Namasyal kami kinabukasan. Pumunta kami sa isang resort dito sa Calapan. Mabuti nalang at nagbaon ako ng bikini kaya naman hindi ko na kailangang bumili ng swim wear. I am wearing a pale yellow two-piece bikini na pinatungan ko ng yellow maxi dress. We were busy eyeing for some local souvenirs na ipapamigay ko rin sa mga pinsan at kaibigan ko sa LA. Bigla ko tuloy silang na-miss.
"Eto, Bes oh. Maganda tong bag na to. Bigay mo sa pinsan mong babae." Tenten is holding an eco bag with a coconut print in front.
Maganda nga kaya kinuha ko rin ito. Naghanap din ako ng iba pang mga souvenir items. Naglakad-lakad ako sa ibang stalls dito sa resort habang nakasunod pa rin si Tenten sa akin.
"Alam mo ba kung sino'ng may-ari ng resort na ito Bes?" Maya-maya ay tanong niya.
"Kanino ba?"
"Naku, classmate natin noon sa Hillside. Naalala mo yung maldita na anak ng mayor? Yung SC vice-president na si Nikki. Vice-mayor na rin yun ngayon dito." Paghahayag nito.
"Talaga? Bongga naman. Sayang, di naman natin kaibigan yun. Palibre sana tayo dito. "
"Nah.. Wag na wag kang magpapalibre doon noh. Salbahe yun. Tsaka, alam mo bah, may gusto yun kay Gok. Naalala mo pa ba ang O-Gok na yun, Bes?"
Malamang!
"Seriously, Bes? Sino ba ang makakalimot sa pangit na yun? Ang walang hiyang yun! So, mag-asawa na sila ngayon, ganun ba?" Kumpirma ko dito.
"Nukabah! Eh tigang ata ang Gok na yun eh. Walang nagugustuhang babae yun eh. Bading ata yun, Bes. Naalala mo, pinapatulan ka noon dati kaya malamang bading yun. Patago nga lang ang kahalayan nun." Litanya nito.
Hindi ko na sya sinagot dahil napagod na ako sa kakalibot. Umupo muna ako sa isang cottage at nagtanggal ng suot. Maliligo na ako.
"Tara, ligo na tayo. Asan na ba si kuya?" Yaya ko sa kanya at naglakad patungong dalampasigan.
"Teka lang, bes. Ang init-init pa oh. Ayokong maging negra pagkatapos noh. Ikaw nalang muna. Di ka naman takot umitim eh."
"Sige, lalangoy muna ako. Pakibantayan nalang tong gamit natin dito. Babalik din ako agad." Paalam ko sa kanya.
Lumangoy ako hanggang sa malalim na parte ng resort. Medyo malayo na rin ito kaya wala na masyadong naliligo sa banda rito.
Inienjoy ko ang malamig na tubig nang may isang jet ski akong narinig sa di-kalayuan. Napansin kong papunta ito sa gawi ko.
"Magandang araw, magandang binibini!" Sabi nito sa slang na paraan.
"Magandang araw din!"Bati ko dito.
"Why are you here alone? Would you mind a company?" Tanong ng foreigner. Tingin ko British ang isang to base sa accent niya. Ma-bigote ito, berde ang mga mata at kulay blond naman ang buhok pati ang mga balahibo sa dibdib at bigote nito. In short, G-W-A-P-O! Mali. Scratch that. He's one hell MACHO GWAPITO.
Hmm.. Not bad!
"No, I won't. And would you mind if I try that?" I asked pointing at his ride.
"Yeah, sure! Do you know how to maneuver this?" He asked.
"Well, I'm not a bad student." I smiled at him.
"Well, hop in. By the way, name's Gavin. You are?"
"Lea. Thanks!" Abot ko sa kamay nito.
Bumaba si Gavin sa jet ski at pinauna akong umakyat dito. Sumunod naman ito at pumuwesto sa likuran ko.
"Just put pressure on the throttle and you're good to go. And this one here is the brake." Instruction nito.
"Aye, aye, captain!" Sinimulan kong paandarin ito.
YOU ARE READING
I Get What I Want
Aktuelle LiteraturEach of us has our own desires- career, wealth, family..name it. But so does the heart. Will she ever get what it wants?