“Come,” yaya pa rin niya.
“Ayoko nga,”
“Come, let’s show the world that I’m yours,” automatic itong napatayo buhat sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. Surprise and amazement written all over his face.
“Can you say that again?”
“Tama na ang drama mo diyan, halika ka na,” hinila na niya ito palabas, controlling a smile on her lips.
“Teka lang, nasa kwarto pa yung tripod ko at camera. Wait here lady, I’ll be back,” he kissed her on the lips lightly and grabbed his stuffs.
They both enjoyed the heat of the sun together. Hindi nito binibitawan ang kamay niya since they left the cottage. Siguro nakita na sila ng ninong at daddy niya pero hindi naman niya magawang bawiin ang kamay niya rito. He’s definitely telling the world that she is his and no one can take her away from him. Masayang masaya itong naglalakad sa dalampasigan hawak ang mga kamay niya.
They ate their lunch in the hotel with her daddy and godfather. Hindi siya malapitan at makulit ni Ross dahil tinititigan ito ng masama ni Kristoff. Mukhang nakahalata naman si Ross and spare her.
In the afternoon, her dad joined them in snorkling. Pinasamahan sila ng ninong niya sa crew nito sa isang maliit na isla. Hindi na ito sumama dahil marami daw guests na darating. Tuwang tuwa siya sa dami ng isdang nakita niya underwater. Mukhang enjoy din naman si Kristoff dahil natatagalan itong lumutang sa paghanap ng mga isda.
“Look Aiah,” nilapitan siya nito at itinuro ang mga starfish na malapit sa kanila.
“Ang ganda! Dad look here!” sumenyas lang and daddy niya sa kanila na ok lang ito sa pwesto nito.
Halos palubog na ang araw ng umalis sila sa resort. They really enjoyed this day. Nakatulog na siya agad pagdating na pagdating nila sa bahay. Hindi na niya alam kung anong nangyari kay Kristoff at sa daddy niya.
“When do you plan to tell her?” nakaupo sila sa terrace habang nagkakape.
“Humahanap na lang po ako tito ng right time, baka kasi hindi ko maexplain ng mabuti magalit siya sa akin,”
“Naku Kristoff, magagalit talaga yang si Aiah. Para pa naman yang bata,”
“Nagsisisi na nga po ako tito eh, I should have really told her in the first place,”
“Ayusin mo na yan habang maaga, I don’t want to see both of you hurting at the end,”
“Opo, Tito.” This time, kailangang magkaroon na talaga na siya ng lakas ng loob na masabi kay Aiah ang totoo, bago pa man siya maunahan ng iba.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ilang araw na rin ang nakalipas ng magswimming sila ng daddy niya. Natulungan na rin nila ni Sam si Kristoff maglipat sa 14th floor. Doon lang ito natutulog pero sa kanila pa rin ito nagluluto ng almusal at hapunan kaya hindi niya ito masyado namimiss.
“Aiah, pwede ba tayong magdate ulit?” sinundo siya nito muli mula sa bankong pinagtatrabahuhan. Iba ang tono ng boses nito. Mukhang may gumugulo sa isip.
“Araw-araw naman tayo nagdedate ah, bakit kailangan mo pa akong tanungin? May problema ba?” biro niya rito.
“May gusto sana kasi akong sabihin sa’yo pero sana bago ka magalit, pakinggan mo muna ang paliwanag ko,” seryoso pa rin ito.

BINABASA MO ANG
Ideal Love
General FictionAccording to Greek mythology, men were originally created with two heads, four arms and four legs. Fearing their powers, Zeus split them into halves, condemning them to search for their other halves forever. Have you found yours? Kung kagaya kitang...