Kabanata 25

1.3K 49 15
                                    

Hello to my new found friend and schoolmate @MajorGenKapay nahihiya pa rin ako kapag may nakakakilala sa akin sa real world(Alien lang 😂) Kapag kailangan mo ng tulong sa school wag kang mahihiyang lumapit sa akin ah 200 lang bayad haha!

Unexpected na may makakakilala sa akin sa school bilang 'writer' nagulat talaga ako 🤣 and at the same time kinilig. Aba bihirang pagkakataon lang ito 🤣. Salamat sa pag abang ng updates kong napakatagal haha! Sa pag pasok mo sa STI ngayon alam mo na kung bakit madalas akong busy haha!

Happy readings!

Kabanata 25

Nanginginig ang mga kamay ni Amina habang nanghihina naman ang mga tuhod nya habang binabagtas ang daan patungo sa condo unit ni Brayden. Pilit naman na pinipigilan ni Olivia si Amina sa ginagawang pag sugod.

"Amina, please be reasonable. I'm sure Brayden has explanation for this."

Huminto si Amina sa paglakad at hinarap si Olivia. Bahagyang napaatras si Olivia dahil sa mga nagbabagang tingin ni Amina.

"Sila ba naging reasonable ng sinaktan nila ang kapatid ko? Hindi diba?! Kaya please stop stoping me dahil walang mangayayari."

She's seeing red. No one can stop her lalo na ngayon na nalaman nya na kung sino ang may gawa ng pagkasira ng mga kamay ng kapatid nya. She promised him na pagbabayarin nya ang taong sumira sa buhay nito.

"Ayaw ko lang makagawa ka ng desisyon na pagsisisihan mo." Hindi pinansin ni Amina ang kaibigan at nagtuloy sa unit ni Brayden.

"I am being reasonable here. Dahil kung hindi, patay na sya kanina pa. One call. Just one call, Olivia. We both know kung ano ang kayang baguhin nuon."

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. She sighed at binalingan ang doorbell sa labas ng unit ni Brayden. She keeps n pushing the button as if ito ang kaaway nya.

"Nandyaan na! Stop fucking pushing the doorbell! Damn it!" They can hear frustration in his voice.

"Amina..." ipiniksi lang ni Amina ang kamay ni Olivia ng hawakan sya nito sa braso.

"Wala bang doorbell sa bahay nyo at doorbell ko pinagdidiskitahan mo?!"

Kung nasa ibang pagkakataon lang ay baka naawa pa si Amina sa binata. He looks like a mess. Hindi nakaayos ang pagkakasuot nito ng polo at gulo gulo ang buhok. Amoy alak din ito at mukhang may hung over pa.

"B-babe!" Mahinang napamura si Brayden at inayos ang pagkakasara ng mga botones ng polo nya at saka sinuklay ang magulong buhok gamit ang mga daliri.

"Sorry, di pa ako nakakaligo pa. Na corner kasi ako ni Kuya at Jayce kagabi when I'm supposed to go to your house. Pinilit nila akong pinainom at itinali pa nila ako kaya wala na akong nagawa."

Hindi pinansin ni Amina ang paliwanag nito. Lumapit sya dito at hinampas sa dibdib nito ang isang folder.

"Tell me it's not you." Nangilid ang mga luha ni Amina habang derechong nakatingin sa mga mata ni Brayden.

She's still hoping na sabihin ni Brayden na hindi sya ang nasa litrato kundi si Jayce na kambal nito. Maybe, just maybe baka mawala pa ang galit nya para dito.

Kumunot ang noo ng binata at naguguluhang tiningnan ang laman ng folder. Mas lalong lumalim ang kunot ng noo nya ng makita ang mga litrato nila ni Beatrix nuong mag nobyo pa sila. He clenched his fist when he saw a picture of Beatrix with the man she cheated on him.

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon