Payment
“Hoy! Bumalik ka rito! Magpahuli ka sa amin! Anak ng!” Kahit sobrang sakit na ng braso ko, hindi pa rin ako nagpatalo sa kanila. Sumuong pa rin ako sa talahiban at tumakbo pa rin kahit paika-ika na. May kalapit na mga bahay hindi kalayuan at doon ay puwede ko na silang lituhin. Kung ditto kasi kami maghahabulan ay talagang mahuhuli ako rito.
“Yah!” Isang sekyu ang nagtapon sa akin ng suntok mula sa likod ko pero naiwasan ko iyun. Susuntukin ko sana siya bilang ganti pero hindi ko na ginawa at mas pinili ko na lang na tumakbo. Alam kong ang duwag-duwag ng dating ko ngayon pero mas maigi na ‘to kaysa sa mahuli nila ako.
“YAAAH!” May isa uling nagtapon sa aking suntok pero nailagan ko lang ito. Nilingon ko siya at nang dumaan sa harap ko ang suntok niya ay agad kong kinuha iyun at mabilis na binalibag ang braso na naging dahilan ng pag-tumbling niya sa ere. Dumaing lang siya sa sakit at nagpagulong-gulong na lang pababa. Medyo elevated din kasi itong lugar kung saan narito kami ngayon kaya ganoon ang nangyari sa kanya.Dalawa na lang ang humahabol sa akin pero iyung isa ay sobrang layo pa mula sa akin dahil hingal na hingal na siya. Medyo maalaki rin kasi ang pangagatawan niya kaya medyo nahirapan siya sa pagtakbo.
Itong isa naman, parang ito ‘yung tipo na magpapahamak sa akin. Mukhang may experience na siya sa paghuhuli ng mga taong madalas tumatakbo. Palatandaan ko roon ang lapad ng nabakanteng espasyo sa bumbunan niya. Mukhang nasa lagpas kuwarenta na rin siya at kita ko sa hindi maayos na porma ng mukha niya ang pamo-mroblema niya kung paanong hindi mabibisto ng asawa niya ang pangangabit niya. Maitim din ang kulay ng gilagid niya.
“Hali ka rito! May patakbo-takbo ka pa ha!” Nadampot niya ang injured kong braso kaya napadaing ako ng sobra. Agad ko rin naming kinalma ang sarili ko mula sa sakit na naramdaman ko at agad siyang sinipa sa panga niya. Mabilis na tumilamsik ang postiso niya sabay napunta sa tae ng baka pero parang hindi rin naman siya nasaktan sa ginawa ko dahil mabilis din naman niyang ibinaling ang tingin niya sa akin.
Hinarap niya ako at ipinorma ang parehong kamao niya sa harap niya habang nakatingin sa akin, tipong sinasabi niya sa akin na handa siyang makipagsuntukan sa akin.
“Huh!” Napangisi lang ako sa ginawa niya at maya-maya pa ay hin-high kick ko agad siya gamit ang kanang paa ko. Nasalo niya naman iyun gamit ang kamao niya. Umikot-ikot ako habang binabato siya ng high kick at nang mapansin niyang hindi ko ginagamit ang kamay ko ay iyun ang pinuntirya niya.
Napangisi siya nang makita niyang nasaktan ako at maya-maya pa nga ay mas tinodo niya pa ang pagsuntok sa na-injured kong braso. Pinilit kong saluhin ang kamao niya gamit ang likod ko pero nauwi lang ito sa pagkadapa ko sa railway ng tren. Walang tren na paparating at puro talahib lang ang nasa paligid. Iyun nga lang, mukhang mahuhuli niya na talaga ako. At sa tingin ko ay wala na akong magagawa ako roon.
“Hindi ko alam kung bakit mo pa kailangang tumakbo e. Puwede ka naming magpahuli sa amin tapos,” ngumisi siya, “okay na ang lahat. Pinahirapan mo pa kami e.” Tumawa siya ng tumawa at noong natanto niyang medyo mahangin ang harapang galagid niya at agad niyang tinikom ang bibig niya. Mabilis siyang napatingin sa lupa at agad na hinanap ang postiso niya.
Plano kong patirin ang paa niya pero hindi ko na nagawa nang bigla siyang natumba. May kung anong tumama sa leeg niya na nagging dahilan upang mawalan siya ng malay.\
Pagbagsak ng sekyu sa lupa ay isang pamilyar na babae ang bumungad sa paningin ko. Nakatayo siya sa gilid ng natumbang sekyu at malungkot niya itong tinitignan. Nakalugay na ang kanyang buhok at madalas ay tinatangay ito ng hangin. Tila sumasabay iyun sa pag-awit ng mga alon sa Davao Gulf. Tila tumakbo rin siya papunta rito.
Nang mapatingin siya sa akin ay agad akong napalunok ng laway. May kolorete pa rin sa kanyang mukha at maikli pa rin ang palda ng skyblue uniform niya pero hindi ko akalain na ganito pala siya kaganda kapag maliwanag ang paligid niya at kapag tumatama ang sinag ng araw sa napakaputi niyang balat. Singkit ang kanyang mga mata ngunit parang palagi ito nagaalala. Maya-maya pa ay kumurap siya at yumuko sa gilid ko.
“Hala! Na-injured ang braso mo.” Napakahinhin ng boses niya na tipong halos bumulong na siya. Hinawakan niya rin ang braso ko at nang gawin niya nga iyun at tila gumaling ito agad.
Hindi ko rin maiwasan na mapatingin sa dibdib niya pero hindi rin naman ako nagtagumpay na maaninag iyun ng maayos sa kadahilanang agad niyang iyong tinakpan gamit ang kamay niya.
Aminado akong sobrang nagandahan ako sa kanya pero agad ko rin naming ginising ang sarili ko nang maalala ko na siya nga pala ang may dahilan kung bakit nangyari sa akin ang lahat ng ito. Na kung sana ay tinanggap niya na lang iyung bayad ko para sa promo package na gusto kong i-avail ay hindi sana magkakagulo.“Aray ko!” Bigla siyang napaupo sa railway nang agad akong tumayo sa harap niya.
Saglit siyang napadaing at agad din naming tumayo. Hinarap niya ako at agad siyang yumuko sa harap ko. Behind her is the calm gulf of Davao and also the island of Samal. Looking at her that way ay gusto ko na agad siyang patawarin pero agad kong pinigilan ang sarili ko. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa akin.
“Hoy!” Tinawag ko ang atensyon niya. Napatingin siya agad sa akin. Para siyang tuta nahuling nagnakaw ng pagkain.
“Hindi mo ako madadaanan sa pagyuko-yuko. Alam mo ba kung gaano ka-importante sa akin ‘tong braso ko ha? Na kung sana ay tinanggap mo na lang ang bayad ko para sa hinayupak na promo package na ‘yun ay hindi sana ito nangyari sa akin!” Galit ako. Sobra. But by just looking at her na iniinda lang ang talak ko sa kanya ay bigla akong nakaramdam ng matinding pagka-guilty.
Agad kong tinapon sa kanya ang pouch ko. Marami nang nalaglag na coins doon pero wala akong pake. Kailangan ko ‘yung hinayupak na promo package na ‘yun kaya dapat ay ibigay niya na iyun sa akin.
“Wala ka ba talagang cash, Sir? Puro kasi talaga coins e,” nagmamakaawang sabi niya sa akin habang umiiyak siya.
Naipikit ko na lang ang mata ko dahil sa inis. Pahamak!
“Miss!” madiin ngunit kalmado kong pagtawag sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. “Kailangan. Ko. Ang. Hinayupak. Na. Promo. Package. Na. ‘Yun. At. Kapag. Hindi. Mo. ‘Yun. Binigay. Sa. Akin---” Nagisip ako ng kung ano ang puwede kong gawin sa kanya kapag hindi niya nabigay sa akin iyung promo package pero natulala lang ako nang wala akong maisip.
“Sige! Sige!” Bigla siyang nataranta. “Ibibigay ko ‘yun sa’yo! Tutal nagbayad ka naman at tutal ako rin naman ang dahilan kung bakit ka nauwi sa ganito kaya sige, ibibigay ko ‘yun. Pero puwede bang ipagamot mo muna sa akin ‘yang braso mo?”
Hindi ko alam pero sobrang nanlambot ako sa sinabi niya. She really looks very concerened towards my arm na tila ba nararamdaman niya rin ng sakit ng pagkabali ng buto ko. Gusto ko pa sanang mag-protesta pero hindi ko na nagawa nang hinila niya ako’t tila ba naging hangin siya’t ako naman ay naging talahib at nagpatangay na lang ako.
* * *
![](https://img.wattpad.com/cover/168663425-288-k684647.jpg)
BINABASA MO ANG
That Nameless Girl (That Girl Trilogy Book 3)
ParanormalGusto lang naman ni Paul Klein na umalis saglit para malimutan ang lahat ng sakit na pinaparamdam sa kanya ng buhay. Kaya ang ginawa niya, nag-book siya ng ticket para i-avail ang isang travel package na iikot sa buong Mindanao ng ilang araw. Iyun n...