C H A P T E R 7

280 18 0
                                    

Posted On Dec. 17, 2018, 10:57 AM
Miss Philippines won as Miss Universe.

___
Ambulance

Pagsapit ng ala una ng madaling araw ay agad na akong umuwi sa clinic ni Mat. Nakadalawang bote ako ng beer pero nahirapan pa rin akong makatulog. Nakahiga lang ako sa sofa habang nakatitig sa kisame. It was so dark outside at panay din ang alingaw-ngaw ng mga ambulansya. I can't sleep. Gusto nang magpahinga ng katawan ko pero hindi ng isipan ko. It was wide awake.

Habang gising ako ay may mga pagkakataon ding bumibigat ang paghinga ko. Not that because I am in an enclosed space pero dahil siguro iyun sa nasu-suffocate ako sa sariling mga iniisip ko. I am too worried about that girl. Iyung babaeng nabangga ko. Paano nga kung mamatay nga siya? I don't care if makulong ako habangbuhay. My life is already a waste. Pero siya, paano na lang ang mga pangarap niya? Paano na lang ang pamilya? Is she even a bread winner? Damn!

Nang mas lumalim pa ang gabi ay mas lalo pang nagising ang diwa ko. In fact, mas naging sensitive pa ako sa ingay sa paligid ko. The siren of the random ambulances is now even louder. Pakiramdam ko rin ay mas dumilim pa ang paligid na tipong sa isang maling galaw ko lang ay hiihigupin na ako nito.

Nang hindi pa rin ako napanatag ay tumayo na ako para sana uminum ng tubig. Ngunit nang buksan ko ang fridge ni Mat ay nadismaya lang ako nang puro mga gamot lang ang nakita ko. Though, something inside the fridge really intrigues me. May sampung bags doon ng dugo ang tila hindi pa nagagalaw. Nang makita ko kung gaano ka-pula iyun ay napalunok ako ng laway at nakaramdam nang mas matinding pagkauhaw.

Paano kung susubukan kong inumin ang isa sa mga iyun? What will happen to me? Ofcourse, given na na magagalit si Mat sa akin at baka nga suntukin niya pa ako. Pero paano nga kung inumin ko nga ang isa sa mga iyun? What will happen to the blood the moment it'll go swiftly inside my throat? Magiging kaisa ba iyun ng katawan ko o kagaya ng tubig at pagkain ay ida-digest lang iyun ng tiyan ko?

I bite my lower lip habang nakatitig ako roon sa mga bags dugo. I can already smell it at napapapikit pa nga ako habang naamoy ko iyun. They smell fresh. Para silang mga bagong bukadkad na bulaklak sa isang luntiang hardin. Though, after some time, I already stop fetishing towards those bloods. Instead, lumabas na lang ako ng clinic at naghanap na lang ng bukas na tindahan na may mapapagbilhang ice tubig.

Iyun nga lang, wala akong nakita. Kaya ang nangyari, naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa may makita akong matandang babae na nagtitinda ng balut. Nginitian niya ako nang makita niya ako.

Nasa gilid ng kalsada ang tindahan niya. It was a removable store na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping yero at malaking payong. Nakaupo siya sa loob at nakalatag naman sa harapan niya ang kanyang mesa kung saan nakapatong ang kanyang mga paninda: balut, sigarilyo, candies, tubig, softdrinks at iba't-ibang klase ng chichirya. Samantala, may maliit namang upuan sa harap niyun kung saan puwedeng umupo ang mga costumer niya.

Nginitian ko siya pabalik at nang umupo nga ako roon ay nasagi ng ulo ko ang nakalambiting lighter na nakasabit sa payong. Hindi ko na iyun inalintana kahit paminsan-minsan ay tumatama iyun sa tainga ko.

"Anong sa'yo iho?" tanong niya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha niya. She looks not that old because of the firmness of her skin, pero dahil sa mga malalim na pagyuko ng kanyang likod ay mapapagkamalan mo siyang medyo may katandaan na not unless you'll look closer on her.

Tubig lang sana ang bibilhin ko pero dahil nagutom ako ay naisipan ko na ring bumili ng balut. Binigyan niya ako ng isang dosenang 19 days. Nang magsimula akong magbiyak ng niyun ay inabutan niya rin ako ng suka. As usual, ang sarap ng balut. Mainit pa iyun kaya napakalma niyun ang kumakalam na tiyan ko. Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa daan. Wala na masyadong pumapasada maliban na lang sa mga truck at iilang ambulansya. Sa mga sidelines ay wala na ring masyadong naglalakad. Sarado na rin halos ang mga establisyemento. May iilang bukas gaya ng isang fast food chain, isang coffee shop at drug store pero bukod roon ay sarado na halos ang iba. Karamihan ay may mga nakabantay na inaantok na guwardiya ngunit ang karamihan ay wala.

Nang makaubos ako ng limang balut ay kinausap ako ng ale. Itinapon ko muna sa basurahan ang shell bago ko siya napakinggan ng maayos.

"Ano ho 'yun?"

"Sabi ko, hindi ka ba makatulog?" nakangiti at pasensyoso niyang tanong.

"Ah," Gumuhit ang mapaklang ngiti sa labi ko at agad nang sinagot ang tanong niya, "Parang ganu'n na nga ho."

Tumango lang siya. Maya-maya pa, nagsalok siya ng tubig sa takore at inilagay iyun sa gilid niya kung saan naroon ang isang burner. Nang marinig ko ang pag-flicker niyun ay lumabas ng kaonti ang iilang gas na nagdulot ng tunog na tila galing ahas. Tumigil lang iyun nang mag-apoy na ang bunganga ng burner.

"Marami po bang bumibili rito sa tindahan niyo sa mga ganitong oras?" naitanong ko.

"Marami-rami rin naman. Madalas na bumibili sa akin rito e mga truck drivers na gustong mag-yosi o bumili ng kape. Minsan, mga adik na gustong kumain ng balut."

Kamuntikan kong nailuwa ang balut na kinakain ko, mabuti na lang at binawi agad ng ale ang sinabi niya. "Biro lang."

Tumango ako sa sinabi niya at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nakasampung balut na ako at paminsan-minsan ay dumidighay na rin ako.

"Hindi po ba kayo natatakot na magtinda sa mga ganitong oras? I mean, kayo na lang mag-isa rito e."

Umiling-iling siya sa sinabi ko. "Kung ayaw mong magutom, hindi ka dapat tinatablan ng takot."

Tumango ako bilang pag-sang-ayon sa sinabi niya. Maya-maya pa, ikinuwento sa akin ng ale ng buhay niya. Marami siyang sinabi pero ang tumatak lamang sa isipan ko ay ang mismong dahilan kung bakit siya nagtitinda tuwing gabi. Kaya raw gabi siya nagtitinda dahil ayaw niya raw siyang ikahiya ng mga anak niya. Kung sa umaga raw kasi siya magtitinda ay madadaanan ng mga kaklase ng mga anak niya ang tindahan niya. Madalas daw tuksuhin ang mga anak niya dahil dito. Dahil din doon ay tila lumayo na raw ang loob ng mga anak niya sa kanya. Palagi raw nitong tinatanong kung bakit ganoon ang trabaho niya. Sinabi niya rin sa akin na ang pinamakalaking pagkakamali niya sa tanang buhay niya ay ang pagkaroon niya ng pamilya nang hindi pa siya handa. She admitted to me that it was really a stupid decision that she married early. At pakiramdam niya ay pinaparusahan siya ng Diyos dahil sa desisyon niyang iyun.

Hindi ako sumang-ayon at hindi rin ako tumaliwas sa sinabi niya. Instead, bumili pa ako ng isang dosenang balut sa kanya at pagkatapos niyun ay umalis na. I also thanked her for having a conversation with me. Dahil kasi sa pakikipagusap niya sa akin ay tila nawala saglit ang mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. Iyun nga lang, hindi ko maisawang isipin ng paulit-ulit ang sinabi niya. Kung anak niya ako ay malamang ikakahiya ko rin siya.

This world is full of heartless people. They will break your heart like how other people break theirs. And you just can't blame them for being like that. It is their role, it is their job. Heartless people make others heartless too. That's how they will survive. That's how they will heal themselves kahit panandalian lang ang paggaling. That's why you need to remain tough. Gagawin mo dapat ang lahat para walang kung sino man ang makakabiyak ng puso mo. If you will let others break your heart, you will unconciously break other's heart too. And there is just no f*cking way to heal or mend it. The wound will remain, it will neither become a scar. Hate will grow continuously.

Habang naglalakad sa gilid ng daan ay bigla akong natigilan nang may mapansin akong kakaiba. Hindi ako lumingon kahit alam kong may mali na. Napuno nang pagalingaw-ngaw ang kalsadang nasa gilid ko. Paunti-unti. Hangang sa hindi ko na nga napigilan ang sarili ko at napalingon na ng tuluyan at nakitang ang tahimik na kalsadang nasa gilid ko lang kanina ay napuno na daang-dang ambulansya. The right lane and left lane, the crossings, left and back, Puno lahat ng ambulansyang hindi makausad-usad. What the fuck is happening?

* * *

That Nameless Girl (That Girl Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon