Kabanata 13

20 7 1
                                    

Sabay kaming tatlong bumalik sa bahay ni Gok pagkatapos ng breakfast. 

"Ano'ng oras ka uuwi, Ate Jess?" Tanong ko dito nang marating ang bahay ni Gok.

"Ngayon na eh. Kukunin ko lang ang mga gamit ko dito. Sama ka? Hehe." Tawang sabi nito.

"Naku! Kung pwede lang talaga. Kaso, tatapusin ko pa tong project ko dito eh."

"Teka, ano bang gagawin mo ngayon?" Tanong nito.

"Titingnan ko kung tapos na ba sila sa flooring. Magpipintura siguro ako sa labas at ipapa-deliver ko na rin ngayon ang mga furnitures kaya mag-aayos na rin ako sa loob." Paliwanag ko dito.

"Great! Dayoff naman ni Gok ngayon kaya I'm sure he's more than glad to lend you a hand. Di ba, Gok?" Bumaling ito kay Gok na agad nangunot ang noo pagkarinig sa sinabi ng kapatid.

"No, marami akong gagawin ngayon." Matigas na tanggi nito at pumasok na sa bahay.

Naiwan kami ni Ate Jess sa labas. Ngumiti ako at niyakap ito.

"I will miss you, Ate. Sana magkita tayo ulit bago ako bumalik sa LA."

"I will miss you, too. Don't worry. We'll find ways." Tumawa ito at tinapik ako. "Pasensya ka na kay Gok ha. May dalaw na naman ata yun ngayon. Di na kita didistorbohin sa place mo baka kasi umiyak ka. Hehe." Biro nito.

"Naku, okay lang. Mas better nga yun. I don't want to see people leave." I smiled at kumaway na sa kanya. "See you, Ate! Ingat sa byahe!" Paalam ko.

"Bye! Keep in touch!" Pumasok na rin ito sa kabahayan.

Bumalik na ako sa beach house ni Kuya. Nasiyahan ako dahil tapos na sila sa flooring kaya naman magpipintura ako ngayon sa loob at labas ng bahay. 

"Magandang umaga po, Engineer! Tapos na po pala kayo sa sahig. Ano na po ang gagawin nyo ngayon?" Masayang bati ko sa kanila.

"Magandang umaga din, Architect! Yes maam, tinapos po namin kahapon ang flooring. Ngayon po ay gagawin namin ang terrace at ang dirty kitchen naman at yung tangke sa likod ang tatrabahuin namin." Paliwanang nito.

"Sige po. Maari ba akong magpatulong sa isa sa kanila para po magpintura sa loob at labas ngayon?" Hinging pabor ko dito.

"Sige po. Tatawagin ko lang si Pidot para matulungan kayo sa pagpipinta. Pero kaya naman namin na yan Architect. Kami na po ang bahala dyan." Pangungumbinsi nito.

"Naku, okay lang. Wala din naman akong gagawin today kaya tutulong nalang ako dito." 

"Sige po. Kayo ang bahala. Imi-mix lang po namin yung pintura at varnish para diretso na po kayo mamaya. Ihahanda ko na rin po ang iba pang gagamitin."

"Sige Engineer. Salamat po!" 

Maya-maya pa ay nagsimula na silang mag-mix ng pintura at varnish. Puti, chocolate brown at varnish ang combination ng pintura sa loob at labas ng bahay. Varnish lamang ang ilalagay doon sa parte na amakan ang dingding. Gawa sa concrete, kahoy at amakan itong bahay  at tiles naman ang flooring nito. Modern bahay kubo kung titingnan ang disenyo nito. 

"Okay na po ito Engineer. Si Pidot na po ang bahala sa matataas na pipinturahan. Itong varnish nalang po muna ang sa inyo." Binigay nito ang plastic container na may laman na varnish mixture.

"Sige po. Salamat po dito." 

Inuna kong pinturahan ang loob dahil mas matagal itong matuyo. Ginaganahan akong magpintura dahil excited na akong ayusan ito lalo na ngayong tapos na sila dito sa loob. Nagmumukha na talaga itong totoong bahay. Hehe. Bukas siguro ay ipapadeliver ko na ang mga gamit dito para makapag-arrange na ako.

I Get What I WantWhere stories live. Discover now