Dumating ako ng alas-singko ng hapon sa Calapan. I checked-in sa kalapit na resort and started to unpack my things. Balak ko pa naman sanang maghanap ng mga suppliers ngayon para makapagsimula na kami agad bukas. I will contact Kuya nalang para sya na ang magpadeliver ng mga construction materials.
I decided to have dinner sa mga seaside restaurants na nakita ko kanina. Dito ako nagcheck-in sa hotel na pinagkitaan namin ni Gavin noon. Na-miss ko tuloy ito bigla. Hindi nga pala ako nakapag-paalam ng maayos kanina dahil tulog pa ito nang umalis ako.
I changed into an aqua green maxi dress and slippers at bumaba na.
Maraming dayuhan ang andito sa resort. I decided to have kinilaw for dinner kaya naghanap ako ng may nagsi-serve ng kinilaw. Iniwasan ko nang mapadako doon sa restaurant na pinanggalingan namin dati dahil ayokong mabwesit na naman sa Gok na yun.
Habang naghihintay ng aking pagkain ay nakikinig ako sa magandang tugtog ng banda. I scanned the whole place and saw na marami-raming lovers na naman ang andito. Why I feel that strange longing! I looked at the other direction and saw fire dancers na nagpeperform by the beach. I decided to watch it later.
I ate my dinner in peace. I didn't realize na hindi ko pa pala nachi-check ang cellphone ko. Later na lang. Their kinilaw was really good kaya naman tutok ako sa pagkain when one waiter approached me.
"Good evening po, Ma'am.. May nagpapabigay po." Sabay abot nito sa isang bouquet of flowers.
Nagulat ako pero tinanggap na rin ito.
"Thank you. Kanino daw galing?" I asked the waiter.
"Sorry, Ma'am.. Napag-utosan lang po ako eh. Pero may card po na kasama yan, Ma'am." He said and then excused himself.
I immediately searched for the card and opened it.
Welcome back to Calapan, My Queen!
See you soonest. I miss you.
Gavin
Hindi ko mapigilang mapangiti sa nabasa. Paano nya nalaman na dito ako nagcheck-in? I looked around dahil baka andito lang sya. But he's not here. I put the flowers aside and continued eating. I will just call him later.
After dinner ay nanood muna ako ng fire dance. Ang saya lang.. Lahat kami dito ay nakikisayaw na rin. Parang gusto ko tuloy magpaturo paano sumayaw na may apoy. Nagtagal ako doon hanggang hatinggabi dahil may sumunod pa na disco pagkatapos ng fire dance performance. Kaya naman heto ako't medyo lasing na naman.
Pagkapasok ko sa room ay agad na akong nakatulog.
Nagising ako na masakit ang ulo kinabukasan. Pero dahil wala akong panahon na tumunganga lamang dito ay bumangon na ako at mabilis na hinanap ang aking cellphone. It's still 7 AM kaya I'm sure wala pa si Kuya sa office. Nakita kong ang dami na palang missed calls dito galing kay Gavin at kay Kuya. Mayroon ding galing kay Tenten. Inuna ko munang tawagan si Kuya.
"Kuya, okay na ba yung mga tao mo? I will be at the site by 8 kaya dapat andoon na din sila. And by the way, ikaw na lang bahalang magpadeliver ng materials doon sa site since kabisado mo naman ang mga suppliers dito. I need enough men para madaling matapos, Kuya. Okay?" Mahaba kong sabi.
"Don't worry, sister. The deliveries are on their way and my men will be there on time. And may napili na ako sa mga designs mo. I-check mo na lang ang e-mail mo." Bilin nito.
"Thanks, Kuya. I will just update you. Bye!" Paalam ko dito.
After the call ay naligo na ako at bumaba ng hotel. I am wearing a black tube top na pinatungan ko ng sleeveless denim vest at itim din na maong shorts para kumportable akong gumalaw-galaw. I'm also wearing a white canvass shoes.
YOU ARE READING
I Get What I Want
Художественная прозаEach of us has our own desires- career, wealth, family..name it. But so does the heart. Will she ever get what it wants?