She didn’t know how she managed to fall asleep. Nagising na lang siya sa katok ni Sam.
“Best, open it. Dali. Pinagpapala tayo ni Lord.” Ekseharadong katok nito sa pinto niya.
“Oh bakit? Aga aga Saman-“ tinakpan nito ang bibig niya.
“Marinig ka nung pogi sa kusina. Samantha ka na naman diyan. Best hindi mo naman nasabing uber pala ng pogi ni Kristoff, sana nahintay ko din siya kagabi,” sabi nito at kinikilig pa. “At hindi lang yun, he’s a real hunk. I saw him in that towel. Ang agang blessing,”
“Ano?? Nakatowel lang siya sa kusina?”
“See it yourself,” hinila siya nito palabas.
And I almost dropped in my knees. Nakatalikod ito at nagtitmpla ng kape. There were still drops of water running to his back. At nakatowel nga ito.
Lord sabi ko po tulong eh.... Tulong! Puro tukso ka naman...
“Oooppss. Good morning beautiful ladies. Here. Ipinagtimpla ko kayo ng kape. You’re Sam right?” bati nito sa kanila nang humarap ito at makitang nakamasid sila. “Pasensiya na kayo nakikape na rin ako ha?” he smiled at them.
Para naman silang nabato-balani ni Sam. If he’s perfect pagnakatalikod, what more paghumarap?
“Thanks Kristoff, we don’t mind. Yup, I’m Sam. Ang saya at sarap namang may poging housemate.” Inabot nito ang kape at nakipagkamay sa Kristoff.
He’s gorgeous. Ngiti at tingin pa lang nito heaven na. Plus pa ang abs.. Jackpot!
“Huy best, kape daw oh,” Ito na ang umabot ng kape niya. Napabalik naman siya sa katinuan. “Ikaw best grabe ka makatitig” tukso pa nito.
“Tse!” she grabbed her coffee at hinarap si Kristoff. “Kristoff nakalimutan mo atang mga babae kaming kasama mo. Although sanay naman kaming makakita ng mga pogi eh ang nakatowel lang hindi pa masyado.”
“Sorry, nakalimutan ko. Pero thank you na rin sa papuri,” he smiled again.
“Naku, bahala na kayo diyan,” she said at iniwan na sina Sam at Kris. She could hear her bestfriend’s laughter sa kwarto niya. Maliligo na siya. Only to find out that she just woke up and her hair followed different directions. Humarap siya kay Kristoff ng ganon ang hitsura. Juskupu
Ng makaligo at makapagayos na siya ay lumabas na siya ng kwarto niya. Nakaayos na rin ang dalawa at masayang nagkukwentuhan sa sala.
“Ayan na pala si best. Tara na at baka malate pa itong si pogi sa first day niya,” boses yun ni Sam.
“Come on. Ihahatid ko na muna kayo,” Kristoff said at binitbit na ang mga gamit nila.
“Huwag na. Baka malate ka pa nga makonsensiya pa kami ni Sam. May car naman kami,” she replied.
“Sayang, gusto ko pa naman maghatid ng magaganda. Bumabagay sa suot ko. Mukha na din akong pogi,” tukso pa nito. They were waiting for the elevator.
“Ayan na nga ba ang sinasabi ko, magkakahawaan kayong dalawa ng utak ni Sam, may dalawang sira ulo na akong kasama,” she said habang nasa elevator sila
“Teka ikaw kaya ang nagsabi kanina na pogi ako,”
“I did not say that!”
“But that’s what you mean. Sabi mo sanay ka ng makakita ng mga pogi. Mga. Collective yun. Kasama ako dun,” tudyo pa nito.
“Oy tama na yang kasweetan nyo male-late tayo. Bumukas na oh,” si Sam at pigil na pigil ang ngiti. Nginitian din siya ni Kristoff. Bakit ganun, parang lahat sila may alam na hindi ko alam.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Aiah and Sam were surprised pagdating nila sa bahay. Their unit was clean. Pati mga cover ng sofa bagong palit din. Pasalampak silang umupo dun. May fresh flowers din. Bago din ang scent ng kanilang bahay. Amoy lavender. Plus may poging cook na nakaapron sa kusina. Jackpot!
“Hey ladies. Welcome home,” bati nito sa kanila. “Hindi ko kayo naihatid kaya naisipan kong umuwi agad and do all these. Orientation ko pa lang naman today kaya maaga ako nakalabas. Gusto niyong juice?”
“Akalain mo yun, may juice pa. Thank you Kris. Ang sarap mo naman maging housemate. Kami kasi nitong si Aiah tamad talaga eh,” ngiting tugon naman ng kaibigan niya.
“Excuse me, masipag ako. Ikaw lang talaga dyan ang ayaw kumilos dito. Ang bango ng bahay nakakarelax. Thanks.” Nginitian din niya ito.
“No prob. Makabayad man lang ako sa pagkupkop niyo sa akin,” he winked. “Tinawagan pala ako ni tito to check if you’ve been good to me, sabi ko hindi mo pa naman ako pinapalayas kahit nakatowel ako kanina,” kwento nito. She blushed. Naalala na naman niya ang hitsura niya kanina. “Magluluto akong dinner for three ha? Nag-grocery na din ako,” he added.
“Make it two. Sayang may date kami ni Luis. Pero if you insist magresched na lang kami,” kinikilig pa si Sam. Hitad talaga ang kaibigan ko.
“It’s not good to turn down someone’s offer just because of a better one,” natatawang sagot naman ni Kristoff.
“I know, so I’ll leave you two here. Magbibihis na ako,” iyon lang at pumasok na ito sa kwarto nito.
BINABASA MO ANG
Ideal Love
Fiksi UmumAccording to Greek mythology, men were originally created with two heads, four arms and four legs. Fearing their powers, Zeus split them into halves, condemning them to search for their other halves forever. Have you found yours? Kung kagaya kitang...