"Flight attendants, prepare for landing please."
"Cabin crew, please take your seats for landing."Nagising ako sa tinig ng piloto hudyat na andito na ako sa Manila. It's now 1 PM here in the Philippines. I looked at the beautiful scenery below. Well, Manila has changed a lot. Not bad for this old city. Maya-maya pa'y inanunsyo ulit ng piloto ang matagumpay na pag-landing nito. It was a long flight so I feel groggy. I just tied my long hair in a messy bun and checked myself in my compact mirror. I applied tint to put color on my cheeks and a little dab on my lips, too. After a while ay nagsimula nang magsibabaan ang mga pasahero.
I didn't tell anyone na ngayon ako uuwi kaya naman hindi na ako nag-expect na may susundo sa akin ngayon. I took a Grab car para makauwi sa bahay namin sa Forbes. My parents have a house in Tagaytay kaya baka walang ibang tao sa bahay namin dito sa Manila.
Malapit na ako sa bahay nang tumawag si kuya.
"Hello?"
"Lea? Where are you? Andito ka na ba sa Pilipinas?" Agad na tanong nito sa akin.
"Uhh.. yes? Papano mo nalaman na ngayon ang uwi ko?"
"Tinawagan ako ni Lolo. He was basically checking on you since hindi ka ata nagparamdam kung nakauwi ka na."
Nasapo ko ang aking noo. Nakalimutan ko palang mag-update kina Lolo.
"Okay, I'm sorry. I forgot to call them. Tsaka kadarating ko lang Kuya. I'm still jet lagged. Andito na ako sa Forbes. Tutulog muna ako. Don't tell mom and dad yet. I'll surprise them later." Suyo ko dito.
"Okay. They're in Tagaytay now. Gusto mo bang umuwi mamaya? I can drive you there."
"Maybe bukas na lang kuya. I still need to unpack my things. I'll hang up now kuya. I just arrived. See you soon. Luvyah!" Paalam ko dito.
"Okay, ingat."
I told the driver to stop at the huge black gate. I gave him a huge tip before I went out. I started pressing the door bell at ilang sandali pa'y lumabas ang isang kasambahay.
"Good morning po, Ma'am! Naku, kayo po ba si Ma'am Lea?" Tanong ng isang dalagitang kasambahay.
"Ako nga. Pakipasok ng mga gamit ko please." Utos ko dito.
"Naku! Akin na yan maam. Ako na po ang magdadala. Pasensya na po talaga Ma'am! Ngayon lang kasi tumawag si Sir Andrew na uuwi daw po kayo. At ang ganda-ganda nyo po kasi sa personal Maam! Sa picture ka lang namin kasi nakikita." Tuwang sabi nito.
Ngumiti lamang ako sa kanya at pumasok na sa kabahayan. Nilibot ko ang aking paningin sa aming living room at napansin kong may ilang nagbago. May mga painting na bago sa aking paningin. At ang grand piano ay wala na rin. Naalala ko pa na madalas akong tumutugtug noon dito.
"Magandang hapon, Lea. Salamat naman at umuwi ka na ring bata ka! Naku, lalo ka namang gumaganda! At ang seksi pa!" Bati sa akin ni Ate Janice.
Si Ate Janice ang pinakamatagal na katiwala namin dito sa Forbes mansion.
"Ate Jan! Kumusta na po? Na-miss ko po kayo at ang mga luto niyo! Pagluto nyo ako please.." Lambing ko dito.
"Naku, niloloko mo pa ako. Ang sabihin mo, mga luto ko lang ang miss mo. Sus, oo na. Ano bang gusto mong kainin ngayon?" Tanong nito sa akin.
Napaisip ako. Parang gusto ko ng gulay ngayon.
"Gusto ko po nung pakbet nyo Ate Jan na may bagoong!" Excited kong sabi.
"Okay, sige. Ipagluluto kita ng pakbet na may bagoong. Lulutuin ko na rin ang ibang paborito mo. Magpahinga ka na muna doon sa kwarto mo. Cora, pakihatid nga nitong mga gamit ni Lea sa kwarto niya." Utos nito sa babaeng nagbukas ng gate kanina.
YOU ARE READING
I Get What I Want
General FictionEach of us has our own desires- career, wealth, family..name it. But so does the heart. Will she ever get what it wants?