C H A P T E R 4

425 18 0
                                    

Lights
Watching people pass by in front of me is not a boring task at all. Sa totoo nga ay napaka-relaxing para sa akin ang activity na ito. Nakaupo lang ako sa isa sa mga bench, naka-dekuwatro ang mga paa, paminsan-minsan ay hinahawakan ang baba at tinitignan lang ang mga dumadaan na tao.

Iba-iba ang dumadaan sa harapan ko. May mga vendors na nagtitinda ng popcorn, mani, mineral bottle at iba pa. May nakita na rin akong nagtitinda ng taho pero wala pa akong nakitang naglalako ng dirty icream. O baka hindi lang dumaan sa harapan ko. Pero kanina, may narinig akong kalembang sa hindi kalayuan. Sabi nila, malalaman mo raw sa lakas ng kalembang ng bell ng sorbetero kung marami-rami na ang kita niya. Kapag malakas at mabilis ang kalembang, kaonti pa lang daw ang nabebenta nito. Kapag katatamtaman lang ang lakas, malapit na raw itong makabawi sa puhunan niya.

May iilan din akong nakitang nagtitinda ng lobo. Noon ngang dumaan ‘yun sa harapan ko kanina e sinadya kong putukin ang isa sa mga lobo niya. Akala niya dahil lang ‘yun sa init kaya hindi ako nag-sorry. Kung nakita niyang ako ‘yung nagputok, siyempre, magso-sorry ako, babayaran ko pa. Pero dahil hindi niya nakita, belat na lang sa kanya.

“Mommy!” Biglang umiyak ‘yung maliit na bata nang wala sa isip ko siyang binelatan nang dumaan silang dalawa ng mommy niya sa harapan ko. Hindi naman iyun pinansin ng Mommy niya at nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Maangas ang mukha ng nanay niya at pulang-pula rin ang labi. Maayos na naka-drawing ang kilay na naging dahilan upang magmukha siyang ahas na handing manuklaw. Malayo rin ang tingin nito at kahit naglalakad pa lang ay tila nagpaplano na ito ng karahasan sa loob ng kanyang isipan. Pakiwari ko ay pupuntahan nila iyung kabit ng asawa niya na dalawang araw ng hindi umuuwi.

Hindi ko alam kung saan ako mamalagi ngayon. Hindi rin naman ako puwedeng umuwi sa kadahilanang lumayas ako. Lumayas ako kasi, paano ko ba sasabihin, lumayas ako sa kadahilanang parang naging lungga na ng demonyo ‘yung bahay namin. Ang dami ng tangina.

Nananatili lang ako roon sa kinauupuan ko. Pinagmamasdan ko lang ang mga taong dumadaan sa paligid ko. Wala naman akong napansing kakaiba kaya noong nabagot na ako ay nagsimula na akong maglakad.

Habang naglalakad ako, naalala ko bigla iyung babaeng na-encounter ko kanina roon sa booth ng train station. Walang hiya talaga ang babaeng ‘yun. Hindi ko alam ang contact details niya.

Tepid and humid day. Wala naman masyadong kakaiba maliban na lang sa masakit na talaga ang braso ko kaya ang ginawa ko ay nagpunta ako sa isang clinic ng isang doktor na kilala ko.

“Oh! Paul?” aniya nang makita niya ako. May nila-ligate siyang babae nang pumasok ako sa kuwarto niya kaya medyo naging awkward bigla ang buong paligid. Nakabukaka sa harap niya ang babae at may kung anong kinakalikot siya sa gitna nito. Nakita kong nahiya iyung babae sa pagdating ko kaya agad itong napatiklop ng hita.

“Puwede bang mamaya na ‘yan. Unahin mo muna itong braso ko,” turan ko sa kanya.

“Tang---?!” Pinigilan niya ang sarili niya.

Isinalampak ko na lang ang likod ko sa couch at agad na ipinikit ang mga mata.

“Sandali lang Miss ha?” Narinig ko ang yabag ng mga sapatos niya na papalapit sa akin at nang makarating siya sa harapan ko ay agad niya akong sinermonan.

“Paul? Tang---” Pinigilan niya ulit ang sarili niya. “Hindi mo ba nakikitang may pasyente ako? Mawawalan ako ng lisensya sa’yo e. At isa pa, tumakas ka ba?”

Hindi ko sinagot ang tanong niya at tinuro na lang ang kanang braso ko.

“Just for a while, Miss,” aniya sa pasyente at tinignan na ang braso ko.

“Tumakas ka na naman ba?” tanong niya.

Hindi ako sumagot at ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Maya-maya pa ay may pinapasok siyang nurse at inasikaso ako neto. Habang ginagamot ako ng nurse, hindi ko namalayan na naipikit ko na pala ang mga mata ko at nakatulog na lang. Pagkagising ko, nakita kong naka-benda na ang braso ko at naka-sling na ito sa balikat ko.

That Nameless Girl (That Girl Trilogy Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon