C H A P T E R 1

1.1K 28 0
                                    

Coincidence

Naniniwala ako sa coincidence. Na ang lahat ng mga bagay na nagaganap sa buhay natin ay may dahilan kung bakit iyun nangyayari. Na may dahilan kung bakit pinagtagpo ang dalawang entity. Na para bang may kung anong force somewhere out there na binubuhol-buhol ‘yung mga dinadaanan natin. Na kung bakit nu’ng mismong araw pa ‘yung mismo kayo nagkakilala. Na kung bakit doon pa talaga sa mismong lugar na ‘yun ka dumaan, puwede namang sa iba. Na kung bakit ka na-late sa work mo tapos na-stuck ka sa traffic kasama siya. Kung bakit ikaw ‘yung mas naunang bumaba kaysa sa kanya. Kung bakit hindi niya tinanong ang pangalan mo pero nginitian ka niya at kung bakit noong pauwi ka na ay nakasama mo ulit siya sa pagtawid.

Naniniwala ako na ang lahat ng mga mangyayari pa lang ay naka-program na, na nakalista na kung sino ang mga taong makakasama mo pagdating ng araw, kung sino ‘yung mananatili at sino ‘yung hindi. Na may kung anong boses na bumubulong sa atin para tuluyang gawin ang isang bagay at nasa atin lang kung susundin ba natin ang boses na ‘yun.

“The train will arrive after five minutes.” May narinig akong boses somewhere in this place. First time kong makapasok sa lugar na ito kaya medyo nagulat pa ako noong narinig ko ang boses na ‘yun. Akala ko, iyun na ‘yung voice na hinihintay ko pero hindi pa pala. Voiceover lang pala ‘yun ng train station kung saan narito ako ngayon.

Ito ang pinaka-unang railway system sa Mindanao. Kaka-launch lang nito noong isang araw at pangatlong araw na ng operation nila ngayon. Dito sa Davao City ang starting point at paikot ito halos sa buong Mindanao. Third year college pa lang ako noong inumpisahan itong gawin three years ago at pagkatapos nga ng mahaba-mahabang proseso ay sa wakas, naka-kompleto na rin ito.

Hindi naman matao sa oras na ito. May iilang palakad-lakad lang sa loob at tila may hinahanap, may ibang naka-tambay lang at hinihintay ang pagdating ng bagon at may iilan ding may kau-kausap sa telepono.

Lahat sila busy sa kaniya-kaniyang buhay at sobrang gusto-gusto ko ‘yung ganito na tipong occupied lang sila sa sarili nilang mundo at hindi nila ako pinapakialaman. Ayaw na ayaw ko kasi talaga sa lahat e ‘yung inoobserbahan ako o kahit nilalaanan lang ng kaonting pansin. Ayaw na ayaw ko ring may tumitingin sa akin. Hindi naman sa may kung anong mali sa pagkatao ko pero alam mo ‘yun? Minsan, may mga pagkakataon lang talaga na gusto lang nating maging invisble.  Oo, sobrang mahalaga na makihalubilo ka sa kapwa mo tao pero may mga araw lang talagang badtrip na badtrip ka at ayaw na ayaw mong may kumausap sa’yo na kahit sino.

Tawagin mo na akong iritable pero… ganito talaga ako. At oo, may mga pagkakataon naman na ini-immerse ko ang sarili ko kung sino man ang mga nakakasama ko pero may mga pagkakataon lang talaga na, gaya ng araw na ‘to, na gusto ko munang lumayo at pumunta sa lugar kung saan magiging invisble ako.

“Sir, wala ba kayong cash?” ani ng babae roon sa loob booth. Mula sa pagliwaliw ko ng tingin sa buong train station ay muli akong napatingin sa kanya. May nakaharang na salamin sa harap niya kaya napatanong ulit ako sa kanya nang hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya.

“Ano ‘yun?” tanong ko habang ngumunguya ng bubblegum na sa tansya ko ay magkakalahating oras nang nginunguya ko.

Ramdam ko ‘yung inis ng babae sa akin dahil bukod sa coins lahat ang binigay kong bayad sa kanya para sa package tour na i-a-avail ko sana e medyo nabingi pa ako sa tanong niya sa akin.

“Iniirapan mo ba ako?” Niluwa ko ang bubblegum na nguya-nguya ko at idinikit ito sa salamin ng booth niya.

Gentleman talaga ako pagdating sa mga babae puwera na lang talaga sa mga babaeng pinapakulo ang dugo ko. Sobrang babait ko sa mga babaeng mababait sa akin pero hindi talaga ako sumasanto sa mga babaeng may hinayupak na ugali. Patas ang pagtingin ko sa bawat tao kaya kung mabuti ka sa akin, mabuti rin ako, pero kapag gago ka, aba! Sige, iintindihin kita pero kapag ginago mo pa ako ulit, ibang usapan na ‘yun.

That Nameless Girl (That Girl Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon