Kabanata 15

1.2K 39 1
                                    

Kabanata 15

Amina

"I miss eating filipino food."

Binalingan ko ng tingin si Jayce. Nakapangalumbaba ito sa sandalan ng couch. Lahat kami ay nasa living room. Pinapalitan ni Brayden ng presidential suite ang kwarto naming tatlo para raw hindi na kami naghahagilapan. And Jayce agreed para raw mabantayan nya si Brayden in case maisipan nitong gawan ako ng masama. KJ! Ayaw pa kasing umamin na ayaw nya lang akong mawala sa paningin nya.

Brayden is busy with his laptop. Sa tatlong araw namin dito napansin ko agad ang pagiging close ng dalawa. Maasikaso si Brayden at parang bata naman si Jayce. Nagiging malapit na rin ako kay Jayce. Si Brayden naman ay minsan mabait, minsan masungit, minsan sweet, madalas suplado pero napaka generous.

"What do you want to eat, Amina?" Brayden asked without glancing at me. Nanunudyo naman ang tingin ni Jayce sa akin kaya pinandilatan ko sya ng mata.

"Anything. Hindi naman ako mapili. Or... I'll be the one to cook." Pagpiprisenta ko.

Halos na sabay tumingin sa akin ang dalawa. "Do you know how to cook? / Marunong kang magluto?" Sabay ng dalawa.

Ganyan ba talaga kapag kambal parehas ng iniisip at sinasabi?

"Oo naman!" Proud na sabi ko.

"Ano alam mong iluto? Is it filipino cuisine?" May bahid ng pagkasabik na tanong Jayce.

"Ah, o-oo?" Alanganing sagot ko. Hindi din kasi ako sigurado.

Kumunot ang noo ng kambal. Masuri akong tiningnan ni Brayden. Tiniklop nya ang laptop nya at lumipat sa tabi ko. I gulped.

"Oo? You are not even sure. Tell me what kind of viand is that?" Nailang ako ng ilapit nya ang mukha sa akin.

"A-adobo! Marunong akong mag adobo." I bit my lower lips. Iyon lang ang alam kong filipino food. Napayuko ako at tiningnan ang mga kuko ko sa paa.

"Wahahaha!" Sinamaan ko ng tingin si Jayce na halos malaglag sa upuan kakatawa. Namumula na pati ang pisngi.

"Adobo." Brayden said habang may sinusupil na ngiti sa labi. I glared at him.

"Nakakainis kayong dalawa." Inirapan ko sila at nag marcha papasok sa kwarto. Hindi ko pinansin ang tawag ng dalawa sa akin.

Naiinis ako dahil pinagtatawanan nila ang alam kong luto. Naiiyak na naupo ako sa edge ng kama. I grew up with a golden spoon in my mouth. All my life may mga katulong kami na ultimo pagsuklay ng buhok ko ay sila ang gumagawa. Kelan lang ako natuto ng gawaing bahay pero sa tingin ko hindi pa nga din eh.

There are times I missed my old life. Yung mga perks of being a child of a very rich man.

"Is that what my princess want?" Ngumiti ang batang babae sa may hindi katandaan na lalaki at tumango. "We'll take that."

"Can I hug it now, Baba?"

"Of course, my princess. You can." Sinenyasan ng tinawag na ama ng bata ang manager ng store. Nag mamadaling iniabot nito ang isang bugs bunny stuffed toy sa bata. Hindi maitago ang saya sa mukha ng bata habang hawak ang laruan. Bihira silang lumabas na mag ama pero once na lumabas sila sinusulit naman nila ang oras.

"Thank you, Baba for this. Seni seviyorum çok, baba!" Maligayang sabi ng bata at yumakap sa bewang ng ama.

"I love you more my princess."

>>>>

"Baba, are you leaving again?" May lungkot ang mukha ng batang si Amina habang nakatingin sa ama. She's 8 at kasama nya ngayon ang ama sa pagkain ng ice cream sa paborito nilang ice cream parlor.

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon