Maaga pa'y pumunta na ako ng market para mamili ng mga seedlings at vegetable seeds,mga bulaklak para magkabuhay naman ang paligid ng beach house at bumili na rin ako ng pagkain para sa aking mga trabahador.
"Engineer, kain po muna kayo. Bumili po ako ng snacks at pati na rin po lunch natin mamaya." Yaya ko sa kanila.
Kasalukuyan na silang nag-kakabit ng wooden flooring kaya matatapos na siguro ang lahat mamayang hapon.
"Naku, salamat po Architect." Tinanggap nito ang mga pinamili kong pagkain.
"Sige po, doon muna ako sa likod. Itatanim ko lang tong mga gulay at bulaklak."
"Tulungan ka na po namin, Architect." Alok nito ng tulong.
"Wag na po. Kaya ko na to. Sige po, maiwan ko na kayo dito." Paalam ko sa kanila.
Nilatag ko ang mga pinamiling vegetable seeds. Kumpleto ang mga gulay na binili ko. Inarrange ko ito according sa bahay kubo. Hihi. Naalala ko tuloy ang gardening class namin dati sa Hillside. Napatingin ako sa mga kamay ko. Wala na ang mga kalyo ko noon. Pero di bale ng magkakalyo ulit. Masaya naman ang magtanim.
Mabuti nalang at hindi masyadong mainit ngayon kaya hindi masyadong masakit ang sinag ng araw. Inilagay ko muna ang mga buto sa seed bed para ililipat ko na lang sila pag tumubo na. Patapos na ako ng maalala kong di nga pala ako nakabili ng sprinkler. Napatingin ako sa aking kapitbahay. Manghihiram nalang ulit ako sa kanya.
Naglakad ako papunta sa bahay nito.
"Tao po! Gok? May tao ba dito?"
Walang sumagot kaya pumunta ako sa likod.
"Tao po! May tao po ba dito?"
May dumungaw na babae mula sa bintana.
"Magandang araw, Miss. May kailangan ka ba?" Tanong ng nasa early 30s na babae.
"Magandang umaga din po. Andito po ba si Gok?"
"Ah, si Gok ba? Naku andoon sa resort. May trabaho kasi yun ngayon. Kung gusto mo, puntahan mo na lang sya doon." Suhestyon nito.
"Ganoon po ba? Manghihiram lang sana ako ng sprinkler, Ate. Nakalimutan ko kasing bumili kanina. Nagtatanim kasi ako sa kabila ng mga gulay. Didiligan ko sana." Explain ko dito.
"Ah, sprinkler lang pala. Teka sandali, kukunin ko lang. Halika, pasok ka muna." Yaya nito sabay bukas ng front door.
Pumasok ako kasi curious ako sa loob ng bahay nito.
"Salamat po, Ate. Ako nga pala si Lea. Classmate ko po dati si Gok sa Hillside. Nagpapatayo kasi ako ng bahay dyan sa kabila."
"Mabuti naman at may kapitbahay na si Gok, Lea. Syanga pala, nagluto ako ng saging. Gusto mo ba?" Alok nito.
"Naku, nakakahiya naman po." Hiyang sabi ko.
"Ano ka ba! Hindi pwede dito ang hiya-hiya. Syanga pala, ako ang Ate ni Gok. Binibisita ko sya dito minsan kasi hindi yun umuuwi sa amin eh. Nag-aalala ang parents namin kasi matagal na syang hindi umuuwi."
"Doon pa rin ho kayo nakatira sa Tagaytay?" Tanong ko dito.
"Oo. Simula nang magtrabaho si Gok dito ay madalang nalang syang umuwi. Siguro, nawiwili na dito sa Calapan." Umiling ito.
"Naku Ate, ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Ah, sorry nakalimutan kong magpakilala. Call me Ate Jessy, Lea." Ngiti nitong sabi.
"Ah, Ate Jessy. Pwede ko na ho bang hiramin ang sprinkler? Didiligan ko lang ho saglit ang mga pananim ko. Babalik din ho ako kaagad."
"Ay oo nga pala. Teka lang ha." Paalam nito at pumasok sa isang silid.
YOU ARE READING
I Get What I Want
General FictionEach of us has our own desires- career, wealth, family..name it. But so does the heart. Will she ever get what it wants?