Invisible
Nakatulala lang akong nakatitig sa kanya. The train had already move at panay din ang pagsasalita ng isang babae sa harapan tungkol sa round trip na ito. Kaso wala ni isa sa mga pinagsasabi niya ang naintindihan ko sa kadahilanang nakatuon lang ang buong atensyon ko sa babaeng katabi ko. Nakasalampak ang pulang headset sa parehong tainga niya at panay lang ang tingin sa loob ng tren. Paminsan-minsan ay ginagawaran niya ako ng tingin ngunit mabilis lang iyung natatapos. Hindi niya ako nginingitian ngunit hindi din naman siya naiirita sa akin. Her face right now is so neutral, tipong hindi mo matanto kung masaya ba siya o sadyang wala lang siyang nararamdaman ngayon. Yet, one thing is for sure, she's alive and she is really that nameless girl I've met two days ago.
Umayos ako sa pag-upo. Pinutol ko na ang pagtitig ko sa mukha niya at bumaling na lang sa ibang parte ng katawan niya. Nakasuot siya kulay pitch na cardigan at sa loob naman niyun ay puting spaghetti. She has a small breast ngunit dahil masyadong mahigpit ang puting spaghetting suot niya ay nagkaroon ng ilusyon na namamaga iyun. Her hands kept tapping her lap. Sa ginagawa niyang iyun ay tila nagkaroon ako ng ideya kung ano uri ng kanta ang pinapakinggan niya. It must be pop o kahit anong bagong tutugin.
Nakasuot siya ng pitch na jeans na tumerno sa cardigan na suot niya. Naka-sneakers siya at wala siyang ibang bit-bit kundi ang shoulderbag niyang kulay brown na nasa kabilang balikat niya nakasaklay. She has no accessories or whatsoever. She looks very simple liban na nga lang talaga sa maikli, kulay orange at kulot niyang buhok na nagiging dahilan upang makuha niya ang atensyon ng iilan. Sa tabi namin ay may babaeng may dala-dalang baby at dahil sa kulay ng buhok niya ay panay ang pagtitig nito sa kanya.
Tumingin siya sa akin at sa pinakaunang pagkakataon ay nginitian niya ako. I was bewildered by that smile. It took half an hour bago niya ako nilaanan ng ganu'n. Sumibol sa loob ko ang pagasang papansinin niya pa ako mamaya. Na magkakausap pa kami. But why the heck am I affected so much by her, right? I mean, ano naman kung nagkita kami ulit ngayon? Maybe she also planned to take this trip noon pa at hindi niya lang sinabi sa akin. At ano naman kung hindi niya ako pansinin? As if I'll not be able to breathe kung hindi niya gagawin iyun. Why am I becoming this nonsensical?
Umuulan pa rin sa labas. Ang mga bubong ng bahay ay binubugbog pa rin ng malakas na hampas ng ulan. Nakalampas na rin kami sa boundery ng Davao City and by the time it happened, pinangako ko sa sarili ko na mula ngayon hanggang sa matapos ang trip na ito after fifteen days ay hindi muna ako magbabaliktanaw. Matt already died, nakaranas ako ng ilang mga kababalaghan, tumakas ako sa rehab, nakabangga ako ng babae. Lahat ng iyun ay kakaligtaanan ko muna. Right now, hahanapin ko muna ang kailangan kong hanapin. A part of me is which currently missing. And in order for me to do that, kailangan ko munang maging invisible.
* * *
Nilagpasan namin ang city ng Panabo at ang municipality ng Carmen. Tumigil kami sa Tagum City which is just an hour away from Davao City at doon ay pinapila para mag-check in sa isang hotel. What makes our travel expensive is not the fair expenses kung hindi ay ang mismong pagche-check in sa mga hotel. For 15 days, tatlong hotel ang pamamalagian namin making us stay five days in each hotel. Tatlo rin ang stops ng trip na ito. Hindi ko pa alam ang dalawa pero sa ngayon, alam kong mamamalagi kami rito ng limang araw to tour half of Region 11 and half of Compostella Valley. Alam kong marami silang gagawin na mga activities pero ako, pinlano ko nang huwag sumali at maglalakad lang ako ng maglalakad sa kung saan mang destination ihi-held ang mga gagawin nila.Isa pa, I can't also interact so much with these people around me. Tumakas ako sa rehab and for sure ay pinaghahanap na ako ng mga taga roon. Lots of nice people are there in the rehab pero kapag nalaman nilang may tumakas sa puder nila ay paniguradong hahanapin at hahanapin talaga nila iyun. And in my case, kailangan ko mag-ingat ng maigi. If there's a need to be distant from some shits ay gagawin ko iyun ng walang pag-aalinlangan.
BINABASA MO ANG
That Nameless Girl (That Girl Trilogy Book 3)
ParanormalGusto lang naman ni Paul Klein na umalis saglit para malimutan ang lahat ng sakit na pinaparamdam sa kanya ng buhay. Kaya ang ginawa niya, nag-book siya ng ticket para i-avail ang isang travel package na iikot sa buong Mindanao ng ilang araw. Iyun n...