Kabanata 3

1.4K 47 2
                                    

Kabanata 3

Amina

Nakapangalumbaba ako habang naka tingin sa labas ng cafe at tinatanaw kung dumating  na ba si Brayden. I've been here for about an hour or two na. Sumasakit na nga ang pwet ko sa pagkakaupo pero ni anino ni brayden hindi ko pa nakikita.

Sa tagal kong tumatamabay na rito, kakilala ko na halos lahat ng empelyado pati na ang may-ari ng cafe. I even have my special place kung saan mas nakikita ko kung dumating na ba si Brayden.

"Parang walang clinic ngayon si Doc Brayden. Dapat kanina pa sya dumaan kung meron, miss Amina."

Alanganin akong ngumiti sa nagsalita at bahagyang napakamot sa ulo. I think she's right. Kasi dapat kanina pa si Brayden, kasi 9 am ang bukas ng clinic nya ngayon and by 2 pm naman sa ospital ang duty nya until 7 in the evening.

"Sa tingin mo? Pero..." bumaba ang tingin ko sa hawak kong papel. Schedule nya ito for the whole week. Wala naman nakalagay na wala syang clinic ngayon. Sana tinext na ako ni ate marian kung hindi mag ki-clinic si brayden.

"Ay ayan na po pala si sir Brayden, kaso lang parang iba ang suot? Miss amina, papalapit na po sya dito!"

Mabilis akong lumingon sa tinuro ni Cher. I blinked many times ng makita ko si Brayden pero agad ring napalitan ng pagkasimangot ng makita ko ang kumikinang na diamond earrings.

It's Jayce and not Brayden. Kahit pa magkamukhang magkamukha sila sa itsura, tindig at boses but i guess kapag mahal mo ang isang tao kahit na magkamukha pa sila alam mo ang pagkakaiba nila.

"It's Jayce. Brayden's twin."

I said saka binalik ang tingin sa labas. They may have the same face pero mas gusto ko pa rin na makita si Brayden. Kinikilig na umalis si Cher.

"Hi. Pwedeng maki share?"

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa nagsalita.

"Eh?"

Binalewala nya ang sinabi ko at humatak ng upuan. Inangat nya pa ang kamay nya and asked for menu. Hindi ko tuloy maiwasang hindi sya pagtaasan ng kilay. Masyadong mayabang.

"Brayden is out of the country."

Tinaasan ko ng kilay si Jayce. Umangat ang gilid ng labi nya kaya naman hindi ko mapigilan ang hindi mapasimangot. Akala mo naman close kami kung makangiti sa akin.

"Hindi ka nakakatuwa." I rolled my eyes saka nag sip sa frapped ko.

Hindi ko na pinansin si Jayce at hinayaan ko na lang syang kumain. Minsan titingin sya sa akin saka ngingiti at iiling. Nakakainis kaso lang hindi naman ako makaalis sa pwesto ko dahil wala nang bakante pang lamesa kaya nagtatyaga na lang ako sa kanya.

"You are beautiful."

"I know. And you are not my type kahit pa magkamukha kayo ni Brayden." Inirapan ko sya.

Tumawa sya ng malakas at umiling. Nakakairita ang pagiging hambog nya.

"Smile, Amina. Mas maganda ka kung naka ngiti ka."

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon