Kabanata 17

1K 45 1
                                    

Kabanata 17

Amina

"Amina, si Doc Brayden nandito."

Hindi ko nilingon si Lucy na nasa pinto ng kwarto ko. "Tell him wala ako dito." Pinagpatuloy ko na ang ginagawa kong pag aaral ng mga finances ng food chains namin.

"So ano ka? Imaginary lang or hologram?"

Nanlaki ang mata ko at mabilis na nilingon si Brayden. Nag-peace sign sa akin si Lucy. Napabuntong hininga ako.

"Mag-usap kayo. I'll leave you two." Bago pa ako makatangi ay umalis nang tuluyan si Lucy. Nasaan ba si Olivia at hinayaan si Brayden na makapasok.

"Pasok ka." Hindi na ako gumalaw sa pagkakasalampak ko sa baba ng kama. Inoffer ko sa kanya ang kama ko bilang upuan.

"You intentionally don't want to see me?" May himig na pagtatampo sa boses ni Brayden.

Ilang araw ko na syang pilit na iniiwasan at tinataguan simula ng makabalik kami dito sa Manila. Mahirap but I am trying my best para magawa kong iwasan sya.

What Jayce said made me realized na hindi ko dapat ginawa ang mga kalokohan ko. I am not that kind of person. Hindi ako dapat mag habol sa taong wala namang nararamdaman para sa akin.

"Busy lang talaga ako. What's bring you here? Ikaw hindi ka ba busy at nandito ka?"

Pinagmasdan lang ako ni Brayden at hindi umimik. I suddenly feel conscious with my look. Hindi pa kasi ako nag susuklay at naka t-shirt lang ako at short na parehas floral. Wala naman kasi akong balak lumabas ng bahay kaya hindi ko na naisipang mag ayos.

"Pasensya ka na makalat. May ginagawa kasi ako."

"Is this about what Jayce said?"

Natigilan ako sa pagaayos ng mga papel at napatingin sa kanya. Matiim syang nakatingin sa akin at wari ko ay binabasa nya akong maigi.

"It's not. I am just busy. Saka ayaw mo nuon wala nang susunod sunod sayo diba? You can freely date every girl you want ng hindi nangangamba na may maninira ng date mo."

Sinabayan ko pa ng mahinang tawa kahit na deep inside ay gusto kong maiyak. Pero hindi pwede. Kailangan kong panindigan ang paglayo sa kanya habang hindi pa sobrang sakit.

"Hey don't give me that kind of look, Bray. I am really busy obvious naman sa papers na nakikita mo." Itinaas ko pa ang hawak kong papel.

Bukod sa iniiwasan ko sya hindi din ako lumalabas dahil natatakot akong baka nasundan ako ni Asil dito. Bumalik ako sa ginagawa ko kahit pa ang utak ko ay wala na ata dito sa earth.

Ilang minutong hindi umimik si Brayden at ganun din ako. I really do like him. Kung pwede ko kang ipilit na gusto ko sya para magustuhan nya ako ginawa ko na. Pero hindi naman pinipilit ang isang relasyon.

"Pasensya ka na kung iniiwasan kita. Hindi naman din ako galit kay Jayce actually nagpapasalamat pa nga ako sa kanya kasi he made me realized na hindi ko dapat ipilit ang sarili ko sa lalaki. From now on hindi na kita guguluhin. Give me time to get rid of this feeling lang kasi syempre gusto talaga kita ~~~"

Nahinto ako sa paglilitanya ng makarinig ako ng mumunting hilik only to find out Brayden is peacefully sleeping sa kama ko habang yakap ang unan ko.

I chuckles. "Langya ang dami ko nang sinabi pero tulog ka naman pala. At dito ka pa talaga natulog sa kama ko. Tsk."

Tumayo ako at kinumutan sya ng maayos. Dahan dahan kong tinangal ang medyas nya at salamin. Inayos ko rin sa side table ang bag nya at phone. Nilakasan ko ang air-con kasi gusto ni Brayden yung tipong nag yeyelo na.

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon