Disappear
Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang babae. In fact, mas lalo pang lumala ang pag-iyak niya. Kung kanina ay ako lang ang nakakarinig sa pag-iyak niya, ngayon, pati dumadaan sa harap niya ay nilalaanan na rin siya ng atensyon. Nilapitan ko pa siya lalo at mahinang pinatid ang blue sneakers niya. Nang mapansin niya iyun ay tumigil siya sa pagiyak ngunit panandalian lang iyun dahil maya-maya pa ay umatake na naman ang pagngawa niya.
Kumunot ang mukha ko dahil naingayan na talaga ako sa kanya. Maya-maya pa, binuhos ko ang natitirang laman ng cup noodles sa lalamunan ko. Nilunok ko 'yun pagkatapos nguyain ang iilang noodles, dumighay, ishi-noot ang plastic sa maliit na basaruhan na nasa tabi ng puno at umupo na sa tabi niya. In-extend ko ang kamay ko sa lean back ng inuupuan namin, ngumiti habang nakatingin sa mga taong dumadaan at nagsalita.
"Nasibak ka ba sa trabaho mo?" tanong ko nang hindi siya tinitignan.
Tumigil siya sa pag-iyak, natulala saglit at bumaling ng tingin sa akin, "Paano mo nalaman?"
Bakas ang pamamaos sa boses niya. Natawa na lang ako.
"Yah! Ba't ka natatawa?" iritado niyang tanong. Bumaling ako saglit sa mukha niya at nang makita ko nga iyun nakabusangot niyang mukha ay mas lalo pa akong natawa.
"Mukha ka kasing unggoy," sabi ko sabay halakhak. Umiyak siya ulit. Pinabayaan ko lang siya na magkaganoon. Kung ano man ang nararamdaman niya, she needs to release it, or else, baka matulad lang siya sa akin.
Kahit sobrang nakakarindi sa tainga iyung pag-iyak niya, nanatili lang akong nakaupo sa tabi niya. Paminsan-minsan, kapag may mga nakikita akong tumitingin sa kanya, sinisita ko agad sila sa pamamagitan ng paninindak gamit ang mga mata ko. Pakiramdam ko, nagiging effective naman sa kadahilang kapag nakikita nila akong nilalakihan ang mga mata ko na parang adik ay bumibilis ang paglalakad nila. You don't want to be seen by anyone when you're crying, right? Hindi maganda sa pakiramdam na tinititigan ka ng maraming tao habang nasasaktan ka. One of the worse feeling in this world ay mararamdaman mo sa mga pagkakataong kinakaawaan ka. Kaya ayun, pino-protektahan ko siya mula sa mga mapaghusgang mga mata. Not because she is a girl. Wala akong pakialam sa kasarian ng mga tao. Pantay ang tingin ko sa lahat. But if someone is in need of protection, mapababae, mapalalaki o mapabakla man 'yan, kung kaya mong proteksyunan, bakit hindi mo gagawin 'di ba?
Nang hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak, kinausap ko na siya. "Kumain ka na ba?"
Nilingon niya ako, "Li-libre mo ba ako?"
Natigilan ako. "Huh? Kapal mo, ah. Tinatanong lang kita, hindi kita niyayaya." Tumawa ako nang may sarkasmo. "Ang assuming nito," dagdag ko.
Hindi na ako nagulat nang umiyak siyang muli. Dahil na-bad trip na naman ako ay tumayo na ako at niyaya na siya. "Sige na, lilibre na kita." Tumingin siya sa akin. Nagmukha siyang tuta.
"Hoy! Alam kong cute ako pero huwag mo akong pagnasaan.""Sorry." Awkward siyang ngumiti tapos tumayo na. "May alam akong kainan dito. Mura lang pero masarap."
"Mura pero masarap." Binigkas ko ulit ang sinabi niya.
Akward siyang tumango as she leads me the way. Nasa likod niya lang ako't nakasunod lang sa kanya habang naglalakad siya. Unang-una kong napansin ang puwet niya. Nagmukhang maliit na palda iyung maong shorts niya dahil patag na patag iyung puwet niya. Pero ayos lang 'yun kasi maputi naman ang legs niya. Iyun nga lang, pero kapag naiilawan ng husto, makikita mong may iilan siyang peklat na nagfi-fade na para sa akin ay ayos lang din kasi kapag nagmahal ka ng isang tao, hindi naman legs ang mamahalin mo sa kanya kundi 'yung buong pagkatao niya 'di ba? Pero teka, gusto ko lang klarohin na wala akong planong ligawan siya ah.
BINABASA MO ANG
That Nameless Girl (That Girl Trilogy Book 3)
ParanormalGusto lang naman ni Paul Klein na umalis saglit para malimutan ang lahat ng sakit na pinaparamdam sa kanya ng buhay. Kaya ang ginawa niya, nag-book siya ng ticket para i-avail ang isang travel package na iikot sa buong Mindanao ng ilang araw. Iyun n...