“You’re testing my patience right? If I could wait for you given better chances of falling for someone?” kinakausap niya na naman ang larawan ng kaniyang knight in shining armor.
Natatakot siya sa nararamdaman niya. Yeah, she’s happy being with Kristoff and being the center of his affections. Wala naman itong sinasabi regarding how he feels towards her, she’ll be stupid if she’ll take everything as friendly gestures. It’s written all over his face and his actions definitely say what he feels inside. At sino ba naman siyang hindi tatablan kung tingin pa lang nito ay nababato balani na siya. Napakadaya mo talaga Arhel. Alam ko na to, dadating ka pag-inlove na ako sa kaniya ng tuluyan. Tapos you’ll make me choose, right? she thought. Parang gusto niyang mapaiyak sa inis sa sarili. Nagiba ni Kris and pader na ginawa niya sa pagitan nila. Nakapasok ito sa buhay niya ng walang kahirap hirap. And who would she blame? Chances? Herself or her heart?
Kailangang mailayo niya ang sarili kay Kris, without hurting him of course. Napakabuti nito sa kanila ni Sam at hindi niya basta bastang pwedeng palayasin ito sa kanila. She needs to do something to avoid him. Hindi niya kayang isugal ang puso niya dahil may hinihintay pa siya. Someone she’s been loving for so long, someone whom she owes her life. Pero paano nga kung totoo ang sinasabi ni Sam na hindi na ito babalik at kung may asawa na ito. Paano naman siya? Kailangan ko na siyang makita. Pero paano? Hindi man lang sila kinontak ng mga magulang nito after their migration. Hinanap na rin niya ito sa mga social networking sites pero wala siyang nakikitang Arhel Fernando. Kahit parents nito wala din. Nakatulugan na niya ang pag-iisip dito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
So she really tried hard to avoid him. After that date, she began to do overtime work para hindi na niya ito masyado makasama. Inaagahan naman niya ang pasok para hindi ito makasabay. Sam seemed to notice nothing. Palagi kasi itong kasama ni Luis, hinahatid at sinusundo.
Kumakain na rin siya bago umuwi. But there were times that he would patiently wait for her at dinner but she always refused. Pagsinabi niya ditong pagod siya, hindi na siya nito kukulitin. There were also times that she pretended to talk with someone over her phone at dire-diretso na siyang papasok sa kwarto pagkatapos na ngitian ito. Hindi niya alam kung paano niya iyon nagawa for a week. Nakahalata kaya ito.
Friday afternoon.
She doesn’t know if there was a typhoon pero alam niyang ang lakas ng ulan at hangin sa labas ng bangkong pinagtatrabahuhan niya ay hindi lang simpleng ulan. Mamaya pa ang uwian at pagnagkataon, traffic at baha ang makakasabay niya mamaya. Nakita niyang nag-uuwian na ang ibang mga studyante. Malabong pauwiin sila ng maaga. Lord sana naman po huwag akong bahain.. Pero parang hindi na nakarating sa langit ang panalagin niya dahil sa nagtutumbahang billboard at puno malapit sa kanila. Kitang kita niya iyon sa bintana. At para namang tinablan ng konsensiya ang branch manager nila at pinaggayak na sila umuwi ng sumapit ang ika-4 ng hapon.
Tinawagan niya si Sam at sinabi nitong sa kanila na muna siya uuwi dahil hanggang bewang na ang baha ng daan pauwi sa condo. God paano ako uuwi? Ayokong dito matulog dahil Saturday bukas. Tinawagan din niya ang daddy niya. Ok lang naman daw ito dahil hindi na ito umalis ng kanilang bahay. Tinanong pa siya nito kung gusto niya magpasundo kay Kristoff, tumanggi naman siya. So she started preparing her things bago umuwi. Palabas na siya ng bangko ng mapansin si Kristoff sa labas. Gusto sana niyang magtago kaya lang nakita na siya nito.
“ Anong ginagawa mo dito?” lumapit siya dito. Nakashorts lang ito at tshirt. Nakatsinelas din. May dala itong dalawang malaking itim na payong.
“Sobrang lakas ng ulan at baha na kaya naisipan na kitang sunduin. Kanina pa kami pinauwi. Ayokong mastranded ka. Hindi kakayanin ng sasakyan mo ang baha,” may pag-aalala sa boses nito.”Uwi na tayo?”
“S-sige,” tipid na ngiti lang ang sinagot niya dito. “Salamat pero sana hindi ka na nag-abala pa. Ok lang naman ako,” Hindi na ito sumagot. Kinuha nito ang mga gamit niya at inilagay sa plastic na dala din nito. Ibinigay nito sa kaniya ang isang payong at isinuot sa kaniya ang jacket na suot nito. May hood yon.
“Salamat,”
“Tara na at mamaya hindi na natin makakaya ang baha,” iyon lang at nagsimula na silang maglakad. Despite the heavy rain and strong winds, she feels secured and comfortable. Masarap pala sa pakiramdam when someone cares for you and takes care of you. Bago sa kaniya ang mga pakiramdam na nararansan niya kay Kris. Napansin niyang tahimik ito. Once in a while tinitingnan siya nito to check if she’s still ok.
Ng makarating sila sa MRT station, operating pa naman ito. Pero sobrang dami ng tao. May ticket na si Kris kaya hindi na sila pumila. Dirediretso na sila sa waiting area ng train. Paano nga kayo ako kung hindi niya ako sinundo? Marami ding tao sa waiting area pero mabilis ang kilos ni Kristoff. Ng tumigil ang tren hinawakan siya nito sa kamay at nakipagsiksikan sa mga tao. His height and body built are his advantages. Humawak ito sa pinto ng tren, blocking the others to enter and gently pulled her inside the train. Puno na rin sa train. Nakatayo na silang dalwa. Iginiya pa siya nito sa loob at nakipagsiksikan sa iba. Sa bahagi ng tren na may sandalan sila nito nakapwesto. Nakasandal siya at ito nakaharap naman ito sa kaniya, protecting her from people who always use this opportunity to take advantage of the others. Konti na lang ang nakapasok at naging loaded na ang tren. “Nahihirapan ka?” tanong nito sa kaniya. Umiling siya at nginitian ito. She really feels safe with his presence.
Bumaba silang dalwa sa Quezon Avenue station. Malapit na lang doon ang condo nila.
At tama ito. Pagbaba nila ng MRT, hanggang tuhod na baha ang sumalubong sa kanila. Lumulusong na sa baha ang iba. Tiningnan siya nito. Parang tinatanong kung kakayanin niya.
“Kaya ko yan,”
“Sure ka? Baka sa manhole ka mahulog,” pag-aalala nito sa kaniya. Inabot nito sa kaniya ang payong nito. Tapos ibinaba nito ang katawan. “Ride at my back. Payungan mo na lang ako.” Tatanggi sana siya kaya lang naisip niya ang manhole. So she did. Sumampa siya sa likod nito at pinayungan silang dalwa. He was carrying her things with his left hand while holding her with the other. Para silang bida sa koreanovela. A guy carrying a lady on his back.
“Ang gaan mo lang pala,”
“Ibaba mo na ako pag pagod ka na ha?”
Hindi na ito sumagot. Sobrang lakas pa rin ng ulan. Natatakot nga siyang may matumbang poste ng kuryente at bumagsak sa tubig. Patay sila pagnagkataon.
Maya-maya’y may nakita siyang pedicab sa tindahan. Nakatingin ang driver sa kanila. Mukhang kakilala nito si Kristoff dahil kumaway ito sa direksiyon nila.
“Boss ihahatid ko na kayo,” sigaw nito. Lumapit ito sa kanila sakay ng pedicab.
“Naku Manong Balot, napakaswerte naman namin. Salamat po,” ibinaba siya nito at isinakay sa pedicab.
“Naku boss makabawi man lang ako sa’yo,” yun lang at umandar na sila.
“Kilala mo siya?” untag niya dito
“Oo, nagbebenta siya ng balot malapit sa’tin,” ngumiti ito sa kaniya. Basang basa na ito.Ibabalik sana niya ang jacket nito pero pinigilan nito ang kamay niya.
Maya-maya pa’y nakarating na sila sa condo. Binigyan ni Kristoff ng pera ang driver pero tumanggi ito. “Sige na ho Manong, pambili niyo ng gamit ni baby,” isinuksok ni Kristoff ang pera sa bulsa nito. Napakamot naman ito ng ulo. Mukhang nahihiya. “Salamat boss, sige ho at mukhang lalakas pa ang bagyo,” paalam nito sa kanila.

BINABASA MO ANG
Ideal Love
General FictionAccording to Greek mythology, men were originally created with two heads, four arms and four legs. Fearing their powers, Zeus split them into halves, condemning them to search for their other halves forever. Have you found yours? Kung kagaya kitang...