Kabanata 16

1.1K 41 1
                                    

Kabanata 16

Amina

"Oh god! The race was intense! Halos mag salpukan na si Hamilton and Raikkonen!"

Hindi ko makalimutan yung intense race kanina. Ilang beses ko pa ngang nakurot si Jayce sa sobrang nerbyos. Kaya ngayon naka peace sign ako sa kanya habang nag tatago sa gilid ni Brayden.

"Yeah sa sobrang intense pati braso ko may mga pasa na." Angil nito sa akin. Napakamot ako ng ulo. Masama ang tingin sa akin ni Jayce.

"Bebe Brayden pagtangol mo naman ako."

"Stop acting like a child, Jayce."

Jayce looked at me with grimaced. I grinned. Pinagtangol ako ni Brayden! I smile triumphantly. Nag bleh pa ako kay Jayce na mas lalo nyang kinainis.

"You are choosing her over your own twin brother?!" How could you?!" Humawak pa si Jayce sa dibdib nya na tila ba nasasaktan sa narinig. Hindi nya alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Ang daming tao sa paligid at ang iba nawiwirduhan na sa amin.

Napapailing na lang si Brayden sa kakambal habang ako naman ay natatawa. I know nag iinarte lang din si Jayce and I find it funny. Para syang bata.

"Stop acting like a lunatic Jayce. Nakakahiya ka." Tumalikod na kami ni Brayden.

"I'm glad you enjoyed watching F1. Akala ko ma bo-bored ka. I even think of Jayce suggestion na tangaling sa itinerary ang race dahil baka hindi mo magustuhan."

Ngumiti ako kay Brayden. "It's actually far from what I imagined. I mean hindi ko expected na makakapanood ako ng ganto. This is awesome I really did enjoyed it. Ang ganda parang nakaka excite and it made me think na subukang mag race para kasing exciting."

Kanina I imagine myself na ako yung nakaupo duon at nagmamaneho ng sasakyan. Gusto kong maramdaman yung adrenaline rush.

"I don't think it's a good idea." Mabilis akong nag angat ng tingin kay Brayden.

"Why? Mukha namang masaya ah?"

"It is. My cousins at mga kapatid ko we tried racing it's our past time. And my older cousin, Kuya Cray is one of F1 car racer. I think you already met him. But no, you will not try racing."

Ngumuso ako kay Brayden. Masaya daw pero hindi naman ako pinapa-try.

"Daya. Di pa nga kita boyfriend madami nang bawal." Napairap ako at napahalukipkip.

"Alright, fine. When we get home i'll bring you to our race track. Ako mismo ang magtuturo sayo. Are you happy now?" Bahagya pa ring nakakunot ang noo nya at medyo nakasimangot.

I chuckles. "Super. Thank you."

Umangat lang ang gilid ng labi nya at inakbayan ako. One point for Amina! Nakakuha ka naman ng akbay from brayden.

"Where's Jayce?" I asked Brayden.

Nakalayo na kami ni Brayden pero wala akong nakitang Jayce na nakasunod. Saan na naman kaya nagsuot ang lalaki na yon?

"He's having fun wag mo nang hanapin."

Eh?

Ganyan ba talaga kapag kambal alam kung nasaan ang isa kahit na hindi nagpapaalam? Para silang may sariling line of communication na sila lang dalawa ang nagkakaintindihan. Haha!

"Oh shit it's raining."

Unti unting umaambon hanggang sa lumakas ang ulan. Samantalang kanina may araw pa lang.

Huhubadin sana Brayden ang coat nya para ibigay sa akin pero pinigilan ko sya at umiling. Hinawakan ko ang kamay nya at saka sabay kaming tumakbo.

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon