Chapter XVI (Part 1)

99 4 2
                                    

A/N

Eto na kahit wala kayong response. Walang sisihan kung last chapter na ok? ♥

“Aiah,” nasinghap siya ng marinig ang isang pamilyar na tinig mula sa kaniyang likuran. Hindi niya kailangang lumingon para lang malaman kung sino ito. Kilala ng puso niya ang tinig na iyon.

“Aiah,” tawag pa rin nito sa kaniya at naupo na sa kaniyang tabi. Ramdam niya sa tinig nito ang paghihirap ng loob.  Nilingon niya ito. Kung mukha siyang biernes santo, ito naman ay mukhang napagbagsakan ng langit at lupa. Mukhang wala pa rin itong tulog. Parang kinurot na naman ang puso niya. Gustong gusto niya itong yakapin, ngunit wala siyang lakas. Wala siyang kayang gawin. Nanatili siyang nakatitig dito. Naglandas na muli ang luha niya.

“Aiah, ok lang kung ayaw mong magsalita. Sana payagan mo lang akong magpaliwanag. Pwede ka ring huwag maniwala kung sa tingin mo hindi totoo ang sasabihin ko, please? Makinig ka lang sa akin.” Tumango siya at hinayaan itong magsalita.

“When I was four, nahospitalize si mommy dahil sa cancer. Kahit bata pa ako noon, hinding hindi ko ‘yon makakalimutan. ‘Yun yung akala ko mawawala na sa amin si mommy. Halos two months din kami ni daddy sa ospital. Isang gabi habang nasa chapel si daddy, pinuntahan ko si mommy sa ICU. Doon ko nakita si Tito Alfred. He was crying and praying. Tinanong ko siya kung bakit, sabi niya nasa ICU daw ang baby niya, kidney ailment,” tumingin ito sa kaniya bago muli nagpatuloy. “That time, kailangan ni mommy ng bone marrow, hindi nagmatch yung sa akin pati kay dad, tsaka sabi ng doctor preferably daw bone marrow ng baby or ng bata ang makuha. Nakipagdeal ako non sa daddy mo. Sabi ko idodonate ko sayo ang isang kidney ko kung magdodonate ka rin sa mommy ko ng bone marrow. Pero dahil bata ako, hindi naman nakipagdeal sa akin ang daddy mo, tapos biglang bumukas yung pinto ng ICU. The doctor told your dad you have 50-50 chance of survival kung hindi ka pa mahanap ng donor. Pumasok ang dad mo sa ICU, ako naman naiwan sa labas. Nagsisigaw ako sa labas ng ICU. I told them I will donate mine for you in exchange of a bone marrow. Naiyak pa ako nun habang sumisigaw. Because of that,”

“naibigay mo sa akin ang kidney mo?” she asked. He grabbed her hands and hold them tight.

“No. Hindi ako ang superhero mo Aiah, because of the scene I created outside the ICU i catched people’s attention. Because of that, narinig ako ng parents ng isang batang dinala din sa ospital and his case was real serious. He died  few hours after he was sent to the hospital. Siya ang hero mo. Ng ideclare siya ng doctor na patay na, his parents decided to donate his kidney to you,” nanlaki ang mga mata niya sa version ng story nito. Partly was the same as his father and partly was not. Sabi ng daddy niya, he saved her. But now, he was claiming he didn’t.

“Sabi ni daddy ikaw ang saviour ko,”

“If in the sense na ako ang medium para magkaroon ka ng donor, baka ako nga. But I didn’t give mine,” itinaas nito ang damit. There was no sign that he undergone an operation. “Kaya I didn’t claim na ako ang saviour mo. And because of him, nagkaroon din ng bone marrow si mommy. Siya ang hero nating lahat. Not me Aiah. I am not the person to whom you indepted your life. I am not worthy of your waiting or even of your gratitude. Kaya hindi ko ipinakilala ang sarili ko na si Arhel. Dahil ‘yun ang pinaniwalaan mo. That you are saving yourself for me because you owe me your life.”

We've been living in lies?

Ideal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon