako ng malalim at muling tumitig sa syudad. Akala ko hindi ako ililigaw nito pero nagmkamali ako. Putangina.

*  *  *

That Nameless Girl (That Girl Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon