kabanata 10

1.3K 42 6
                                    

Kabanata 10

Amina

            "So after this magiging mabait ka na?" I grinned to him.

            His brow creased at napailing. "Nope. Nice try Amina. Nice try."

            Lumabi ako. He chuckles and pinched my cheeks. I sighed. I can't get anne of my mind. I want to talk to her. Marami akong gustong itanong sa kanya but I don't know how.

            Would she be happy to know that i am the daughter she abandoned?

            Or not?

            "Hey you're spacing out? Are you hungry? Hindi pala tayo kumakain pa. Wait."

            Hindi ako kumibo at pinagmasdan lang si Brayden na tumayo at naglakad papunta sa may refrigerator. He seems like checking what's inside it. Nawala ang gutom na naramdaman ko kanina.

            "We only have here chocolates and sodas. Junk foods and oh! Instant noodles. I think this will save us for today."

            "For today? Hindi pa ba tayo babalik?" this time ako naman ang kumunot ang noo at sya naman ang ngumiti. Para kasing sinasabi nya na di pa kami babalik ng manila.

            "Nope. We're going to tour around south."

            Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Tour?!

            "No we can't! May deadline ako ng project ko next week dapat matapos na namin yun!"

            Na-tense ako bigla kay Brayden. Hindi pwedeng hindi ko maipasa yun kasi duon nakasalalay ang grades ko at baka hindi pa ako maka graduate ng dahil duon.

            "Is that a group project?"

            "Yes. At kapag hindi ako bumalik ngayon siguradong mag wawala si Oli and Lucy! My gad kahit gusto kong sumama I can't let them down. Papatayin ako ng mga yun kung hindi ko matatapos ang project namin."

            I bit my finger nails. Saka hindi lang yun ang iniisip ko kung di pati na rin ang nanay ko na nandito. Hindi ko alam kung papaano sya pakikisamahan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.

            "It's Thursday and tomorrow is holiday. We can take plane by Sunday para makabalik tayo agad. This is my way of saying sorry for what I did in the island."

            He smiles at me at there I melted. Wala na hindi ko na kayang tumangi pa kay Brayden. Damn this heart. Hindi lamang marunong magpakipot. Nakakainis ka heart!

            "Nakakainis ka."

            Hindi makapaniwalang tiningnan nya ako. "Anong ginawa ko?"

            Iningusan ko sya. "Because I can't say no to you! Yung utak ko gustong tumangi kasi alam ko marami akong dapat gawin pero yung puso ko tumututol! Nakakainis ka." I even stomped my feet.

            He just chuckles at hindi nya pinanasin ang pagdadabog ko instead naglakad sya papalabas bitbit ang mga instant noodles. Hindi ko mapigilang hindi maapangiti ng mawala sya sa paningin ko. I always dream of this. Him and me together. Yung hindi sya napipilitan lang at hindi din ako inaaway. Pero agad rin nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang nanay ko. I guess there is no such thing as perfect moment talaga.

        Ayaw kong lumabas ng kwarto dahil baka hindi ko mapigilan ako na mismo ang lumapit sa kanya para kausapin sya. Naglakad lakad na lang ako at sinilip kung ano ang meron sa kwarto until my eyes settled to the closet.

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon