Kabanata 15

24 6 0
                                    

Papalubog na ang araw nang matapos naming puntahan ang mga furniture shops. Ipapadeliver ko na ang mga ito bukas. Ang mga pinamili kong lightings ay pinakarga ko na sa sasakyan dahil di naman sila masyadong bulky.

"Gusto mo bang mag-dinner muna bago umuwi?" Tanong nito nang nasa sasakyan na kami.

"Does your offer still stand? I wanna have shawarma tonight, tho." I faced him and smiled.

"Well..if that's what you want." Sagot nito at nagsimula nang magmaneho.

"Sa restaurant mo ba tayo pupunta?"

"Nope. Let's go to my house. Is that okay with you?" Lumingon ito at hinintay ang sagot ko.

"Sure, it's fine. Besides, I like your house." I smiled at him.

"Sure you do." Nakatingin ito sa daan pero nakikita ko ang lihim na pagngiti nito.

Hmm..

Napangiti na rin ako at tumingin sa labas. Di na ulit kami nag-usap sa buong byahe. Nakinig lang kami ng mga paborito kong alternative rock music. Paminsan-minsan ay sumasabay ako sa pagkanta. Hindi naman nakakahiya dahil hindi naman pangit ang boses ko.

Ehem! Hihi

"Do you still sing in a band?" Maya-maya ay tanong nito.

Nagulat ako sa kanyang tanong. Naalala niya pa pala ang mga pinaggagawa ko noong high school. Nagbabanda kasi ako dati sa school.

"So, you still remember?" I teased him.

"Tss."

Tumawa ako.

"Well, I don't have a band in LA but I sometimes sing there. Na-miss ko nga ang pagpe-perform eh. By the way, ang astig ng home theater system sa bahay mo ha. May karaoke ka ba dun?" Usisa ko.

"Yup. Meron."

"Talaga? Can I use it?" Di ko mapigilan ang aking excitement.

"Tss.. Alright."

I rolled my eyes dahil balik na naman ito sa pagiging suplado kuno. If I know, gusto din naman akong marinig kumanta.

Maya-maya lamang ay nagpapark na ito sa harap ng kanyang bahay. Mas cozy pala ang ambiance ng bahay nya sa gabi.

Nauna na akong lumabas at dinama ang malamig na hangin mula sa dagat. Lumabas na rin ito at lumapit sa akin. Nakapamulsa itong humarap sa dagat.

"You really got a beautiful place up here. Di ba nakakatakot na wala kang kabitbahay dito?"

"Wala namang masasamang tao dito sa Calapan. Marami namang roving security mula sa resort kaya ayos lang. Besides, I have a neighbor now." Ngumiti ito saka seryosong tumingala sa langit.

I looked at him stare at the night sky. Naninibago pa rin ako sa tuwing ngumingiti ito. Hindi ko mapigilang pansinin ang matangos nitong ilong. Gwapo naman si Gok. Hindi ko ikakaila iyon. Matikas ang tindig, magandang magdamit, maputi ang balat, at higit sa lahat mabango.

Nahuli nito ang pagtitig ko.

"Tss.. Halika na. It's already late for dinner." Tumingin ito sa relos at naglakad papasok ng bahay.

Sinundan ko ito sa kusina.

"Do you often bring your girls here?" Tanong ko habang nililibot ulit ng tingin ang kanyang kitchen.

"I told you I'm not seeing anyone and you are not my girl either. So..no, I don't bring them here." Seryoso ito sa paghahanda ng karne.

I don't know why it sounded off but pinalampas ko na lang ang sinabi nito. Minsan talaga ang tindi ng dila nito.

I Get What I WantWhere stories live. Discover now