Kabanata 5

1.6K 38 1
                                    

Kabanata 5

Amina

"Where are we going this time?" Nagkibit balikat ako sa tanong ni Lucy.

Second sem break na namin at may halos isang buwan kaming break kaya ayan ang dalawa nag pa-plano na kung saan pupunta samantalang ako heto namomoblema dahil si Brayden alam ko nag may hint na sya kung sino talaga ako.

"She's not interested with your plans kasi she's busy thinking about doc Brayden. Kung ano ang next move nya to win his heart." Oli rolled her eyes.

Ngumiti ako sa kanila at nag peace sign. Actually medyo nag distance ako kay Brayden my loves at ilang araw na hindi nagpakita sa kanya pagkatapos ng party. Bukod sa nagtatago ako sa tatay ko ay hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kung sakasakaling mag tanong sya.

"We can go to maldives. Kaso galing na tayo run ng summer. Ayaw ko sa disyneland and japan. Cambodia naman, what do you think?" Winggle wiggle ko pa ang kilay ko. We can have our 2 weeks vacation there pwede naming libutin ang cambodia bukod pa duon medyo mura lang sya at hindi masakit sa bulsa.

Tinaasan ako ng kilay ni Oli. "Hindi ka mag da-drama at sasabihin na hindi mo kayang iwan si Doc?"

"Hindi ka mag wa-walling nang ganto?" Hindi ko mapigilang hindi matawa ng todo ang tikwas ng pwet ni Lucy habang sumasandal sa wall. "I can't leave Brayden my love!!! Brayden! Brayden! Brayyyydeeenn!!"

Hindi ko maiwasang hindi pamulahan ng pisngi pero hindi ko rin mapigilan ang tawa ko kay Lucy.

"Marlucario!" Binato ko sya ng throw pillow at ang gaga tawa lang ng tawa. "I was never like that ah!"

Tinaasan ako ng kilay ni Lucy. "Never? As in never?"

"Impakta ka bakla! Ano nga saan tayo? Cambodia? Thailand? Vietnam? Where?"

Pumagitna sa amin si Lucy ni Oli. Parehas na sumandig kami ni Oli sa balikat n Lucy at ipinatong pa namin ang mga binti namin sa binti ni Lucy. Niyakap naman ni Lucy ang mga balikat namin. This is one of the best feeling, yung at home ka sa piling ng mga taong tunay na nagmamahal sayo.

*****

"Amina, kadiri naman here." -Oli

"Why does it smell like this? Where are we na ba Amina?" - Lucy.

Napakamot na lang ako sa noo ko dahil sa kaartehan ng dalawa. Hindi naman talaga kaaya aya ang amoy pati na ang lugar. It's our first time to go into this kind of place pero sana hindi nila pinapakita na ignorante kami pareparehas.

"Will you two, shut up? Asan na ba ang list ng bibilhin natin?"

"Dapat kasi hindi na lang ako sumama. Kadiri ang place. Oh my god! Is that a freaking rat?!"

Mabilis kaming tumingin sa tinuro ni Oli. Halos lumuwa ang mata ko ng makakita ng malaking malaking daga na tumatakbo from one side to other side of the street. I've never seen such huge rat in my entire life!

    "OMG!" -Me

    "Ahhhhhh!" Lucy.

    Mabilis kaming yumakap ni Oli kay Lucy. Kulang na lang magpakarga kami sa kanya sa sobrang takot.

    "Get off me! Damn it!"

    Umiling kami ni Oli kahit pa pilit na inaalis ni Lucy ang mga braso namin sa kanya. Kung alam ko lang na ganto pala nakakatakot sa palengke sana hindi na ako nag presinta na mamalengke.

    "This is all your fault Amina! Damn! Uwi na tayo Marlucario!"

    "Amina Raja!"

    Lumabi na lang ako sa dalawa. Wala kaming nagawa kung hindi ang halos tumakbo papalabas ng palengke at hindi inalintana ang mga taong nawiwirduhan na tumitingin sa amin habang tumitili kami. Hindi naman nila kami masisisi dahil first time lang naming tatlo na makapasok sa gantong lugar. We usually do our grocery sa grocery store at hindi pa kami nakakapasok ng wet market sa tanang buhay namin.

Stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon