Kabanata 19

9 1 0
                                    

It was a beautiful sunset wedding. We both agreed na magpakasal dito sa Los Angeles. Isusunod lamang ang engrandeng kasal pag-uwi namin sa Pilipinas. Both our families and friends ay walang alam sa kasalan naming ito. At first ay hindi pumayag si Gok na hindi alam ng pamilya namin. Pero napapayag ko rin siya na sasarilinin muna ang tungkol dito. Besides, hindi rin nila alam na magboyfriend kami. Hindi nga naman pala kami dumaan sa pagiging magsyota. Napahagikhik ako sa isiping iyon.

"Are you ashamed of your decision to marry me? Buo ba talaga ang loob mong pakasal sa akin?" He asked me the day before.

I rolled my eyes.

"I know what you're thinking, babe. Sasabihin rin naman natin sa kanila pag-uwi natin ng Pilipinas diba? For now, sa atin na muna ito please? Ayaw mo ba nun? It's our secret. Tayo lang ang may alam." I held his hand while trying to convince him.

"Ano pa nga ba'ng magagawa ko? If that's what makes you happy." Tila napilitan na sabi nito sabay hila sakin palapit sa kandungan niya.

"From this day forward, I now pronounce you husband and wife." 

Looking at the dashing man in front of me, hindi pa rin ako makapaniwala na kinasal kaming dalawa. It was all so surreal. Hindi ba masyadong mabilis ang lahat?

Naputol ang pag-iisip ko ng hapitin niya ang katawan ko for a swift but sensual kiss. It was our first kiss as a legal couple. I chuckled at the thought.

"I love you, Lea." 

"I love you, too, baby." I smiled and hugged him tenderly.

"Congratulations, Mr.and Mrs. Reye. Best wishes and may you have sweet little kids soon." The mayor greeted us.

"Thank you, Mayor Williams. Thank you, too, for officiating our marriage today." Gok gave him a firm handshake.

Nandito kami sa garden ng isang private resort. Kaming dalawa lamang at ang mayor at ang kanyang secretary at counsel naman ang tumayong witnesses namin. Talagang wala kaming kinuhang witness na kilala namin. 

"Enjoy your honeymoon, then. Have a great night, Mr. and Mrs. Reye!"

Nagpaalam na ito kasama ng dalawang staff.

Hinatid namin sila ng tanaw hanggang sa makalabas ang sasakyan nito sa exclusive resort.

Naramdaman kong iginiya na ako ni Gok pabalik sa reception ng hotel. We reserved a table sa balcony ng restaurant ng hotel. From our spot ay natatanaw ang pamosong Hollywood sign sa kabilang dako. I could not help but feel giddy at my situation now. Parang kelan lang ay pinangarap kong magkaroon ng date with a very special someone sa lugar na ito. Hindi ko pinipili ang lugar na ito noon as a dating place. Marahil ay iniisip kong reserved lamang ito sa pinaka-espesyal na tao sa buhay ko. At sa pagkakatong ito ay si Gok na nga iyon.

"I really wanna spend more time with you here, Lea. But I hope you can go home with me pagkauwi ko?" He's now holding my hand with the two rings symbolizing our love.

Napatitig din ako doon.

"I'll try to come with you babe. But let me check my schedule sa susunod na linggo. You know, I just got here last week. Marami akong upcoming projects. I hope you understand." Masuyo kong sabi dito.

"Of course. I know how important this is for you. I will just stay with you here then."

"Ayos lang ba yun? You have businesses back in the Philippines, Gok. Ayaw ko namang mapabayaan mo yun dahil lang sa akin. I'm fine here. Don't worry about me." Agap ko dito.

"You are my wife now, Lea. Of course ikaw na ang priority ko ngayon. Besides, I can still work while I'm here."

My jaw slightly dropped at his declaration. Then I cleared my throat para itago ang kilig na nararamdaman.

Oo nga't mag-asawa na kami pero hindi ko pa rin maiwasan na kiligin.

"Ikaw ang bahala." Nanatili lamang akong nakangiti at nakamasid sa kanya.

Sakto namang naiserve na ang dinner kaya nabaling ang attention naming dalawa sa pagkain sa harap. We ordered salad, steak and a bottle of champagne. May binigay rin ang hotel na complimentary wedding cake at champagne. We decided na ihatid nalang sa suite namin ang mga ito after dinner.

May tumutugtog na banda sa loob ng restaurant pero dinig pa rin naman dito sa labas. We were both silent while we enjoyed the food. Maya't-maya ang sulyapan namin ni Gok.

"Do you like the food?" Tanong nito.

"I love it! Alam mo bang hindi pa ako kelan man nakapunta dito? Sa tagal ko dito sa LA, hindi ko pinupuntahan ang mga restaurants dito lalo na pag gabi. I felt like this place is very special. Have you been here before?"

"I've been here but doon kami ng mga kasama ko sa tabing dagat. Maganda din doon."

"Sinong mga kasama mo noon?" I tried not to sound like a jealous wife. Jeez.

"Associates. Mga kasama ko sa firm. We just hung out. Nagbabasakaling makita kita dito. I was following your social media back then pero parang wala nga akong nakitang picture mo dito." Mahabang paliwanag nito.

Tuluyan na nga akong napanganga sa sinabi nito.

"You were following me on social media? May pagka-stalker ka rin pala?" Di makapaniwalang sabi ko dito.

"I was just checking on you. I couldn't let you feel my presence though dahil baka i-block mo na ako."

"Talaga! Naku makita ko lang pangalan mo, iboblock ko kaagad!"

"Ganun ba kalaki ang galit mo sa akin noon?" Malungkot na tanong nito.

Inirapan ko na lamang ito.

"Okay na yun. It was part of growing up. Halika, picture tayo." Tumayo ako at lumipat ng upo malapit dito.

I took a selfie of us at nagtawag din siya ng waiter para may picture kami na hindi selfie.

I was smiling the whole time na tinititigan ang mga kuhang pictures sa phone ko. I saw him setting our photo as his phone's wallpaper.

Pumili na rin ako ng picture namin at ginawang wallpaper.

Wow! Finally, a picture with a man as wallpaper, huh?

"Can I have a private moment with my wife now?" He whispered as he pocketed his phone.

His arm is now snaked around my waste.

Napainom naman ako bigla ng champagne at unti-unting nilingon ito.

So we're finally starting our honeymoon, huh?

Di ko alam pero parang kinakabahan ako na ewan. Sa kabila ng pagiging liberated ko, di ko akalain na nakakatakot din pala ang moment na ito.

He chuckled.

"Relax. We'll just rest for tonight. I don't want to scare you, love."

I nodded as we both stood to leave the place. I smiled at him and convinced myself that I'm finally going to do it with Gok - my husband.

I Get What I WantWhere stories live. Discover now