“Aiah, tama na yan. Mababasag na yang picture ng prince charming mo.” It was Sam, my bestfriend. Trip talaga nitong sirain ang pagpapantasya ko. Mula nang maisipan naming magrent ng condo unit palagi na lang niya akong inaasar.
“Samantha naman eh. Alam mo yung ikikiss na niya ako tapos bigla kang umeksena!” Binato ko siya ng unan. Umiwas naman siya habang tawa ng tawa.
“Drop it!. Sam, ok? Sam. Feeling ko ang tanda tanda ko pag tinatawag mo ako nun. Eew. Anyway, naman Aiah, 24 ka na! Ang tanda tanda mo na puro ka pa rin prince charming. Magboyfriend ka na kaya para naman magkaroon ka na talaga ng fairytale na buhay,” she said. Inagaw nito sa kanya ang picture frame na hawak niya. “Look at you Aiah, you’re a daughter of a successful businessman in Batangas. You’re an accountant in one of the prestigious banks in the country. You’re beautiful pero ano? Hindi ka pa naiinlove. Malapit ka na mawala sa kalendaryo!” patuloy nito. Titig na titig din ito sa picture niya.
“Di ba sinabi ko na naman sa’yo. I’m waiting—“
“Tse! Naman Aiah. 24 ka na. Hindi na babalik yun. Kung babalik yun dapat dati pa. Siguro may asawa na yan sa Canada. Di ba sabi mo sa akin, four years old ka ng magmigrate ang family nila sa Canada? Ibig sabihin bata pa din yun nun. Nagpromise ba siya na babalik siya? And if he did, were you so attentive to remember?” nakatingin pa rin ito sa picture nila. That picture was taken when I was still four and he was eight. It was new year’s eve. Pareho kaming nakasuot ng Santa’s hat. He was hugging me tightly. Sabi ng daddy ko, their neighbours started to light their firecrackers that made me tremble. Kaya ako yakap yakap nito. And that was our last New Year’s eve together.
Alam ko babalik siya. He isn’t married yet dahil babalikan pa niya ako. I know he will be man enough and honor his words....
“Natulala ka na naman diyan!” siko niya sa akin. Salamat talaga sa bestfriend ko sa pagbabalik sa akin sa kasalukuyan.
“May naalala lang ako. Tara na nga. Let’s go malling. Dami dami mo pang dada dyan, gusto mo lang naman ako yayain sa mall.” I rose from my bed. Hinila ko na rin si Sam patayo. Alam ko kung saan na naman mapupunta ng usapan namin. She would again insist that it’s time for me to date a guy. An idea that I cannot even think of.
“Alam mo naman pala eh. Jeez. Saturday ngayon. Walang pasok. Alangan naman magbabad lang tayo dito sa bahay. Maligo ka na.” Sam smiled. Bruha talaga ang kaibigan ko. Siguro bruha din ako..
“Luka ka talaga. Bakit ba hindi mo na lang isama si Enzo? Ako pa kakaladkadin mo sa mall.”
“We’re over. Third party. Saw him with another girl last night. Baka kasi isipin niya e I’ll cry a river for him kaya hindi ako dapat magmukmok dito.” She winked.
“Ga—ganun lang yon? You’re over? Grabe ka Samantha. Pang pito mo na yun ah. Tapos ako gusto mo ako magboyfriend?!” sabi ko sa kaniya.
“You know na good girl ako. At silang lahat ang nanloko sa akin. Pero ok lang naman kasi I don’t love them far enough. Tama na sermon. Take a bath, Ang bantot mo na.” Tatawa tawa itong lumabas ng kwarto ko. Babatuhin ko sana siya ng unan kaya lang mabilis itong nakalabas.

BINABASA MO ANG
Ideal Love
General FictionAccording to Greek mythology, men were originally created with two heads, four arms and four legs. Fearing their powers, Zeus split them into halves, condemning them to search for their other halves forever. Have you found yours? Kung kagaya kitang...