Kabanata 4

1.4K 48 1
                                    

Kabanata 4

Amina

"I made it through the wilderness... some how i made it through oooohhh... like a virgin! Ah! Touch for the very first time!"

"Like a virgin! Woah!"

Nagbump pa kami ng balakang ni Lucy, sabay tawa ng malakas ng makita namin na nakasapo na sa noo si Oli. Nilugay ko ang buhok ko saka nag head bang at umaktong nag gi gitara. Para kaming baliw ni Lucy sa gitna ng field at wala namang nag tatangkang sumaway dahil alam na nila na wala na silang magagawa. Kami ang batas.

"You two stop na, you're not nakakatawa anymore."

I grinned and started swaying my hips. Kumanta naman ng careless whisper si Lucy.

"Pwede ka nang dancer. Why dont you join kasi sa dance troupes." Oli.

Hinihingal na naupo ako sa tabi ni Oli at tinaggap ang tubig na inabot nya. Masaya ako ngayon kasi after one week makikita ko na ulit si Brayden. Nag text si Ate Marian dumating na raw si Brayden kaya lang di ko pa mapuntahan kasi may exam pa kami and nasa meeting raw nasasabon dahil sa pag alis ng walang paalam.

"If you two will join sasali na ako."

Inirapan ako ni Oli. Natawa naman si Lucy at nakipag apir sa akin. Walang talent sa pag sayaw si Oli pero magaling sya sa pagkanta at paghawak ng instruments. Pakikinggan nya lang ng isang beses alam na nya agad ang tono. Ganun sya kagaling sa music.

"Kahit type ko bakla, ayaw. Mahahagardo versosa ang fez ko."

"Meron ka ba nun bakla?"

Malakas akong natawa ng bahagya nyang tapikin ang pisngi ko at pinanlakihan ako ng mata. Ang pikon ni Lucy.

"Sabihin mo you can't because parehas rin left ang paa mo."

"Nagsalita ang magaling. Hoy Olivia, marunong rin naman akong kumanta. Baklitang ito. Mahadera." Nakapamewang pa ito kay olivia at pinanlakihan ito ng mata.

Nagmadaling tumakbo papalayo si Lucy ng kuhain ni Olivia ang libro nya at iniambang ihahampas rito. At ang poise ni madame oli ay nawala dahil kay Lucy at naghabulan na ang dalawa.

+=+=+=+=+=

"Kinakabahan ako. Wag na kaya tayong tutuloy?"

Pasalampak akong naupo sa couch at hindi inalintana kung magugusot ba ang suot kong gown. Nakapag ayos na kami at ready nang umalis pero mabigat ang loob ko at para bang ayaw ko nang tumuloy. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

"Wag kang kabahan. We're here for you. Hindi ka namin iiwan."

"Well, except kapag may gwapo. Aray oli masakit. Ang hair ko sinira mo!"

Naiiling na lang ako sa bangayan ng dalawa. Kita mo na imbes na alohin ako at palakasin ang loob, nag banggayan pa ang dalawa. Parang ayaw ko nang tumuloy sa charity event na pupuntahan namin. Bumabalik na naman kasi ang lungkot.

"Cheer up. You need to face everything for you to move on."

"Oli's right. Hindi habang buhay eh magtatago ka sa nakaraan."

Hinawakan nila magkabila ang kamay ko. Ngumiti sila sa akin at humilig sa magkabilang balikat ko. Napabuntong hininga ako.

"Bahala na. Come on. Let's go."

Kinuha ko ang clutch bag ko at tumayo. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na napupunta sa mukha ko at nakangiting humarap sa kanila. Hindi ako sigurado kung handa na ba akong mag move on sa nangyari o hindi. Masakit pa rin sa akin kapag binabalikan ko ang pangyayari five years ago.

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon