Kabanata 1

77 22 23
                                    

10 taon ang nakakaraan..

"Bes, ano ba! Bilisan mo nga! Baka maabutan tayo ni Sir Erwang dito. Lagot na naman tayo." Pangungulit ng bestfriend nyang si Tenten.

Christine ang totoong pangalan nito pero mas gusto ko syang tawaging Tenten. Ang sagwa naman kung Tintin diba. Edi parang ano yun! Alam mo nah.. Tsaka paborito ko ring character sa Naruto yung si Tenten, eh. Kaya hayaan nyo na.

"Teka lang naman, Bes. Hindi ko pa mahanap ang ID ko eh. Saan na ba yun? Dapat nandito lang yun eh!" Patuloy ako sa paghahanap ng aking ID na kinuha ng Student Council President naming si Gok. Oo, alam ko, medyo bitin ang pangalan niya. Este.. bitin nga. Bakit ba! Eh sa yun ang pinangalan ng nanay niya eh. Sana dinagdagan nalang ito ng "U" para Goku, diba?

So ayun na nga.. Kinuha ng walang hiyang Gok nayun ang ID ko dahil hindi daw ako naka-prescribed shoes. Grabe sya.. Eh buti nga nag-sapatos pa ako eh. Tsaka uso naman ang puting sneakers ngayon.

"Bes, naman! Hayan na si Gok, oh! Parating na sya! Ay ewan ko talaga sayo, Bes ha. Iiwan na talaga kita." Pananakot pa nito.

"Saglit lang naman, Bes! Eto na nga oh, hinahanap na. Tulungan mo nga kaya ako dito para mas madali." Pamimilit ko.

"Teka, baka naman nasa basurahan. Tingnan mo nga dyan baka naitapon niya."

"Grabe ka naman, Bes. Anong tingin mo sa ID ko, basura? Pero teka nga, titingnan ko dito." Lumapit ako sa basurahan.

Laking gulat ko ng makita nga ang ID ko doon sa basurahan mismo!

"Oh, ano na? Andyan ba? Tara na, Bes!"

Wala na akong nagawa dahil hinila na ako ni Tenten palabas ng SC office. Tumakbo kami papunta sa Malunggay Garden.

"Ano? Nakuha mo ba?" Usisa nito.

"Oo. Andun nga sa basurahan. Napakawalang hiya talaga ng Gok na yun! O-Gok sya!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Di nga? Andun talaga sa basurahan? Sobra naman syang bad bes. Akala ko tama ang ginawa nating pagboto sa kanya noon. Naku! Katulad din pala sya ng mga opisyal ng Pilipinas. Nakakainis!"

Nanggagalaiti na rin si Tenten. "Halika na nga. Mabuti pa kumain nalang tayo ng proben. Tara! Gutom na ako."

Kumakain kami ng proben ng dumating ang kina-iinisan naming tao.

"Lea Tumibay, ang tibay din naman ng loob mong kuhanin ang ID mo ng walang pahintulot sa akin. Alam mo bang trespassing ang ginawa mo?" Bruskong sabi nito.

"Haha! Trespassing? Nagpapatawa ka ba? Paano magiging trespassing yun eh school property naman yun. Duh?!" Galit na sabi ni Tenten.

"Sa susunod na hindi ka magsusuot ng tamang sapatos, hindi lang ID mo ang kukunin ko sayo. Alam kong mahal ang sapatos na yan pero hindi ibig sabihin na pwede mo na itong isuot kung kailan mo gusto. "Giit pa nito.

"Hoy, O-Gok! Akala mo sa lahat ng pagkakataon ay tama ka? Tama ba yung ibasura mo ang ID ko ha? Alam mo, konti nalang talaga isusumbong na kita sa principal!" Galit na sabi ko.

"Edi magsumbong ka. Tama lang yung ginawa ko sa ID mo. Ang pangit-pangit mo. Hindi ka naman maganda. Mayaman ka lang, Ms. Tumibay." Sumbat pa nito.

"Ang epal-epal mo! Nagkamali kami sa pagpili sayo!" Resbak ko dito.

Napatawa ng malakas si Gok.

"Bakit? Sinabi ko bang iboto nyo ako?" Pang-iinis pa nito.

"Ang baduy-baduy mo! Wala kang taste!" Ganti ko sa kanya.

"Ang pangit ng katawan mo. Para kang kawayan sa sobrang payat mo!" Gumanti ulit ito.

"Ang pangit-pangit ng pangalan mo!" Sigaw ko.

Dumilim ang mukha ni Gok at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Umalis itong bigla at iniwan kami doon.

"Grabe! Ang galing mo dun, Bes. Haha! Napaalis mo ang O-Gok na yun. Buti nga sa kanya." Masayang sabi ni Tenten.

"Tara na, Bes. Busog na ako." Anyaya ko sa kanya.

Dumiretso na kami sa gate kung saan naghihintay ang driver namin.

"Halika na, Bes. Hatid ka na namin." Imbita ko kay Tenten.

"Naku, salamat ha. Wala kasi ang driver namin ngayon eh."

Umuwi na rin kami. Pagdating sa bahay ay nakita ko si kuya na nag-eensayo ng arnis.

"Wow, kuya! May competition ka ulit?" Tanong ko.

"Oo, pupunta kami ng Baguio next week. Ikaw, wala ka bang ensayo ngayon?"

"Eh, wala ako sa mood eh. HB ako dun sa school. Teka, andito na ba sila Mommy?"

"Wala pa. Pasok ka na dun. Naghanda si Manang Rose ng pancake. Shoo!" Pagtataboy nito sa akin.

Pumasok ako ng bahay at naabutan ko ang aming mayordoma na naghahanda ng meryenda.

"Wow! Ang sarap naman nyan, Manang. Pahingi po ako."

"Oo naman, heto kumain ka na." Pagsisilbi pa nito.

"Naku, kakain po talaga ako ng marami. Paborito ko po ito eh." Masayang sabi ko sabay hila ng upuan.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Gok kanina.

"Manang, payat po ba ako masyado?" Usisa ko dito.

"Naku, Hija.. Normal lang yan sa mga teenager na katulad mo. Masyado ka kasing aktibo kaya hindi ka tumataba. Bakit, gusto mo bang tumaba?" tanong nito.

"Naku! Ayaw ko naman po nun. May nagsabi kasi na para daw pong kawayan ang katawan ko. Para na po ba akong naglalakad na kawayan, Manang?"

"Ha? Naku, hindi ah. OA naman masyado yung nagsabi nun sayo. Sakto lang naman ang katawan mo. Tsaka, diba sabi ng School Nurse nyo, okay naman ang timbang mo sa height mo?"

"Oo nga, no? Walang hiya talaga ang O-Gok na yun!" Gigil kong sabi sabay tuhog sa pancake.

Nanggigigil ako habang kumakain. Humanda ang lalaking yun!

I Get What I WantWhere stories live. Discover now