Oras
Nakasunod lang ako sa kanya. Hindi ko rin magawang umalma sa ginagawa niya sa akin dahil nakahawak siya sa mismong braso kong nabalian ng buto. Kumukutap-kutap ang bibig niya pero hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya dahil sa hinhin ng pagsasalita niya. Nainis ako sa ginagawa niya kaya agad ko siyang tinanong.
"Hoy! Kinukulam mo ba ako't binibigkasan mo ako ng kung anong litanya riyan?" tanong ko. Bilog na bilog ang itim ng singkit niyang mata nang nilingon niya ako. Pahamak! Sobrang ganda niya talaga kaso parang may mali sa kanya. Parang napaka-childish ng dating niya. Para siyang babaeng bigla na lang naging adult at nag-skip na lang sa pagiging teenager. Napakakinis din ng kutis niya. Manipis nga lang ang labi na siyang hindi ko gusto. Paano kong magkalaplapan na? E 'di parang walang lasa 'yung halik?
"Ha? Ah, eh." Ngumiti siya. Grabe, ang hinhin niya talaga. Pakiramdamn ko, ibon 'to sa nakaraang buhay niya.
Kinamot niya ang ulo buhok niya, may nakuha siyang kuto roon at agad niya iyung tiniris. "Pina-practice ko lang 'yung paliwanag ko sa boss ko. Eh 'di ba nagkagulo roon sa booth dahil sa akin?" nakangiti at patanong niyang sagot.
Wirdo ko lang siyang tinignan. Aba! Ni hindi man lang siya nagalit sa akin. Ni ayaw niyang i-share sa akin 'yung responsibility sa nangyari kanina. Ayos lang. Mas maganda nga 'yun e. Pero teka? Gagawin niya ba 'yun kasi naaawa siya sa akin?
"Hoy!" Tinawag ko ulit ang pansin niya.
"Huh?" Inosente niya akong tinignan. Nagmukha ulit siyang tuta. Nagandahan ako bigla sa mata niya pero agad kong inayos ang sarili ko at binigyan siya ng galit na ekspresyon.
"Ginagago mo ba ako?"
"Inaano kita?" tanong niya. Mukhang nagulat siya sa pagmumura ko. Parangg first time niyang narinig ang salitang 'yun.
Napadura ako dahil sa inis. "Huwag mo na akong gamutin. Kaya ko na ang sarili ko. Ibigay mo lang sa akin 'yung promo package ko."
"Pero 'yung braso mo," may pagaalala niyang sabi. Muli niyang nilaanan ng tingin ang braso.
Tinignan ko siyang maigi at maya-maya pa ay ipinakita ko sa kanya kung paanong inayos ang nabali kong buto gamit ang kamay ko. Lumaguto iyun at nang pumantay na ay agad kong tinabas ang manggas ng t-shirt kong kulay gray at agad na itinali ang napunit na tela sa namamagang parte ng braso ko.
"Oh!" Gulat na gulat siya nang makita niya ang ginawa ko. Nasaktan ako pero ininda ko lang iyun para ipakita sa kanya na hindi niya dapat ako kaawaan. Nasa talahiban pa rin kami sa labas ng train station at dahil medyo mahangin ay nagugulo madalas ang buhok namin. Nakatitig lang siya sa akin at medyo naniningkit ang mga mata niya dahil nasa likod ko ang araw.
"Sige! Sige!" Bigla siyang nataranta, kinagat niya rin ang kuko ng mga daliri ng kaliwang kamay niya. "Pero okay lang ba sa'yo kung sa Friday ko na lang sa'yo ibigay? Tutal December 15 pa naman puwedeng i-consume 'yung promo packge mo kaya..." Agad ko siyang pinutol.
"Bakit sa Biyernes pa? Hinayupak naman yan oh!" Madali talaga akong mainis. Lalong-lalo na kapag dini-delay 'yung resulta ng mga bagay na pinaghihirapan ko.
"Sige! Sige!" Nataranta ulit siya. "Pero kailangan mong sumama sa akin pabalik sa train station kasi nandu'n 'yung tickets sa booth e. Tsaka 'yung braso mo..." may pagaalala siyang napatingin sa braso ko.
"Huwag na lang!" sigaw ko at tinalikuran ko na siya. Nagumpisa akong maglakad palayo sa kanya. 'Yung mga nakaharang na talahib ay agad kong hinawi at nang makarating nga ako sa high way ay agad na akong sumakay sa bus na kakarating lang. Nang makahanap ako ng bakanteng upuan sa may gitna ay agad na akong umupo roon. Tuluyan na ring umandar ang bus. Hindi ko rin binalikan ng tingin ang babae pero kita ko sa peripheral vision ko na nakatayo lang siya na parang tuod sa gitna ng talahiban at nakatingin sa direksyon ko.
Nang maisip ko siya ay naipikit ko na lang ang mata ko. Lecheng babae. Bakit niya ba kasi kailangang bilangin pa 'yung pera ko? Tapos ko na ngang bilangin 'yun 'di ba? O baka naman hindi siya marunong magbilang kaya aabutin pa siya ng siyam-siyam para mabilang 'yun?
"Aw!" Napadaing ako nang maigalaw ko ang braso ko. Nawala sa isipan ko na na-injured na pala ito. What a day! Siguro, hindi para sa akin ang araw na ito. Minalas ako sa ng sobra. Sa susunod na araw, babalikan ko 'yung babeng 'yun. At pagbalik ko, siguraduhin niya lang talaga na nabilang niya na ng maayos 'yung pera ko nang maibigay niya na sa akin 'yung promo package ko.
Napahinga na lang ako ng malalim nang makita ko 'yung mga establisyementong nadadaanan ng bus na sinasakyan ko. Sa kabilang lane, hindi umuusad ang mga sasakyan. Paano ba naman kasi, may dalawang Metro Shuttle Bus ang nagkabanggan sa unahan. May nakita akong mga nasugatan kanina pero hindi ko alam kung mayroon bang patay. Kung mayroong namatay, ano naman ngayon? Eh 'di ba doon naman talaga tayo lahat papunta? Hindi ko nga alam kung bakit maraming tao ang takot mamatay e. Kahit ano pa ang pagiingat na gawin mo, kung oras mo na, oras mo na talaga.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Tumakas ako mula sa amin. Alam kong pinaghahanap na nila ako ngayon pero wala naman akong pakialam doon. Kung makita man nila ako, hindi pa rin naman ako sasama sa kanila. Ngayon, gusto ko lang talagang lumayo. Gusto ko munang pumunta sa lugar na walang nakakakilala sa akin. Wala na rin akong pera ngayon. 'Yung mismong pera ko na talaga ay 'yung mismong ibinayad ko sa tour package. Isang taon kung inipon 'yun. 'Yung iba, galing sa allowance ko at 'yung iba naman ay kinita ko mula sa paged-design ng shirt kaya ayun, halos puro coins lahat.
"Hoy! May pera ka ba?" sigaw ng konduktor na lumapit sa akin. Nang makita ko ang mukha niya ay bigla akong nainis kaya agad na akong tumayo."Umalis ka nga! Nakaharang 'yang mukha mo e." Hinawi ko na ang mukha niya at hindi na siya nakapag-react nang tumalon na ako mula sa umaandar na bus.
Kung oras mo na, oras mo na talaga at wala ka nang magagawa roon.
BINABASA MO ANG
That Nameless Girl (That Girl Trilogy Book 3)
ParanormalGusto lang naman ni Paul Klein na umalis saglit para malimutan ang lahat ng sakit na pinaparamdam sa kanya ng buhay. Kaya ang ginawa niya, nag-book siya ng ticket para i-avail ang isang travel package na iikot sa buong Mindanao ng ilang araw. Iyun n...