C H A P T E R 10

289 11 0
                                    

Who Are You?

That night, Matteo hanged himself inside his clinic. Umuulan noon nang umalis ako sa clinic niya para magsigarilyo. He lends me a violet umbrella at sinabi ko rin sa kanya na matatagalan ako ng kaonti. He nodded with a smile kaya naging magaan para sa akin ang pag-alis.

Sa labas ng convenience store kung saan ako bumili ng mouth wash, shave at shaving cream, doon ako namalagi hanggang dumating ang hapon. Ala una ng tanghali nang umalis ako sa clinic ni Mat pagkatapos naming mananghalian at alas kuwatro naman nang maubos ko ang isang box ng sigarilyo doon sa labas ng convience store.

Noong umalis ako, wala akong napansin na kung anong mali sa kanya. He even smiled at me bago ako lumabas. Wala pa ring pasyente pero isinuot niya na ang white suit niya. He was typing something on his computer nang huli ko siyang makita bago ko isinara ang pinto.

Siguro ganoon nga, when a person's going to end his life, he'll leave us no single clue about his plans. Hindi sa damit, hindi sa galaw at hindi rin sa ngiti natin makikita kung gagawin niya bang tuluyan ang planong iyun. Because afterall, hindi siya mismo ang gagawa ng planong iyun. It will be the loneliness inside him.

And loneliness, has its brain itself. There times that it can decide on its own. Hindi lang natin napapansin. Hindi lang.

Sa hinuha ko ay nasa mga pasado alas singko na hapon iyun ginawa ni Matteo. It was when it's still day pero madilim na ang paligid dahil sa ulan. Sa mga oras na iyun ay nakapila ako sa loob ng train staion para kunin ang ticket ko. Maraming nakapila sa booth na pinipilihan ko kaya inabot ako nang alas siyete ng gabi.

Gaya ng inaasahan ko, wala na si nameless girl doon at iba na ang nasa loob ng booth. Tinanong ko ang nasa loob kung sino ba ang pinalitan niya pero hindi niya raw alam. Kinulit ko siya pero pinaalis niya na ako nang makuha ko na ang ticket ko.

Dahil ginutom ako sa pila, napagdesisyunan kong kumain muna sa isa sa mga eatery na naroon. There was nothing special about what I ate dahil mumurahing pagkain lamang ang kinain ko. At eight pm, I took a bus. Tulala lang ako habang nakasandal ang ulo ko sa bintanang binubugbo ng ulan sa labas. Pumara ako sa isang waiting shed. I stayed there for a while and did some smoking.

Doon pa lang, may naramdaman na akong nakakabahala. My heart was pounding irregulary at panay din ang pagpapawis ko kahit na sobrang lamig ang buong paligid dahil hanggang sa sandaling iyun ay umuualan pa rin.

Noong naubos ko na ang sigarilyo ay agad na akong naglakad papunta sa clinic ni Mat. Nang makatawid ako ay nakita ko sa may side ng kalsada ang aleng nagtitinda ng balut. She smiled at me at hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nang makarating ako sa tapat ng clinic ni Mat ay biglang nanghina ang kaliwang kamay ko na may hawak ng payong na naging dahilan upang mabitawan ko ito ng hindi sinasadya.

It was a weird night because the rain was very heavy and as far as I know, may bagyong bumabayo sa buong rehiyon yet the moon was very visible on its fullest. Napansin ko lang iyun nang kunin ko ang payong sa riprap tiles at sa lipon ng mga namuong tubig dahil sa ulan ay nakita ko ang repleksyong ng buwan. Hindi ko na masyadong tinagalan doon dahil basang-basa na ako't mabilis na lang akong sumilong sa canopy ng entrance ng clinic ni Mat.

Kumatok ako ng tatlong beses at noong nahinuha kong wala nang tao roon sa loob ay kinuha ko ang susi sa ilalim ng paso't binuksan na ang pinto ng clinic niya. Madilim sa loob ngunit tumatagos ang liwanag ng buwan at ang una ko ngang nakita ang sasakyan ni Mat na naka-park pa rin sa likod ng clinic. Kumunot ang noo ko at nang buksan ko na nga ang ilaw sa loob ay doon ko na nakita ang nakalabiting katawan ni Mike sa ibabaw ng office table niya. His body was already stiffed at putting-puti na rin ang mukha niya't mga kamay at halos maaninag ko na rin ang mga kulay berde niyang mga ugat.

That Nameless Girl (That Girl Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon