Kabanata 3

39 18 22
                                    

Kasalukuyan

Mapusok na halik ang agad na sumalubong sa akin pagkapasok pa lang ng aking unit. Atat na atat ang kasama ko na hubarin ang dress na suot ko. I am wearing a sheer little black dress. We were both drunk when we left the party of our kababayan here in LA.

Sinalubong ko ang maiinit na halik nito. Naramdaman ko na lang na andito na kami sa sofa. I sat on his lap and kissed him torridly. He was touching me sensually everywhere. I was so lost in his deep kisses when my phone rang loudly.

I ignored it but the persistent caller just wouldn't stop. I moved away from him to search for my clutch. I saw my mom calling. I literally rolled my eyes and went to the balcony.

"Lea, darling.." Bungad agad nito sa akin.

"Mom, what is it?" I sounded annoyed.

"Just so you know your dad and I are throwing a party for our silver anniversary this weekend. Kelan mo ba balak umuwi? Don't tell me, palalampasin mo pati ito." May himig ng pagtatampo ang tinig nito.

I rolled my eyes in disbelief.

"Fine, mom. Uuwi po ako. I will be there on your anniversary. Tell daddy I'm going home." Kumbinsi ko dito.

"Oh my gosh! Thank you darling. I missed you so much my baby girl.."

"Love you, mom. I have to go now. Bye!" I ended the call.

I went back to the living room. I saw Gene watching sports channel.

"Hey, babe. Is something wrong?" Concern nitong tanong.

Gene is my current flavor of the month. I met him at a party and since then, we've been constantly dating. He's a Fil-Am businessman here in Los Angeles.

"Oh, it's my mom. Pinapauwi ako." I told him.

"So you're going back to the Philippines for good?"

"I don't know. I dont have any plans yet."

"Mamimiss kita." Seryoso nitong sabi.

I stared at him for a while and smiled. "I will miss you, too, Gene." Then I hugged him tightly.

Isa si Gene sa madali kong nakagaanan ng loob dito sa US. He's very kind and sincere. Kahit pa alam nyang we are not official, hindi nya ako pinapakitaan ng motibo na he's only after sex. He's always been very sweet and caring. And I will truly miss him.

Pagkatapos ng pamamaalam ko dito ay umalis na rin ito. I started packing my clothes and booked a flight at the same time. I decided to fly back to the Philippines tomorrow. Anyways, sa Sabado pa naman ang party at Tuesday pa ngayon.

Alas 10 ng umaga ang kinuha kong flight. Nagpaalam lang ako sa mga kaibigan ko thru group chat. Anyway, babalik rin naman ako dito maybe in the next two weeks or so.

This is my first homecoming after 10 years. I chose not to go back to the Philippines sa loob ng sampung taon. Hindi ko maiwasang alalahanin ang naging dahilan ng pag-alis ko ng Pilipinas.


Sampung taon ang nakakaraan..

Isang malaking pagdiriwang ang gaganapin dito sa campus ng Hillside Academy dahil iniuwi ni Gok ang Gold Medal sa Physics Wizard National Championship na ginanap last week. Habang ang iba'y nagkakasiyahan, heto ako sa bleachers ng gym namin at walang gana na nakikinig sa mga congratulatory messages ng mga teachers at mga studyante.

"Bes, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik dyan eh." Tanong ni Tenten sakin.

"Di.. Ang yabang kasi ng iba dyan. Ngayon lang naman siya nanalo sa isang National Competition." Himutok ko dito.

"Naku, Bes naman.. Isipin mo nalang na naka-tsamba lang ang isang yan. Mas matalino ka pa rin dun noh." Pang-aalo nito sakin.

Tumango nalang ako pero hindi ko pa rin matanggap na hindi ako ang nanalo doon sa Quiz Bowl namin last week.

Imbis na makinig ay hinila ko si Tenten palabas ng gym. Pumunta kami sa mga food stall na nakahilera sa labas ng school. Nilibre ko sya ng proben. Kapag nalulungkot ako ay proben at buko juice ang tinitira namin nitong si Tenten. Nang mabusog ay inaya ko na itong umuwi. Tinawagan ko na rin ang driver ko para magpasundo.

Dumaan ang ilang linggo na sinubsob ko ang aking sarili sa pag-aaral. Pinaghandaan kong mabuti ang midtern exams namin kaya't confident ako na magta-top uli ako sa buong klase.

Hila-hila ko ang kamay ni Tenten papunta sa bulletin board ng school. Ngayon malalaman ang resulta ng aming midterm exams. Excited kong tiningnan ang number 1 spot at nanlumo ako ng makita na ibang pangalan ang nakasulat doon. Iba ang nakasulat at ito ay walang iba kundi si Gok T. Reye. Hinanap ko ang pangalan ko at nakita ko'ng pangalawa lamang ako sa kanya. This is so not happening! Tinalo na naman nya ako sa pangalawang pagkakataon!

"Wow! Nagtop one ka, Pres! Grabe, from Top 3 to Top 1! Congrats! Lamang ka na naman kay Lea." Rinig kong sabi ng kaklase kong babae.

Nilingon ko ito at tinaasan lamang ako ng kilay. Sa sobrang galit at pagkapahiya ay tumakbo ako palayo sa kanila. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Tenten sa akin. Nagagalit ako sa sarili ko! Paano ko ba hinayaan na maging ganito ang lahat? Inaral kong mabuti lahat ng subjects ko. Pero bakit ganito? Kulang pa rin? Tumakbo ako hanggang sa fish pond ng school. Doon ko binuhos lahat ng sama ng loob ko. Alam kong isang malaking dahilan ang pagkatalo ko sa ginanap na Quiz Bowl para hindi makapagconcentrate sa review. Binabagabag ako ng aking pagkatalo kaya hindi ako naging at ease sa exam sa pag-aalalang magkamali akong muli. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi naging maganda ang resulta ng midterm exams.

Pagkatapos kong umiyak ay nilisan ko ang lugar na iyon. Isang desisyon ang nabuo ko sa mga sandaling yun. Nagpasundo ako sa driver kahit alas-diyes pa lang ng umaga.

Dumiretso ako sa opisina ni mommy at nagulat ito ng makita na namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak.

"Lea,darling.. Anong nangyari sayo? Bakit namumugto yang mga mata mo?" Lumapit si mommy sa akin at sinuri kong may masakit ba sa akin.

"Mom, ayoko na po sa school. Gusto ko na pong lumipat ng ibang school. Ayoko na dito, mommy, please.." Hindi ko na naman mapigilang umiyak.

"Teka, ano bang nangyayari? May problema ba sa school mo, Hija?"

"Ayoko na po dun, mommy! Sawa na akong magbungkal ng lupa! Nakakapagod na mommy. Please, I wanna go to Lolo and Lola. Doon na po ako mag-aaral." Pakiusap ko ulit kay mommy.

"Ngayon ka pa ba magrereklamo? Eh nakaya mo nga ang tatlong taon sa Hillside. Ilang buwang nalang naman, Hija. Ga-graduate ka na rin ng high school. Hindi ka na ba makapag-antay?" Masuyong tanong nito sa akin.

"No, mommy! Hindi na po ako babalik doon!" Sunud-sunod ang naging pag-iling ko.

"Gusto mo bang magbakasyon na lang muna?"

"Hindi po. Gusto ko na pong umalis bukas din mommy. Please po.." Pagmamakaawa ko ulit.

I heard my mom sighed and said, "Okay, I understand. I will talk to your dad about this. Please go home first and prepare your things. I will see you later. Kakausapin ko lang ang daddy mo." Mom finally said.

At kinabukasan nga ay lumipad ako patungong Amerika. Hindi na ako nagpaalam sa school. Hinayaan ko na lang na ang parents ko ang mag-explain ng lahat. I just talked to Tenten over the phone at nagpaalam. She was shocked pero naintindihan din naman ang naging desisyon ko.

-End of Flashback-

I sighed heavily at the memories. It's been 10 years. Simula ng araw na umalis ako ng bansa ay isinumpa kong wala akong gugustohin na hindi ko makukuha. I will always do everything I can just to get what I want. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa Los Angeles hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo. I've always been obsessed with great achievements. Kaya naman nakapagtapos ako as summa cum laude sa kursong Architectural Studies sa UCLA. Natapos ko na rin ang aking master's degree sa Architecture and Urban Design. Sa loob ng mga panahong inilagi ko sa LA ay nakapagtayo na ako ng sarili kong firm sa tulong na rin ng aking Lolo at daddy. Our family's businesses are involved in Industrial Architecture and Real Estate Development. At sa edad na 25 ay masasabi kong I got what every 25-year-old wanted. But I am not just anybody. I am Lea and I know I want more.

I Get What I WantWhere stories live. Discover now