Chapter VI

166 5 2
                                    

Nakatingin lang siya sa mga bulaklak. She knew nakatitig ito sa kanya.

“Bakit ikaw walang date?” manghang tanong naman nito sa kaniya.

“Uhm, I just don’t. Usually naman kasi hindi ko type ang nag-aalok. Ayoko magsayang kami pareho ng oras,” she said at tinanggal ang heels niya. Umupo rin ito malapit sa kaniya. Mukhang game makipagkwentuhan.

“Ah. Eh paano kung ako ang magyaya? Tatanggihan mo din ba ako?” nakangiting tanong nito sa kaniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Tiningnan niya ito ng masama. Mukhang naintndihan naman nito “Joke lang po. Masyado kang highblood,” Hinila ito ang paa niya. Napapitlag naman siya. Sinubukan niyang hilahin ang paa niya pero ayaw nitong bitiwan. “Don’t worry, ginagawa ko lagi ito kay mommy.” He started to massage her ankle and foot. “Minsan naiisip ko even though you , women, look beautiful and sexy with your high heeled shoes, you suffer naman, but then hindi kayo nagrereklamo. But I know it hurts.” Patuloy pa nito. His massage gave her comfort.

“Tiis ganda ang tawag don,” sagot naman niya. She closed her eyes. She started to like this.. to like him. No!

“Hoy ang sweet nyo,” sigaw ni Sam habang tawa ng tawa. Binato pa siya nito ng unan. Dahilan para mapamulat siya.

“Ok na ako,” binawi niya ang paa niya. Nailang siya bigla sa sitwasyon nila.

“You two, behave kayo at aalis ako. Kristoff pakibantayang mabuti ang best friend ko ha? NBSB yan,” kantiyaw pa nito at tuluyan ng lumabas. Papasok na sana siya ng kwarto ng hawakan siya nito.

“Aiah please stay here with me. Nakakalungkot mag-isa. Baka hindi ka na lumabas ng kwarto mo kawawa naman ako,” he said as his eyes were pleading. Parang may kumurot naman sa puso niya.

“Magpapalit lang ako, pero lalabas ako. Promise.”

“Hintayin kita sa kitchen. Tulungan mo po ako magluto, “ he again smiled at her.

“Sure,” yun lang at pumasok na siya ng kwarto para magbihis.

He was chopping the ingredients ng lumabas siya sa kwarto. She wore her loose shirt and her shorts. Wala siyang matinong pambahay. Napatitig naman ito sa kaniya ng lumapit siya dito.

“I like more the plain you. You’re more beautiful. Pero pinakamaganda ka pagbagong gising,” komento nito. Ngiting ngiti pa rin sa kaniya. As usual, hindi na naman niya ito matitigan. She knows her eyes would betray her pag tiningnan niya ito.

“Bolero ka pala ano?”

“Nah. I must not tell lies,”

“Sinong nagsabi?”

“My mom”

“You’re so fond of your mom, nakakainggit ka. Ako kasi walang mommy,” she said.

“I’m sorry,” mukhang naalangann ito sa sinabi niya. “But yeah. My mom is simply the best. Pagnakita mo siya magugustuhan mo siya at sigurado ako magugustuhan ka din nun,” he added.

“Ok lang yun, hindi ko na naman nakilala yung si mommmy. Sa stories lang ni daddy. Paano mo naman nasabing magugustuhan ako ng mommy mo?” tanong niya dito. Nakamasid lang siya habang pinapanood itong magluto.

“Mahilig yun sa masunuring anak,” tudyo nito sa kaniya.

Past eight na ng matapos silang magluto. Siya na ang nag-ayos ng lamesa. Para na rin pala itong date, she thought. Kung anu-anong napagkwentuhan nila habang kumakain. She discovered he’s nice to talk to. Marami itong baong kwento. At marami rin itong baong kalokohan. Hindi siya nito pinayagang magligpit ng kanilang pinagkainan. Pinanood na lang siya nito ng TV sa sala. Ng matapos itong magligpit tumabi na rin ito sa kaniya sa sofa.

“Bakit wala ka pang boyfriend?” tanong nito habang nanonood sila ng TV.

“Personal choice,”

“Bakit nga?” kulit pa rin nito.

“I’m waiting for someone,” she admitted. Para naman itong nabato-balani sa sinabi niya.

“How long?” biglang bawing tanong nito.

“Hindi pa naman ako napapagod maghintay,” Kitang kita niya ang lungkot sa mukha nito.

“Paano kung may ibang dumating sa buhay mo?”

“Hindi ko alam, basta umaasa kasi ako,”

“Ang swerte naman niya,” She heard him sighed.

“Ikaw, wala ka bang girlfriend?” she asked.

“Kadadating ko lang e. Pero sana nga soon. Gusto ko ng magkagirlfriend,”

“Ibig sabihin sa US wala kang nagging gf?”

“Uhm, si mommy lang lagi ang kadate ko eh. Tsaka sabi niya gusto daw niya pinay.”

“Kakatuwa talaga ang mommy mo. Si Sam type mo?” hindi niya alam kung paano niya ito nasabi. Ako type mo? Aiah, pagtataksil yan..

“Para kang ewan. Nagpapatawa ka no?” natatawang tanong nito sa kaniya.

“Maganda naman ang bestfriend ko ah,” pagtatanggol niya.

“Ikaw rin naman maganda,” he again stared at her intently. She tried to meet his gaze and she swears, nakita niya ang sincerity nito. Inayos pa nito ang buhok niya at inilagay sa likod ng kaniyang tainga. Para siyang namamagnet. At ang puso niya? Nagwoworld war III.

“Bolero,” she managed to say. Umusod siya ng konti kasi baka marinig nito ang tambol ng puso niya. Ngingiti-ngiti naman itong bumalik ang tingin sa TV.

Ideal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon