Kabanata 14

1K 35 1
                                    

Kabanata 14

Amina

"Wow."

Hindi ko mapigilang hindi mapahanga sa ganda ng private plane nila. It doesn't even look like plane to me. Para akong nasa hotel. May living room pa and i think sa bandang dulo ay may kwarto dahil may pintuan.

"This is my family's private plane. Heto gagamitin natin pa puntang Monaco. Less hassle."

"Ang ganda. Grabe ang yaman naman ng pamilya nyo may sariling plane."

"You belong to one of the richest family in the world. I'm sure this kind of extravagance is not new to you."

Tipid lang akong ngumiti kay Brayden at hindi sumagot. I know he has a hunch kung saan akong pamilya galing. After all he knew my father. Naghikab ako. Inaantok na ako. Madaling araw na rin. Mabilis rin akong nakatulog ng nasa himpapawid na kami marahil sa pagod.

Nagising ako ng nakahiga na ang inuupuan ko kanina. Hindi na ako nagtaka. Naka kumot na din ako with a small pillow on my head. Tumayo ako at tiniklop ang kumot. Nasa ere pa rin kami at maliwanag na.

"Good morning missy."

Binalingan ko ang nagsalita. He sounds and looks like Brayden pero alam kong hindi sya yan. Sa ngisi pa lang. And Brayden never calls me missy. Akala ko kaming dalawa lang ni Brayden ang pupunta ng Monaco?

"Where is Brayden?" Kinusot ko ang mata ko. "Where is the loo?"

Tinuro nya sa akin ang pinto malapit sa dulo. "Samahan pa ba kita?" Kinindatan ako ni Jayce.

"Gusto mong isama kita sa pag flush ng toilet. I can do that." Brayden glared at Jayce. Kakalabas nya lang from cockpit.

"Chill man." Tumatawa tawang sabi ni Jayce.

"Chill my ass. Help the pilot to fly this plane ng magka silbi ka. A-hole."

Nagulat pa ako ng hawakan ako ni Brayden sa braso at iginaya papunta sa banyo. He gently pushed papasok sa loob. Kahit na naguguluhan ay pumasok ako at inayos ang sarili. May hindi pa gamit na toothbrush at mouthwash. I fixed myself bago lumabas.

Nakasandal si Brayden sa gilid. Nakahalukipkip ito at nakapikit ang mga mata. He looks tired pero gwapo pa rin.

"Nakatulog ka ba? And what time is it?"

Tipid itong ngumiti sa akin at tumingin sa relos nya. "A little. It's 6 in the morning. Before lunch, i guess nasa Monte Carlo na tayo. I'll ask the attendant to prepare our breakfast. And don't go near my asshole brother."

Hindi ako nakaimik ng hawakan nya ang kamay ko at ginaya patungo sa dining table. Naupo ito sa tapat ko. Wala na si Jayce maybe nasa loob na sya ulit ng cockpit.

Pinagmasdan ko si Brayden. Hindi ko maiwasang hindi magtaka kung bakit ginagawa ito ni Brayden. Nakakapagtaka ang pagiging mabait nya but nevertheless I enjoy seeing him like this.

"Why?"

"Kailangan talaga nakataas ang isang kilay?" I chuckles ng magsalubong naman ang kilay nya.

"What?"

"Si Jayce lang kasama natin?" Pag iiba ko ng tanong.

"Yeah. I need a licensed pilot to fly this thing aside from me. Nag prisinta ang loko kasi gusto nyang makaalis ng pilipinas." Bahagyang natawa si Brayden. Wala akong naintindihan kung bakit sya natatawa sa kakambal nya.

"What's funny?" Tipid na nginitian ko ang stewardess ng ilapag nya ang pagkain sa harapan ko. "Thank you."

"Thanks." Brayden said ng matangap ang pagkain. "Nothing. Kumain ka na. Ang payat mo. Para kang stick."

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon