"So, mahal mo ba ako?"
"Gusto mo ba talagang mapilitan akong sagutin yan?"
"E di wag kung ayaw mo!," tumayo na ito at tinalikuran na siya. May pagkapikon talaga ito.
"Kung hindi mo man nararamdaman, mahal na mahal kita Kristoff. I love you as Kristoff, not as Arhel whom I used to dream of. Kung papipiliin mo man ako sung sino sa inyo ng sarili mo ang pipiliin ko, ikaw pa rin. Kahit si Arhel pa talaga ang naging donor at hero ko. Alam ko na 'yon bago ko pa man malaman ang totoo. Noong araw na iniwan kita to meet Arhel, tinanggal ko na sa isip kong para sa kaniya ako. Dahil ang totoo, mahal na mahal kita at hindi kita kayang ipagpalit sa kahit sinong superhero pa yan" with her words, mabilis nitong tinawid ang pagitan nila and hugged her tightly. Kitang kita niya rito ang kaligayahan.
"And I love you too honey," he again cupped her face and gave her an earth-shattering kiss. "We're alone here, at natetempt akong ipakita pa sana sa'yo how I really love you. Pero dahil takot ako sa daddy mo, let us not go upstairs. Tabi na lang tayo ulit matulog sa sofa," inayos nito ang sofa at got some pillows and blanket upstairs.
"Huwag mo ang rereypin ha?" he teased her.
"Ang kapal mo Kristoff!"
"Pero kung gusto mo pede naman ako na lang ang mangrape," tatawa tawa pa rin ito
"Umayos ka at baka kung anong magawa sa'yo ni daddy,"
"Tama, sabi ko nga matutulog na ako eh. Halika na," Napangiti naman siya and joined him in the sofa. Umunan siya sa mga braso nito.
"Aiah,"
"Oh,"
"When I was still studying one of my teachers told me that we should wear the best protection in making love," nakangiti ito sa kaniya kaya siniko niya ito at tinaasan ng kilay.
"Hoy Krisostomo! Wag na wag mo akong maakit!" tumawa naman ito sa sinabi niya.
"You know what's the best protection?" tudyo pa nito.
"Tigil tigilan mo na ako at malapit na akong mapikon," hindi niya nagugustuhan ang pupuntahan ng usapan.
"According to my teacher, which I truly agree, the best protection is—"
"Krisostomo!" she interrupted him. Tinakpan pa niya ang tainga para huwag ng marinig ang pang-aasar sa kaniya ni Kristoff.
"Teka lang makinig ka at wholesome 'to. The best protection is the wedding ring." Napahaarap siya rito pagkarinig sa huling sinabi nito. Pagkaluwang ng pagkakangiti ito sa kaniya.
"Medyo OA ka ano? Pero dahil wala akong wedding ring na dala, safe na safe ka sa akin," her heart melted. She hugged him tight and he did the same. He again cupped her face. He looked at her intently as if memorizing every detail of her face.
"Pwede bang—pwede bang pakasalan mo ako? Ipinapangako ko ako na ang magiging superhero ng buhay mo," he said seriously.
"Wala naman ata akong ibang choice,"
"Eh," lumabi ito na ikinatawa niya.
She pressed a heart-stopping kiss on his lips, telling him the answer to his question. Pareho silang natulog na may ngiti sa mga labi.
A/N
Epilogue na lang po ang utang ko. Hope you enjoy this story!
~milly
BINABASA MO ANG
Ideal Love
General FictionAccording to Greek mythology, men were originally created with two heads, four arms and four legs. Fearing their powers, Zeus split them into halves, condemning them to search for their other halves forever. Have you found yours? Kung kagaya kitang...