Kabanata 18

1.3K 51 12
                                    

Kabanata 18

Amina

"What happened to iiwasan ko na sya from now on mo?"

"Edi wala. Bokya. Isa syang napakarupok na turkish na dalaga."

Napasapo na lang ako ng noo dahil sa dalawa kong kaibigan. Kagabi pa nila ako hindi tinatantanan simula ng sabihin ko na pumayag ako kay Brayden na sumama sa party. Nagkamali talaga ako  ng sabihin ko pa sa kanila sana sinarili ko na lang.

"Oo na marupok na ako! Tama na please!"

At syempre dahil kaibigan ko sila hindi sila tumigil. Pinagpatuloy pa rin nila ang pangaasar sa akin. Yung tipong papaiyakin ka muna bago tumigil. Minsan nakakatuyo din sila ng utak.

"10 o'clock sya susunduin pero ready na sya 8 am pa lang. Marupok nga." naki pagapiran pa si Lucy kay Olivia.

Nag pout ako. Bakit ba kasi umagang umaga sila ang nakakaharap ko agad.

"Bullies." Inirapan ko sila at naglakad papunta sa veranda dala ang baso ko ng kape. Wala akong makukuhang matino sa kanilang dalawa lalo na at sinimulan na nila akong asarin. Nag team pa sila.

"Pikon!"

"Marupok na pikon!"

Rinig kong sigaw pa nila sa akin kahit nasa veranda na ako. Napangiti na lang ako. Mga baliw.

Nag open ako ng camera at nag pose. Makapag post na lang sa instagram ko.

A smile while waiting...

May 50 likes agad ako from my followers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May 50 likes agad ako from my followers. Hindi ko nilalagay ang tunay kong pangalan and I made sure na naka private ang account ko at kilala ko lang ang makaka follow sa akin para hindi ako mahanap ng mga taong naghahanap sa akin.

@handsomedoctor: you ready?

Napatili ako at muntikan nang ihagis ang phone ko ng mabasa ko ang notification from handsomedoctor. Nakalimutan ko nag follow nga pala kami ni brayden sa isat isa. Nakakahiya nalaman nya tuloy na excited ako.

@queenofmars: yep! Hehe.

@handsomedoctor: I'll fetch you in 20 minutes.

Ay may pa comment si Brayden na susunduin nya ako. 8:30 pa lang ng umaga. Hindi lang ata ako ang excited. Ini-off ko na ang wifi connection ng phone ko para hindi ko na mabasa ang pang-aasar ng mga kaibigan ko. Pati sa social media nangbubuska.

>>>>>

"Wala akong makitang type ko."

Pasalampak akong naupo sa tabi ni Brayden. Nasa France Clothing kami at halos magdadalawang oras na kaming nandito pero wala pa rin akong makita na type ko although lahat naman ay magaganda at bagay sa akin pero wala yung isang tingin pa lang alam mo nang yun na.

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon