Kabanata 32
Amina
After talking to Brayden gumaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil yun sa nagka ayos na kami. Well, not totally okay pero hindi na tulad ng dati na sinusungitan ko sya. But it still doesn't mean pumapayag na ako sa gusto nyang mangyari. We're okay, siguro in a sense na nakakausap ko na sya ng wala akong nararamdamang sakit.
"I heard you two talked. How was it?"
Nilingon ko ang nagsalita. Bahagya akong ngumiti sa kanya. Inabot ko muna ang libro na kinukuha ko from the shelves bago humarap kay ağabeyi.
"How did you know I'm here?" Tanong ko sa kanya habang kipkip ang libro sa mga braso ko. "It went well." Sabi ko sa kanya.
Lumapit ako kay ağabeyi at humalik sa pisngi nya. He's wearing his usual business suit. Ngumiti sya sa akin at bahagyang tinap ang ulo ko like I am some kind of a dog that made my eyes rolled.
"I'm not a dog." Simangot na sabi ko sa kanya. He chuckles.
"I apologize for yelling at you the last time we talked. I was just scared that something bad might happen to you." Ngumuso ako para pigilan ang pag ngiti. Ağabeyi and his sweetness. Maswerte ang magiging asawa ng kapatid ko kasi he is sweet and caring and loving.
"I'm sorry din, ağabeyi. I wasn't thinking right that time. I promise it wont happen again. Kakarating mo pa lang ba or are you about to leave, again?"
Nasanay na ako na bihira na lang kaming magkita kita sa bahay. Hindi naman kasi por que nabibilang ka sa royal family ay wala ka nang gagawin it's the other way around. Sobrang busy namin. To the point that sometimes hindi na kami nagkikita kita. Kaya baba made sure na kapag kumpleto kami lahat sabay sabay na kaming kumakain.
"Paalis pa lang. Maaga pa naman we can have our little catch up first. Nagpadala ako ng coffee at pagkain. Kamusta naging pag-uusap nyo ni Brayden?" He asked. I can't hint kung masaya sya o hindi. Naka talikod na kasi sya sa akin.
Sinundan ko sya palabas sa teresa. Habang naglalakad ay nagsimula na din akong mag kwento sa kanya ng kung ano ang pinag usapan namin ni Brayden. Tahimik naman syang nakikinig at kung minsan ay nagtatanong din.
"I remember he did helped me that time. He was the one who rushed me to the hospital." Tumango tango si ağabeyi. There is something in his eyes...
Sadness.
Parehas kaming natahimik ng ilatag sa harapan namin ang pagkain. Bumalik lang sya sa pag sasalita ng kami na lang dalawa ulit.
"I'm sorry if I dragged you with my mess, sweetheart. I think you deserves to know everything." Kumunot ang noo ko habang nakatitig kay ağabeyi. Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. "I... I was so in love with Beatrix that time. My love for her made me blinded, kaya kahit alam kong mali na ang ginagawa nya hinayaan ko lang sya. She was... *clear throats* ilang beses nya nang sinabi na wala na syang nararamdaman sa akin. She fell out of love, that she doesn't love me anymore and she is in love with another man but I loved her... kaya ipinilit ko pa rin ang sarili ko." Pagak na tumawa si ağabeyi.
Napa singhap ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni ağabeyi. Gusto ko sanang tanungin kung nagbibiro lang sya pero nawalan ako ng chance na mag tanong ng bigla syang magsalita ulit.
"Beatrix fell out of love before even Brayden came into the picture. Hindi ko matanggap kaya pinaglaban ko kahit alam kong talo na ako." I bit my lip. Blanko ang mga mata nya habang nagsasalita. I knew how much he loved her.
"All this time... you made Brayden looks bad..." i said almost whispering. Napatingin ako sa mga palad kong nangi-nginig. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ni ağabeyi. Hindi sya yun. Hindi nya kayang gawin ang sinasabi nya. This can't be.
BINABASA MO ANG
Stay with me
General FictionAmina Raja Balahim sets her eyes only for Brayden Luis Walters. She will do anything just to get his attention. Kahit pa sira in nya ang bawat date nito, ang guluhin ang relasyon nito at ang panliligaw rito araw araw mapansin lang sya at mahalin ay...