Chapter XIV (Part Two)

96 3 2
                                    

Maya-maya pa’y they heard a knock. Iniluwa ng pintuan nila si Kristoff.

“Hijo, what happened? What’s these pretentions all about?” bungad agad ni Tita Sheryl sa anak.

“Mom I didn’t pretend. Lahat ng ipinakita at ipinaramdam ko kay Aiah ay totoo,” mabilis itong nakalapit sa kaniya. “Aiah please allow me to explain things,” pagsusumamo nito.

“Sumama ka sakin, please mag-usap tayo,”

“I won’t ever allow you again for more lies and your make believe stories and pretentions!” she shouted. “Hindi mo na mabibilog ang ulo ko Kristoff,” she looked at him with disgust.

“Alam mong hindi totoo ‘yan. All of the things that I showed, said and did are all true. Even my feelings for you, ang pagkakamali ko lang hindi ko sa’yo sinabi ang totoo. And I intend to tell you everything tonight, pero bigla rin pala ang dinner ninyo,”

“Exactly, you didn’t tell me the truth and how could you expect that I should believe in all the things that happen?”

“Just give me a chance to explain everything at bahala ka na kung maniniwala ka sakin o hindi,” he begged.

“Umalis ka na muna Kristoff, ayoko munang makita ka. Tito, tita pasensiya na po kayo, magpapahinga na po ako.” She kissed her dad and headed upstairs. Parang nabato balani ang mga ito sa kinatatayuan.

Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kama pagpasok sa silid. She started to cry again. She relly felt cheated. Sa tagal ng pagsasama nila ni Kristoff madalas pa rin siyang makonsensiya dahil she was still waiting for Arhel and fulfil her promise that she’ll wait. Halos madurog rin ang puso niya pag naiisip niyang hindi si Kristoff ang para sa kaniya because she had destined herself to someone a long long time ago only to find out na si Arhel pala at Kristoff ay iisa. Kung nagpakilala na ito agad sa kaniya na ito si Arhel, hindi na sila aabot pa sa ganito. Umpisa pa lang sana ay masaya na sila. Pero will they really be that happy? Kung hindi ba nagpanggap si Arhel na maging Kristoff ay mararanasan pa rin niya ang mga sweet gestures ni Kristoff that made her fall in love with him deeply? A part of her wanted to go downstairs, hug Kristoff and listen to his explanations, but a big part of her made her immobile in her position. She was fooled and cheated. Iyon pa rin ang paulit ulit na tumatabo sa kaniyang isip. Nakatulugan na niya ang sama ng loob at pag-iyak. When she woke up in the mornig, her eyes were swollen. Narinig niya ang mahinang katok ng daddy niya.

“Aiah,”

“Pasok daddy,” may bitbit itong tray ng pagkain. Lumapit ito sa kaniya and kissed her.

“Good morning sweetie, galit ka pa ba kay daddy?” umiling siya at umayos ng pagkakaupo para kumain.

“Morning dad, alam mo naman na tayo na lang dalawa sa mundo, kaya ko pa ba magalit sa’yo?” she forced a smile though her heart was bleeding.

“Thank you Anaiah, I hope you know that I won’t ever do things that will hurt you, kung bakit ko man iyon nagawa maiintindihan mo ring lubos when you and Arhel talk,”

“Hindi po talaga ako galit dad, nasaktan po ako nung una kasi I felt cheated pero hindi na po talaga ako galit,” she hugged him. “Tsaka paano pa ba ako magagalit nito, may breakfast in bed pa ako. Thanks dad, for giving me all of your time and even sacrificing your happiness,” nakayakap pa rin siya rito.

“Ano bang pinagsasabi mong bata ka?”

“Hindi ka na kasi daddy nag-asawa, ang gwapo gwapo mo naman. Don’ t tell me walang attracted sa’yo,”

“Napakaloko mong bata ka, hindi sacrifice ‘yon anak. Choice ko iyon. Pero dahil ok naman pala sa’yo na mag-asawa ako eh sisimulan ko ng maghanap mamaya,”

“Pero daddy dapat mabait ha? At ‘yong mahal ka, yung hindi ka lolokohin—“ naumid siya sa huling salitang sinabi niya. May namuo na namang kristal sa gilid ng mga mata niya.

“Ssshh, anak sana wag mong isarado ang isip mo dahil sa minsang pagkakamali. At may dahilan ang pagkakamali na ‘yon. Ayoko lang ako ang magpaliwanag, kasi anak hindi naman ako papayag na magsinungalaning sa’yo ng walang mabigat na dahilan. At pagnalaman mo dahilan na ‘yon malalaman mo ang tunay na intensiyon sa’yo ni Arhel.”

“Hindi ko pa kaya dad,” parang kinurot ang puso niya sa sinabi ng daddy niya.

“Hindi naman kita pinipilit, ang ayoko lang isarado mo na ang puso mo. Kumain ka na,”

“Thank you daddy,”

“Pinapunta ko nga pala dito si Sam para may kasama ka, sinabi ko na rin sa kaniya ang nangyari, nasa byahe na siya. Pasensiya ka na anak at may malaki kasi kaming order ngayon, kaialngan kong pumunta sa Laurel,”

“Ok lang daddy, ingat ka po,”

“Huwag kang magkukulong dito at baka maloka ka, lumabas kayo ni Sam kung saan niyo gusto,” hinalikan siya nito at tuluyan ng lumabas ng kaniyng silid. Thank you God I have a very loving father..

Ideal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon